<Dummy Account>

36 0 0
                                    


[Second chapter]

...

Ako yung nalulungkot para sa babae..  Nalulungkot ako na ang minahal niya ay isang gagong lalaki!

"Bibitawan mo ako o tatadyakan kita?!"mariing tanong ng lalaki.Umiling lang ang babae at mas lalo pang hinigpitan ang kapit niya sa paa nito.Habang patuloy parin na umiiyak.. "So? Gusto mo talagang tadyakan kita, ha? Mas gusto mo pa talagang masaktan.. Megz bumitaw ka na lang please."mahinahong sabi nang lalaki.

Bumitaw ka na. Gusto ko yan iutos sa kanya at alam ko rin na yan ang gusto din sabihin ng lahat ng tao na pinapanood sila.Inilibot ko ang tingin sa paligid ko. Kita ko ang awa sa kanilang mata yung iba napapakapit sa katabi nila.. Tapos yung iba napahawak na lang sa bibig nila. At napapailing. Nakatuon sa kanila ang atensyon ng marami.. tahimik.Sila lang ang maririnig mo at pati ang hangin na sumisipol.

Nanatili na nakatayo ang lalaki at ang babae naman ay... Nagmatigas pa din! Nakakapit pa din siya at pinipigilan ang lalaki na iwan siya."I said HANDS OFF. BITAW! BITAWAN MO NA AKO!" malakas na sigaw nito. Napapapikit ang babae pero.. Mas hinigpitan niya ang hawak sa halip na bumitiw. At tinadyakan na nga siya ng lalaki umupo ito at pilit na tinatadyakan ang kamay ng babae.

Malakas na pwersa ang pagsipa na ginagawa ng lalaki,paulit-ulit napapikit ang babae.. halatang nasasaktan.. nanginginig na ang mga labi niya at ang luha niya di parin tumitigil sa pagpatak sa mata niya.Mas lalo siyang napapahagulgol pero ang di ko maintindihan bakit.. Bakit,Mas lalo niya pang hinihigpitan ang kapit niya? Ba-ba-bakit? Di ko na namalayan na lumuluha na pala ako..

Tama na! Napatayo ako at mas lumapit ako sa kanila.Para sana akmang pigilan sila pero... Nagsalita yung babae kahit nahihirapan siya.

"Ma-mas pipiliin ko na ma-matadyakan."sinipa ulit siya ng lalaki pero tumigil ito."Ka-kaysa bi-bitawan ka."

"Bakit?" mahinang tanong ng lalaki.Napatingin naman sa kanya ang babae at pinunasan ang sariling luha" "Kasi Ayokong pakawalan ka.. Di ko kayang mawala ka sa buhay ko."

Naalala ko si MAMA at PAPA sa kanila..

Flashback

Umuwi ako galing eskwelahan.
Masayang masaya ako na ibalita na top 1 ako. Baka kasi sakali kapag sinabi ko yun sa kanila matuwa sila at di na magaway pa. Pero..

Nakita kong nakaluhod si mama at nakakapit sa isang paa ni papa habang humahagulgol. May pasa sa mukha ni mama at marami akong nakitang basag na mga plato dito sa kusina. 'Ano nangyare?'gusto kong itanong pero wala akong lakas ng loob na magsalita.

Naestatwa ako at tahimik na lumuluha habang pinapanood sila.Hindi nila alam na nandito na ako...

"Bitawan mo na ako Jena... Ayoko na... Pagod na ako.."sabi ni papa kay mama.At naglakad pilit kahit pa pinipigilan siya ni mama."Hon,huwag mo kaming iwan.. Parang awa mo na."pagmamakaawa ni mama.Nasasaktan ako na makita si mama na nasasaktan.Wala akong ibang magawa kundi manood na lang palagi.

Pinilit tanggalin ni papa ang kamay ni mama pero pinipilit din ni mama na kumapit."Jena.. Ano ba?! Di na kita mahal! Hayaan mo na ako!"sigaw ni papa at nanghina si mama at tuluyan nang nakalakad si papa paalis. Tumakbo ako hinabol ko siya at niyakap patalikod."Papa! Huwag mo kaming iwan.. Please po papa.. Parang awa mo na."Napahagulgol na rin ako sa iyak. Tumigil saglit si papa pero.. Tinanggal niya rin ang kamay ko sa baywang niya.

Pinantayan niya ako umupo siya ng bahagya,hinawakan niya ang dalawa kong kamay at sinabing.."Patawadin mo si papa. Basta tandaan mo babalikan kita."

At tuluyan na siyang lumayo.. Nakita siya ni ate pero daredaretso lang ito at iniwan niya kaming lahat..

Bata pa ako nang huli ko siyang makita. Hindi na ako umasang babalik pa siya o kung bumalik man siya wala na siyang pamilyang babalikan pa.. Dahil noong pinili niyang sumama sa babae niya matagal na akong wala nang ama.

Dummy AccountTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon