Ep 3: Font is Online Now

731 55 34
                                    

Font
Crosoft!

Crosoft
Ano po 'yon Kuya Font?

Font
😁😁😁
Dad, busy ka?

Crosoft
Busy ako!
Naghahanap ng pera!
Para mabuhay ka!

Font
Galit?
Sino ba may sabing
mag anak kayo ng madami?
😎😎😎

Crosoft
Kung pwede lang i-skip ka
ginawa ko na, pak juice ka!
wala ka talagang galang
sa ama mo. 🤨🤨

Font
Hindi pwede dad, it would
be a waste kung di ako
maipapanganak sa mundong ito
Kailangan ng mundong ito
ang isang tulad ko 😁😎

Crosoft
Ano bang kailangan mo?
Pera? New car? House and lot?
Magtrabaho ka!

Font
Dad! Hindi, masaya pa
ako sa bahay natin
buhayin mo muna ako
trabaho mo 'yan! Haha!

Crosoft
Masaya ako nang pinanganak ka
ngayon pa rang gusto
ko nang pagsisihan

Font
Dad, may naisip lang ako

Crosoft
Ano na naman?

Font
Haha! Dad, naisip ko lang
kasi, 'diba ikaw si Crosoft?

Crosoft
May iba pa bang Crosoft?
🙄🙄🙄

Font
Tapos si Mom, Cambria
tapos Verdanah si ate
ako si Font
then sila Print and Paper

Crosoft
Pinapagawa ka ba ng
family tree ng teacher mo?

Font
🤔🤔🤔

Crosoft
Ang bigat ng problema
mong bata ka

Font
Kasi naisip ko lang,
ang dad ko MS Word
tapos ang mom ko font style
ate ko naman font style din
tapos ako, font
tapos yong kambal printer
saka papel ...

Crosoft
So saan papunta ang
usapang 'to?

Font
Dad, may balak pa ba
kayong dagdagan kami?

Crosoft
Bakit?

Font
Kulang tayo ng ink

Crosoft
😑😑😑

Font
Dad! Haha! Hindi tayo
complete... Wala tayong
ink 😂🤣

Crosoft
Sinasayang mo lang ang
tuition fee mong bata ka!
Baka bukas i-cha-chat mo
na naman ako!!
Dad, kulang tayo ng CPU,
ng desktop, mouse, keyboard,
web cam, mic, saka speaker!
Huwag kang magpapakita
saken mamaya 😡😡
Nanggigil ako sayo talaga!!

Font
Haha! Dad, you should be
proud of me. Busy at creative
akong tao, akalain mong
naisip ko pa 'yon? 😏😎

Crosoft
Inaabala mo ang pagiging
ulirang ama ko sayo!
Pinalaki kita nang maayos
tapos ito lang pumapasok
sa utak mo?? 😑

Font
Dad, maaga ka bang
uuwi mamaya?

Crosoft
Bakit?!

Font
Daanan mo nga ako

Crosoft
Mamaya, aapakan
talaga kita!!

Font
ng iced coffee na
milky 🤗🤗

Crosoft
Gabing-gabi na
magkakape ka pa?

Font
Sige na! Love you. 😘

Crosoft
Bakit ka ba iniluwal
ng nanay mo?

Font
Kasi nga ipinasok
mo ako kay Mom
😒🙄

Crosoft
Tang na juice to ah!
Saan mo natutunan 'yan?

Font
Sa Biology 😎

Crosoft
Makikipag-usap ako
diyan sa teacher mo...
kung ano-ano natutunan mong
bata ka!! Maglinis ka ng banyo!
Sabado ngayon.

Font
Dad, may katulong
naman tayo e

Crosoft
Tatawag ako sa bahay
at sasabihin ko sa mga
katulong natin na
mag day off sila ng isang buwan
and with pay

Font
Gagawin mo 'yon?

Crosoft
Hindi ikaw ang gagawa!
Ikaw rin magsasahod!

Font
Daaad! Haha!

Crosoft
Oo, mayaman tayo!
Isaksak mo 'yan sa
tagiliran mo!

Font
Bakit sa tagiliran?

Crosoft
Wala kang utak 😒

Font
Haha! Dad basta 'yong
iced coffee ko 😍😍

Crosoft
Dadalhan kita ng isang balde
na iced coffee milky!!

Font
Haha, kaya mahal kita e!

Crosoft
🤨🤨🤨

Font
Crosoft!

Crosoft
Bakit ba Kuya Font??!!

Font
Dad, pahingeng 5k 😃😁

Crosoft
Seen

Font
Daaaaaaad!!

Crosoft
Tumahimik ka!
Mag-uusap tayo mamaya!

Font
❤️❤️❤️

CHARACTER CROSSOVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon