Chapter 4. "The Contract"

34 2 1
                                    

Chapter 4. “The Contract”

Ethina’s POV

            Nasa bahay kami ni Sir Sanjun, or better to say Sanjun na lang since nag-resign na ako sa company as her secretary, pero magkakaroon naman ako ng isa pang trabaho. Ang maging asawa niya. Bakit ba ako pumayag? Simple lang, mataas ang sweldo at higit sa lahat, ang usapan naming pahihirapan niya si Jazzsher sa trabaho. In that way makakaganti ako sa kahayupan ng ex kong ginawa akong bangko para financial assistance niya. Unggoy siya. Nanggigil pa rin ako, hindi ko lubusang maisip na nagpagamit ako sa unggoy na ‘yun. Pinagpalit pa ako sa hipon. Pwes magsama sila, pareho silang hayop.

            “Ganito ang magiging papel mo sa gagawin nating pagpapanggap. Magpapanggap kang maging asawa ko sa loob ng anim na buwan, bawat buwan ay 100,000.00 Pesos ang bayad.” Seryosong sabi ni Sanjun habang naka-de-quatro sa harap ko, nakaupo siya sa kabilang sofa.

            “Okay, deal. Pero walang mangyayari ah?” Pagkakaklaro ko, bigla naman siyang ngumisi na animoy dismiyado pa.

            “Akala mo naman pagtatangkaan kita? Mataas ang standard ko sa babae, no choice lang ako kaya ikaw ang napili ko. Naipit langa ko sa sitwasyon kaya kung iniisip mong may balak ako sayo? Huh, burahin mo ‘yan sa isipan mo.” Tinignan ko siya ng masama. Ang lakas mang-insulto ng isang ‘to. Ngayon, nakukumpirma ko n gang mga sinasabi ng mga tao sa office. “And one more thing, ayaw ko sa asawa ang engot at tatanga-tanga.” Pahabol niya pa, napasinghal ako sa sinabi niya.

            “Sa tingin mo engot ako?”

            “Malay ko ba kung saan ka galing. Baka isa ka rin sa mga secretary ko dati na ginawang subjest sa school ang katangahan.” Kumpyansa niyang sabi. Aba, grabe ang isang ‘to.

            “May nakapagsabi na ba sayong baka ampon ka ng magulang mo?” Mataray kong tanong sa kanya. Nakita ko naman ang pagtataka at pagkunot ng noo niya.

            “Wala pa, bakit?”

            “Baka kasi anak ka ni Lucifer, o di naman kaya kalahi mo.”

            “What?”

            “Oh bakit? Ikaw ang nag-umpisa, kung manginsulto ka akala mo nabili mo na ang kaluluwa ko! Hay nako, kung hindi ko lang kailangan ng pera at kung hindi lang para gawing impiyerno ang buhay ni Jazzsher di ako papayag dito.” Sigaw ko sa kanya.

            “Okay fine, wag na tayong magtalo. Pagusapan natin ang kasal at ang gagawin nating kontrata.” Umayos siya ng pagkakaupo. Inirapan ko naman siya at sumandal sa sofa. “Gagawa tayo ng kontrata para may hindi mangyari.”

            “Anong mangyari?”

            “We need to act like were really a marriage couple. In public dapat magmukha talaga tayong mag-asawa.”

            “So?”

            “Sa mag-asawa, hindi ba ginagawa ang kiss, hug, touch and so on?” Sarkastikong sabi niya. “Alam mo, mukha alam ko na kung bakit ka iniwan ng boyfriend mo. Wala ka yatang ka-romance romance sa katawan eh.” Napasinghap ako sa sinabi niya.

            “Aba, nagsalita ang hopeless romantic na inindian ng babae sa proposal, kaya ito naghahanap ng panakip butas sa katangahan niya.” Ganti ko sa kanya. Sinamaan naman niya ako ng tingin.

            “Anong sabi mo?”

            “Bakit? Sasaktan mo ako? Di pa nga tayo kasal, magiging battered wife yata ako sayo.”

To Get HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon