Rei Xiu Degenhardt
Kasalukuyan akong kumakain ng umagahan kasama ang aking mga magulang. Tahimik lamang kaming kumakain at wala ni isang gustong basagin ang katahimikan na namuo. Ganito kami kumain, kung minsan naman ay maingay kami at nag-uusap-usap sa isa't isa ngunit kung wala naman kaming pag-uusapan ay walang nagsasalita.
Nasanay na rin ako sapagkat sila lang palagi ang kasama ko dahil ang apat na taon ko sa dati kong eskwelahan ay nasa bahay lamang ako kasi wala namang nagtuturo nang maayos doon. Hay! Paano nila nagagawang magtagal doon? Ayaw ba nilang matuto? Sabagay mayayaman naman kasi yung mga nandoon tapos parang wala pa silang pakealam kung nagsasayang sila ng pera o hindi.
Anyway, kahit papaano naman ay nagkaroon ako ng kaibigan sa school na yun, si Heart, kaso ang problema naman sa kaniya ay magkaiba kami ng gusto. Welp, iba-iba naman ang preference ng mga tao but madalas ay pinipilit niya ako sa mga bagay na ayoko.
Katulad na lamang ng pagsusuot ng make up. Mahilig kasing mag-ayos iyon sa sarili niya—eer, hindi ko naman sinasabi na hindi ako palaayos diba, pero kasi gusto ko natural na beauty lang ganun. Gets niyo naman siguro ako kahit papaano, hano?
Though hindi siya nagtagal sa school namin na 'yun kasi inilipat siya ng nagpapaaral sa kaniya sa Cadaver University, which is magiging university ko na rin ngayon so looking forward na makita ulit siya kahit na hindi kami masyadong magkasundo minsan.
"Renshu, iha. May liham ka na dumating, galing kay Elizabeth." Pagbasag ni yaya sa katahimikan na namuo sa hapagkainan namin. Nang marinig ko ang pangalang Elizabeth ay huminto ako sa pagkain at nilingon si Yaya Anna na may hawak-hawak na isang envelope. Pinabayaan ko na lamang ang pagtawag niya ng Renshu sa akin kahit Rey shiu ang pronounciation nun.
Trip lang siguro ako nito ni yaya.
Kinuha ko ito mula sa kaniya at binuksan. Ngunit pagkabukas na pagkabukas ko ay bumungad sa akin ang isang nakakasilaw na Liwanag na nagmumula sa papel. Ilang sandali pa ay lumabas ang mukha rito ni Elizabeth.
"Oceana! My dearie!!!" Pasigaw na bati nito sa akin at halos masira ang eardrums ko kaya marahan kong nailayo ang papel sa akin at napansin ko naman ang pagtingin sa amin ng mga magulang ko. Nang mapansin ni Eli ang reaksyon namin ay napangiwi na lamang ito sabay ngumiti.
Si Eli ay may natatanging kapangyarihan at iyon ay ang nakakamatay na boses na taglay niya. Kaya niyang sirain ang eardrums ng kung sino man ang makakarinig ng kaniyang tili. Kung hindi ako nagkakamali ay ang tawag sa kapangyarihan niya ay hypersonic scream. Iyon lamang ang kapangyarihan na mayroon siya at kung minsan ay naiingit ako kasi 'yung iba ay may kapangyarihan, pero ako ay wala.
Ewan ko kung maiituring bang kapangyarihan ang pagiging matalas ng mga senses ko. 'Yung tipong kahit malayo ay kaya kong makita o marinig. Siguro kapangyarihan na iyon.
"Hehehe, hii, tia, tio, sorry po. I didn't know na kumakain po pala kayo." Paghingi nito ng paumanhin sa mga magulang ko at ako naman ay napailing naman. Kailan ba ako masasanay sa ganito? Madalas akong padalhan ni Eli ng mga liham kung saan ginagamitan niya iyon ng mahika upang makausap ako nang live. Para na rin kaming magkausap nito sa telepono ngunit ang pinagkaiba ay nakikita ko siya at nakikita niya rin ako.
"Eli, my love, don't worry. We are used to it." Malumanay na sagot ni mommy at parehas silang nagtawanan ni daddy dahil walang araw siguro na hindi nila naririnig o nakikita si Eli sa ganito kahit si yaya na nasa gilid lamang ay natawa na lamang sa reaksyon ng mga magulang ko.
Minsan, napapaisip ako kung tunay ba talaga ang edad ng aking mga magulang sapagkat napakabata pa nila kung titingnan, para lang kaedad ko sila kahit na mas matanda pa sila kay ate Anna. Alam ko ay sampung taon ang tanda nila kay yaya Anna.
BINABASA MO ANG
The Cadaver University
FantasyCadaver University, isang pribadong tagong unibersidad ngunit tanyag sa larangan ng pagtuturo ng medisina. Marami ang naeenganyo na mag-aral dito sapagkat bukod sa ito ay tanyag na unibersidad ay hindi rin gaano kamahal ang matrikula na kailangan ba...
