Chapter 58

58 3 0
                                        

Migo Loire Softsnow

Akmang sasaksakin ni Kyme si Rei Xiu sa likod nang humarang ako dahilan upang ako ang masaksak imbes na sya.

Kaagad naman syang lumingon dito at napa luhod ako dahil sa saksak na natamo ko.

Mi... Migo? Tawag nya sa akin at nag angat ako ng tingin sa kanya.

Ang daming nag sisigawan dito, umiiyak, at nagmamakaawa, pero heto ako at nakatuon ang atensyon sa babaeng una kong minahal bukod sa aking ina at kapatid.

Ang pag - ibig nga naman ay nagagawa ang lahat kahit na mag sakripisyo ng buhay.

MIGO!! BAKIT KA NAMAN HUMARANG?! Sigaw na tanong ni Kyme sa akin at dahan dahan akong humarap sa kanya at pinilit kong tumayo.

INILIGTAS MO SYA! Asik pa nya sa akin at marahan akong tumango ng makatayo na ako.

Oo, dahil sa kanya lamang ako naging tapat, at kahit sa kabilang buhay ay magiging tapat ang kaluluwa ko sa kanya! Sagot ko sa kanya at sarkastiko naman syang tumawa at mabilis na tumakbo papunta sa akin at sinaksak ako sa tyan dahilan upang mapasuka ako ng dugo.

Si Rei Xiu naman ay mabilis na tinulak si Kyme at nagulat ako ng tumalsik sya sa kabilang dulo ng gymnasium.

Napakalakas nya! Naramdaman ko na lang ang sarili ko na napahiga sa lap ni Rei Xiu.

Ho... How did you do that? Manghang tanong ko sa kanya kahit na nahihirapan na akong huminga.

Sya naman ay nag simulang umiyak na aking ikinatawa.

Hi... Hindi pwedeng mamatay ka! Umiiyak na sabi nya at hinawakan ang kamay ko at idinikit sa labi nya at naramdaman ko ang malamig nyang balat.

Hi...hindi pwedeng pati ikaw ay mawala sa akin! A...ayoko! Usal nya sa akin at mahina naman akong tumawa.

Ayos lang ako na mamatay, basta ang hinihiling ko lang ay mabuhay ka. Tugon ko sa kanya at tiningnan nya ako sa mata at kitang kita ko roon ang pag aalala.

I...importante ka rin sa akin! A...ayokong mawalan ng i...i...isa pang kaibigan. Umiiyak na sabi nya at napangiti naman ako dahil sa unang pagkakataon ng aking buhay ay nagkaroon ako ng kaibigan na lubos na may pagmamalasakit sa akin.

Madalas kasi akong iniiwasan ng mga tao dahil isa raw akong aleman. Alam naman nating lahat kung anong ginawa ng mga katulad ko dati sa mga tao noon.

Pabayaan mo na ako. Iligtas mo sila. Nakangiting sabi ko sa kanya at umiling iling naman sya.

Ililigtas kita! Pagpipilit nya at napabuntong hininga ako.

Sa buong buhay ko ang gusto ko lang ay maging invisible ako upang sa ganun ay walang makakita sa akin. Walang makakita sa akin na ako'y nasasaktan, at walang makakita sa aking pagkakamali. Patawarin sana nila ako. Hinihingal na sabi ko kay Rei Xiu at nararamdaman ko na unti - unti na akong tinatawag ng aking sundo na si Kamatayan.

Paalam Rei Xiu...

---

Deng Rei Xiu

Ang huling inisip nya ay ako! He saved me! Natataranta na ako gaya ng pagkataranta na nangyayari sa mga estudyante dito.

Hindi ko mapigilan na hindi maiyak. Ayokong mawalan ulit ng isa pang kaibigan.

Kung kinakailangan kong gawin syang bampira ay gagawin ko, mabuhay ko lamang sya.

Unti - unti nya ng ipinikit ang kanyang mga mata at nag simula akong sumigaw.

The Cadaver UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon