MS-2

1.2K 35 5
                                    

YUMI CHUA

"Oh, Yumi, anong nangyari sayo? Daig mo pa ang pulubi sa itsura mo ngayon ah." Bati sa akin ni ate Tania, ang kakambal ko na mas matanda lang sa akin ng 30 minutes and 8 seconds, na kasalukuyang nakatapis lang ng tuwalya at pinapatuyo ang buhok niya.

Umirap muna ako sa itinabi ang walang kwentang payong na dala-dala ko kanina. Bwiset kasi na yon, hindi ko mabuksan buksan dahil sa hindi ko malamang kadahilanan. Nakakainis! Naulanan ako, naputikan, nadumihan! Naalala ko na naman yung lalaking yon! Ang kapal ng mukha niyang insultuhin ako porket superstar siya?! Hindi porket sikat, hot, gwapo at cute siya ay hindi ko na siya papatulan! Ang kapal ng mukha niyang ikumpara ako sa mga maid niya.

Umupo ako sa sofa namin pero malakas akong pinalo ni ate kaya napatayo ako.

"Aray! Ano ba?!" Inis kong sigaw sa kaniya habang hinihimas ang puwetan ko.

"Kita mong ang dumi-dumi mo, uupo ka pa talaga dito! Maligo ka nga doon!" Sigaw niya habang nakaturo sa banyo.

Hindi ko siya sinunod. Inis akong umupo sa sahig dahil masakit talaga ang katawan ko ngayon, isa pa, tinatamad akong maligo. Ilang oras kasi akong naglakad kanina para makahanap ng trabaho pero wala akong mahanap, at nang may makita naman akong naghahanap ng trabaho, doon pa ako nadumihan ng bwiset na artista na yon.

Sabihin niyo nga? Makakapasok pa ba ako sa trabaho kung mas malala pa ang itsura ko sa isang pulubi?

Bigla ko tuloy naalala yung matandang nagbigay sa akin ng bente pesos dahil napagkamalan niya akong pulubi. Kinuha ko yung pera ko sa bulsa, napaiyak nalang ako ng makita yon.

"Waaaah! Ateee!" Sigaw ko na patang batang nagsusumbong sa kaniyang magulang.

"Oh, anong nginangawa-ngawa mo diyan?" Tanong niya sa akin habang nakataas ang isang kilay.

"*sniff *sniff* Wala pa din akong trabaho! Nakakainis naman kasi yung lalaking yon e! Kung hindi niya pinutikan itong damit ko edi sana nagtatrabaho na ako ngayon! Bwiset siya! Sana malason siya o kaya makakain ng ipis! Tapos ininsulto niya pa ako, kainis!" Singhal ko habang sumisinghot-singhot.

"Oh tapos?" Balewalang sabi niya sa akin.

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Kapatid ba kita?! Dapat ang sinasabi mo “Sino ba yang lalaking yan at maipakulong natin? Susugurin natin!” Dapat ganon! Kung makapagsalita ka parang wala kang pakialam sa akin ah. Wala kang kwentang kakambal!"

"Aba, at bakit parang ako pa ang sinisisi mo? E kasi naman, Yumi, noong pinagtatrabaho kita, inuuna mo yung hayop mong boyfriend na niloko ka lang naman. Tapos ngayon, ngayong wala kang mahanap na trabaho at nang may namaltrato sayo, ako ang sinisisi mo." Aniya habang sinusuklay ang buhok niyang blonde.

"Huwag mo na ngang ipaalala sa akin si Patrick! Nagmu-move on na nga ako sa kaniya e." Ika ko saka inirapan siya.

"Move on daw... edi wow! May nagmu-move on bang wino-wallpaper ang mukha ng ex? Na ang kwarto ay punong-puno ng mukha niya ha?! Yun ba ang move on para sayo?" Singhal niya sa akin.

"Akala mo ba madaling mag-move on? Ang hirap hirap hirap hirap kaya! Ikaw kasi, palibhasa, masaya ang buhay mo bilang isang asawa at isang ina, kaya hindi mo alam ang nararamdaman ko."

"Anong hindi alam? Akala mo ba si Terrol ang first love ko? Hindi no! Naranasan ko na ding magmove-on sa mga unang boyfriends ko. Alam kong mahirap pero kakayanin mo at magagawa mo din naman yun kung gugustuhin mo." Aniya na ikinatahimik ko naman.

Alam ko, tungkol lang sa trabaho ang usapan namin kanina ah. Paano naman kami napunta sa usapang move-on at ex?

Haays!

Mister Superstar ll Choi Yeonjun ✔️Where stories live. Discover now