Chapter 8. “The Honeymoon”
Ethina’s POV
Marami na ang nagsisiuwian, bago sila umuwi binabati nila kami ni Sanjun. Nandito kami sa reception. Isang kilala lang hotel lang naman ang reception ng kasal namin exclusively sa amin lang talaga. May mga media pa rin na patuloy sa pag-cover ng wedding namin. Kanina simula pa sa pagtanggal ng garter sa hita ko, hanggang sa paghagis ko ng bulaklak, ang malas nga lang dahil kanina pagtanggal ni Sanjun ng garter sa legs ko, grabe ang pigil ko kanina sa pagtawa. May kiliti kasi ako sa legs ko, sa kakatawa ko, bigla akong kinurot ni Sanjun sa legs kaya napasigaw ako na kumuha sa attensyon ng mga tao. Ngumiti na lang ako ng patay-malisya sa ginawang kabwisitan ni Sanjun.
Paghagis ko naman ng bulaklak, tinanya ko ang kinaroroonan ni Sanjun sa likod ko. Nakabusangot pa ang mukha niya. Para makabawi, ganito ang plano, ibabato ko kay Sanjun ang boquet flower. Pagbato, napasigaw pa ako ng “Boom siter!” Kaso natigil ako ng makita kong sa iba napunta ang bulaklak, abot tainga naman ang ngiti ni Siren habang hawak ang bulaklak, wow, good new, siya ang next na ikakasal. Kanino kaya? Kay Sanjun kapag naghiwalay na kami—este nag-expire na ang contract.
Mag-gagabi na ng tuluyang maubos ang mga bisita.
“Sir, Maam, sige na po, mauna na po kayo. Kami na po ang bahala rito.” Sabin g organizer ng kasal namin. Hindi naman nagsalita si Sanjun at bigla akong hinila palabas ng hotel.
“Aray ko naman, dahan-dahan kita mong ang taas ng sapatos ko eh.” Angal ko rito, ang hilig niyang manakit ng babae. Ang sungit pa, hindi kaya tama ang iniisip ko? Baka naman kasama siya sa mga kabekihan.
Pagdating namin sa labas, naka-abang na agad ang bridal car na sinakyan ko kanina. Kinuha ni Sanjun ang susi sa lalaki at pinagbuksan ako ng pinto tsaka pinapasok. Tinulak niya pa ako papasok. Grabe talaga, madahas ang beking ito.
Pagpasok niya ng sasakyan. Sa driver seat siya naupo. Akala ko ba ayaw niyang umuupo ako sa backseat kasi magmumukha niyang driver? Tapos ngayon ganito? Pansin ko rin na ang tahimik niya kanina pa. Given na yung pagiging araw-araw niyang may dalaw, pero iba talaga yung pagmumukha niya kanina.
Umandar na yung sasakyan, mabilis niya itong pinatakbo kaya bumaliktad ako sa loob ng sasakyan.
“Hoy umayos ka naman! Aba, mahal ko pa ang buhay ko!” Sigaw ko sa kanya habang inaayos ang sarili ko. Tinanggal ko na ‘yung gwantes sa kamay ko at yung makating nakakabit sa ulo ko. Tinitigan ko siya ng masama sa rearview mirror, pero ang Kuya, effect ang pagiging suplado. “Magpapakamatay nandadamay pa.” Maktol ko tsaka siya inirapan.
Tumigil ang sasakyan sa isang villa. Hindi ko na alam kung saang lugar na ‘to, almost 3 hours din kami nagbyahe. Pagbaba ko, nauna na siyang pumasok sa villa.
“Tignan mo ‘to, di man lang ako tulungan, ang bigat kaya ng gown ko.” Napasinghap na lang ako habang pinagmamasdan siyang pumasok.
Pagpasok ko sa loob, namangha ako sa ganda at design ng villa. Ang linis at ang ganda ng interior design. Puro pa kawayan at kahoy ang mga furniture, ang ganda din ng lightnings ng buong bahay. Malamig rin ang at ang presko ng kulay. Sa kakawili kong pagtingin-tingin sa buong bahay. Natigil ako ng dumaan si Sanjun sa harap ko. Napatakip ako agad ng mata ng dumaan siyang naka-top less lang.
“Bastos, di man lang magsabing maghuhubad.” Sabi ko rito habang nakatakip ang mata. Nang maramdaman kong nakalayo na siya. Tinanggal ko na ang takip sa mata ko at tinignan siya paalis. “Baka maliligo na, mabuti ‘yan! Para naman lumamig ulo mo!” Sigaw ko. “At ako? Magiikot muna sa buong bahay!”
BINABASA MO ANG
To Get Her
HumorLove comes unexpected. Siya si Ethina ang brokenhearted girl na niloko ng 5 years niyang boyfriend. Siya naman si Sanjun, ang serious type guy na CEO ng isang kumpanya. At dahil sa isang maling pangyayari, magkakaroon sila ng kontrata para magpangga...