Chapter 7

2.2K 33 0
                                        

Deng Rei Xiu

Matapos ang meeting kanina ay nawalan kami ng klase.

Naisipan ko naman na mag imbestiga, hindi pa naman naaalis ang dalawang bangkay dito sa room namin dahil inalis lang pala ng mga janitor ang dugo.

Tumayo ako, at pumunta dito sa likod kung saan dito nakalagay ang dalawang bangkay.

Parehas ko na silang hindi makilala dahil sa itsura nila. Binalatan sila ng buhay! Pero batid kong babae itong isa, at itong isa ay lalaki.

Kinuha ko naman sa bulsa ng damit ko ang gloves ko at panyo. Isinuot ko ang gloves ko at nag simulang hawakan ang bangkay.

Girl! Anong ginagawa mo d'yan? Rinig kong tanong ni Heart sa akin.

Nag hahanap ng kung ano mang makita ko dito na makakapag bigay ng impormasyon kung kaninong bangkay ito. Sagot ko sa kanya, at naramdaman ko naman na pumunta rin dito sila Andrew.

Tutulungan ka na namin. Sabi ni Andrew at nag labas ng gloves.

Nag simula kaming mag hanap dito sa katawan ng mga bangkay dahil wala pa naman ang adviser namin.

Ang babaeng ito ay ginilitan sa leeg at ito ang naging sanhi ng pagkamatay nya. Tsaka na lang sya binalatan.

Ilang saglit pa ay may nakapa ako sa buhok nya, at ng kunin ko iyon ay isa itong bracelet na nakadikit sa buhok nya.

May nakita ako! Anunsyo ko sa kanila at lumapit sila sa akin.

Bracelet? Kanino naman yan? Tanong ni Nathan at nag kibit balikat ako.

Kay Clara iyan! Kinakabahang sagot ni Andrew, at napatingin kami sa kanya.

Paano mo naman nalaman? Hmmp! Tanong ni Eli at kita ko ang paglunok ni Andrew.

Dahil ayan ang lagi nyang sinusuot, at bagay iyan sa kanya ni Kevin. Sagot nya, at napatingin naman ako sa isang bangkay.

Kasing katawan nya si Kevin... Hindi kaya ay si Kevin ito?

Kung si Clara ito... Si Kevin naman iyon? Tanong ko sa kanila, at mag sasalita na sana ako ng biglang kumilos si Nathan, at lumapit sa bangkay nung lalaki.

Teka! Tingnan nyo to! Sabi ni Nathan, at may kinuha sa hita ng bangkay.

Hindi namin ito nakita agad! Ang akala ko kanina ay buto lang iyon, pero singsing pala iyon?

Singsing! Kay Kevin nga iyan! Sigaw ni David at napatingin sa amin ang iba naming classmate..

Kinuha naman ni Andrew ang bracelet, at singsing sa amin at itinago ito.

Ako muna ang magtatago nito, maaaring magamit natin ito. Sabi ni Andrew at inilagay sa bulsa nya.

Kung ganun sa kanila nga ang bangkay na ito. Sabi ni Kristine at napatango tango kami.

Si Cole at Banavie ay kaibigan nila Clara. Sabi ni Nathan, at tumayo naman kami at hinubad ang mga gloves na suot at lumapit kila Cole.

Umiiyak si Banavie habang si Cole naman ay pinapatahan si Banavie.

Sa tingin ko ay narinig na nila ang sinabi namin dahil malapit lang sila sa bangkay.

Tama nga kayo... Si Cla...Clara iyan at si Cole. Umiiyak na sabi ni Banavie.

May kilala ba kayo na pwedeng gumawa ng ganyan sa kanila? Tanong ni Andrew sa kanila at umiling silang parehas.

Pe....pe...pe..pero ma...may narinig ako na kausap ni Clara. Umiiyak na sabi ni Banavie.

The Cadaver UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon