Last Chapter

158 8 8
                                    

Naalimpungatan ako nang maramdaman ang pagtama ng sikat ng araw sa mukha ko. Unti-unti akong nagmulat ng mga mata at puting kurtina ang hinahangin agad ang sumalubong sa tingin ko. Akmang pipikit na sana ulit ako para bumalik sa napakahimbing kong pagkakatulog nang mapansin kong wala akong katabi.

Bumangon agad ako para hanapin ng tingin si Augustine pero wala siya sa kahit saang sulok ng kwarto. Nasaan naman kaya ang lalaking 'yon? Nag-unat-unat muna ako at naghilamos bago dumiretso sa veranda para tanawin ang karagatan. Nalanghap ko agad ang preskong simoy ng hangin. Payapa ang alon at 'di gaanong mataas ang sikat ng araw, saktong-sakto lang.

Pangalawang araw na namin dito sa private property nila na parte ng Siargao. No'ng sinabi ni Augustine na umalis kaming dalawa ay hindi na ako nagdalawang isip pa at agad na pumayag sa gusto niya. Sigurado akong pinaghahanap na kaming dalawa, para kaming tumakas sa mga problema namin pero wala akong maramdamang kahit anong pagsisi.

Buong araw kahapon ay wala kaming ginawang dalawa kung 'di ang magpanggap na parang walang problema, we talk and act so casually. Hindi ko alam kung tama pa ba 'tong ginagawa namin, basta ang alam ko, masaya ako dahil kasama ko siya ngayon.

Inayos ko ang mahaba kong buhok na nagugulo dahil hinahangin 'tsaka humawak sa railings at hinanap ng tanaw si Augustine, baka nag-s-surf na naman ang lalaking 'yon, ang aga-aga eh. Natigilan ako sa pahahanap nang maramdamang may yumakap sa bewang ko mula sa likod. Napangiti agad ako nang makilala kung sino 'yon.

"Pinagluto kita ng breakfast." He said. Humarap ako sa kan'ya, his blonde hair is in a messy style like the usual, nakasuot siya ng loose white shirt at sobrang aliwalas ng mukha niya, tila kumikinang pa ang mga mata niya habang nakatitig sa akin.

"Why are you looking at me like that?" Takhang tanong niya nang mapatagal yata ang pagkakatitig ko. Umiling lang ako ng nakangiti at yumakap sa malapad niyang dibdib. Sininghot ko pa ang bango niya. Naramdaman ko namang hinaplos niya nang marahan ang buhok ko.

I sighed contentedly, kung pwede na lagi na lang kaming ganito.

Nang makuntento ako ay humiwalay din ako sa kan'ya at inaya na siyang bumaba para makakain na kami. Nang makarating kami sa dining room ay muntik pa akong matawa nang makitang ang dami niya palang niluto.

"Bakit naman ang dami? Gusto mo bang tumaba ako?" Biro ko nang ipaghila niya pa ako ng upuan at nagsimulang hainan ako ng pagkain.

"Oo, para wala nang magkakagusto sa'yong iba bukod sa akin." Sagot niya, natatawang inikutan ko lang siya nang mata bago magsimulang kumain. He's just watching me intently while I'm eating, probably waiting for any reaction. He's a good cook, no doubt.

"Pwede na." Komento ko sabay thumbs up pa, para namang nakahinga siya nang maluwag dahil sa sinabi ko. Ang OA ha!

"How are you feeling?" Maya-maya'y tanong niya. Marahan pa ang pagkakasabi niya n'on na parang ingat na ingat sa mga binibitawan niyang salita.

Feeling ko ay namula ang buong pisngi ko sa tanong niya at muling bumalik sa alala ko ang nangyari sa aming dalawa kagabi lang. Damn it Augustine!

"A-ayos lang." Napainom ako ng tubig sa sobrang pagkailang. Why would he even ask that?!

"You sure?" Napanguso ako at pasimpleng pinag-cross ang binti ko dahilan para maramdaman ko ulit ang hapdi. Actually no, masakit pa rin talaga but there's no way I'll let him know.

Tumango na lang ako at muling pinagpatuloy ang pagkain. Pero bakas pa rin sa mukha niya ang pag-aalala.

"I'm fine. There's nothing to worry about. I'm still sore down there but I think I can manage if we w-will do it again—"

The Siren's CallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon