Chapter 1. “The New Secretary”
Ethina’s POV
Isang magandang umaga ang gumising sa akin. Ang ganda ng sikat ng araw na pumapasok mula sa aking bintana. Automatic na napangiti ako at agad na kinuha ang cell phone ko sa side table.
To: Jazzsher_MyLove
Happy 5th Anniversary My Love. See you later. :* :* :*
Message Sent!
Niyakap ko pa ang cell phone ko pagka-sent ko ng message sa kanya at tumili. This is it! This is really is it! Today is our 5th anniversary. Sandali, kailangan kong mag-ayos ng mabuti para mamaya sa date namin. Ang iniisip ko rin ay yung sinabi ni Jenina kahapon sa akin. Baka nga ito na ‘yung araw na ‘yun. Ang pinakahihintay ko, baka magpro-propose na siya sa akin!
Pero bago ang lahat, kailangan ko munang pumasok sa trabaho. Isa pa, first day ko sa trabaho ngayon.
Naligo na ako at nagbihis, pagsakay ko ng taxi. Tinignan ko ang cell phone ko kung nag-reply ba si Jazzsher, pero wala naman. Baka naman busy lang siya, total magkikita naman kami ngayon sa office. Yup, same company kami. Actually kasama rin namin si Jenina. Magkakaklase kasi kami noong college at simula nung college, magkarelasyon na rin kami ni Jazzsher. Si Jenina na rin ang nagrecommend sa akin na mag-apply. Ang alam ko, secretary ako ng CEO ng company na ‘yun. Kailangan ko kasi ng trabaho para sa amin ni Jazzsher.
Pagbaba ko sa harap ng APB building agad akong pumasok. Hinarang naman ako ni Manong Guard.
“Miss ‘san po sila?”
“Ah Kuya Guard ako po yung bagong secretary ni Mr. Sanjun Alcantara.” Masayang sagot ko. Bigla namang nagulat si Manong Guard sa sinabi ko. “Manong? Okay lang po ba kayo?” Sa isip-isip ko, ano naman ang effect nitong si Manong? Parang nakakita ng multo.
“Naku Miss, ito lang ang masasabi ko sayo. Magdala ka lagi ng isang kilong pasensya tuwing papas—“ Hindi pa man natapos ni Manong Guard ang sasabihin niya ng bigla niya akong hilain patabi. Pagkahila niya sa akin umayos siya ng tayo. Tinignan ko naman siya.
“Kuya, anong nangyare?”
“Miss, nandiyan na si Sir Sanjun.” Sabi ni Manong.
Napatingin naman ako sa tinitignan ni Manong Guard. Nasa harap ng namin ang isang mamahaling itim na kotse. Mula sa kotseng ‘yon. May isang lalaki ang bumaba. Nakaitim na Amerikana at may dalang itim na case. Kung titignan, ang bata pa niya parang kasing edad ko lang siya. Naka-clean cut ang buhok at may hitsura naman. Pero mas pogi ang Jazzsher My Loves ko.
Naglakad na papasok ng building ang lalaki. Si Manong Guard naman todo straight sa tayo na parang army. Ganyan nga pala ang mga guard. Ako naman nasa likod lang ni Manong Guard habang tinitignan ang lalaking naglalakad papasok. Ang seryoso ng mukha, parang mangangain sa pagkaseryoso. Ganto ba talaga ‘to? Parang di man lang nabiyayaan ng kasiyahan sa buhay.
BINABASA MO ANG
To Get Her
HumorLove comes unexpected. Siya si Ethina ang brokenhearted girl na niloko ng 5 years niyang boyfriend. Siya naman si Sanjun, ang serious type guy na CEO ng isang kumpanya. At dahil sa isang maling pangyayari, magkakaroon sila ng kontrata para magpangga...