Chapter 1

4 0 0
                                    

Masayang kumakain ang pamilyang Horton sa hapag kainan. Napangiti si Seraphina sa kambal nyang mga anak. Araw ng linggo ngayon, bukas ay first day of school ng mga bata sa Horton University, sa pamamay-ari nilang skwelahan.

Madami silang business mag asawa, ang asawa nyang si Valter Caiden Horton ay isang leader ng gang, ito'y nangangalang Horton Gang.

Hindi na nagparamdam si Seraphina sa kanyang ama na si Serrio Martinez, umalis sya sa Espanya pagkatapos ilibing ang kanyang ina. Nang pumunta sya sa pilipinas nakilala nya si Valter. Sila ay nahulog sa isa't isa.

Hindi nya maiwasan ngumiti dahil naalala nya nanaman kung paano sila nagkakilala. Noong una ay sobrang sungit ng kanyang asawa, palagi silang nag-aaway. Humingi non ng pabor si Seraphina kay Valter na patirahin sya sa kanyang bahay, dahil ayaw nyang tumira sa kanilang mansion, ayaw nyang malaman ng kanyang ama na nasa pilipinas sya.

Nung nakaburol kasi ang kanyang ina sinasaktan sya ni Serrio Martinez. Mahal nito ang ama ngunit hindi nya na kayang tumira pa ito kasama sya! Sobrang sakit na ng ginagawa nya sakanya..

"Are you excited for tomorrow, my kambal?"

Inalis na nito ang iniisip, dahil namimiss lang nya ang kanyang ama. Kaya naman ngumiti ito at kinausap ang mga anak.

"Of course mom," Yon lang ang sagot ng kanyang panganay na anak na si Damien Van Horton, mana ito sakanyang ama na hindi masyadong nagsasalita.

"Yes naman mommy! I am so so so excited!" Sagot naman ni Stella Von Horton.

5 years old palang sila pero si Damien ay parang matanda na kung magsalita. Ngumiti naman ang ina at tinignan ang asawang seryosong kumakain.

"Hon, you're so quite. What is your problem?" Nag alalang tanong nya dito.

"Nevermind, I'm just stress. May malaking problema sa kumpanya, pero kaya kong solusyunan iyon."

Sakanya lang madaming sinasabi ang asawa, pero sa iba napa ikli lang nitong sumagot.

"By the way, I forgot! Bibili tayo ngayon ng mga gamit nyo for tomorrow, we need to go now."

Napakunot ng noo ang kanyang asawa, humarap sya dito sabay ngiti.

"Hon, I'm sorry. Kung ayaw mong sumama, pwede naman."

Hingi nitong tawad kay Valter, ngumisi lang ito sakanya. Sinong ayaw sumama? Bonding din nila yon, buo sila ngayong araw na ito!

"Sasama ako," Sagot ni Valter sakanya

Ngumiti sya dito, kumpleto silang pupunta sa mall! She's happy right now!

Nagsipunta na sila sa kanilang kwarto at magbihis. Pagkatapos nilang mag ayos masaya silang naglakad papunta sa kanilang kotse.

Family day!

Naglakad sila papasok sa mall, nakahawak kamay silang apat.

Ang gandang lahi naman!

Sana ganyan din ang magiging pamilya ko hihi!

Hanap ka ng foreigner ugok!

Napatawa si Seraphina sa mga taong iyon, maganda talaga ang lahi nila! Paano ba naman, half half silang magkakapamilya!

"Hon, sa National bookstore nalang tayo bumili."

"Okay, if that's what you want.."

Ngumuso sya sa sagot ng asawa para pigilan ang pag ngiti nya, mahal na mahal talaga sya nito!

Pagkatapos nilang bumili ng mga kailangan sa school, pinag shopping narin nila ang mga bata ng mga damit at sapatos. Hindi naman sa ini-ispoiled nila ang mga ito, pero parang ganun na nga ang ginagawa nilang mag asawa

Kumain sila sa Spanish Restaurant ng matapos ang kanilang dapat bilhin. kinagabihan, pagod na pagod ang mga bata. Kaya naman agad silang nakatulog sa kanilang kwarto.

Hindi ma-imagine ni Seraphina na mangyayari ulit ang masayang buhay na ito. Simula kasi nong mamatay ang ina nya, parang wala na rin syang ama. Dahil sa pananakit nito sakanya. Sa kabila ng kasamaan ng kanyang ama hindi nya ito kayang kamuhian. Dahil kahit papaano naramdaman ni Seraphina na mahal sya ni Don Serrio Martinez.

Si Seraphina Calista Martinez Horton ay isang purong kastila, pero mahasa sya sa Filipino Language dahil tumira sila sa pilipinas nong bata pa sya.

Nalungkot nanaman ito dahil naalala nya ang ina nya, masaya sila noon. Masaya kasama ang ama. Pero nagulat nalang sya, bigla nalang nagbago ang pakikitungo ni Don Serrio sakanya.

"Are you okay, hon?"

Napatingin sya sa kanyang asawa. Binigyan nya ito ng isang malungkot na ngiti. Nakaupo si Seraphina sakanilang kama. Habang si Valter ay kakalabas lang ng banyo, kakatapos lang nitong maligo.

"Extraño a mi madre," Nalulungkot nitong sagot sa asawa.

"She missed you too," Sagot sakanya ni Valter, alam nyang miss na rin sya ng kanyang ina!

Nakatulog si Seraphina na may lungkot sa mukha, sobrang miss na nya ang kanyang ina.

Kinaumagahan, ginising nya ang mga anak para makapag-ayos na dahil ngayon na ang kanilang pasok sa skwelahan. Habang naliligo ang mga bata, sya naman ay nagluto ng almusal. Bacon, itlog, ham at hotdog.

Narinig nya na may pababa sa hagdan, ang asawa nya. Maaga itong pumapasok sa opisina para makapagtrabaho.

Ngumiti ang asawa nya pagkapasok sa kusina, nakaligo na ito at nakadamit na pang trabaho. Napakagwapo ng asawa nya, ani ng kanyang isip.

"Goodmorning hon," bati ng asawa bago ito hinalikan.

Sakto namang napaupo si Valter, nagsidatingan ang kanilang mga anak kasama ang yaya nila. Napakabibo ng babae, ang lalake naman walang emosyon na naglalakad. Nakauniporme ang mga ito, napangiti si Seraphina at Valter. Dahil napaka ganda nilang tignan sa kanilang damit.

"Goodmorning mom, dad." Nakangiting bati ni Damien sa magulang, sa mga ka close lang ito ngumingiti.

"Goodmorning mommy! Goodmorning daddy!" Halos matawa sila sa bibo nilang anak.

"Goodmorning kids," bati naman ni Valter sa mga anak.

Ngumiti lang si Seraphina sakanila, sobrang saya nya dahil sa pamilya. Kahit kagabi ay malungkot ito dahil sa pag-iisip sa kanyang ina.

Nang matapos silang kumain, ang mga bata ay hinatid na ng driver sa HU. Si Valter naman ay paalis pa lamang.

"Takecare hon," Hinalikan nya ang asawa.

"I love you," Hinalikan sya ni Valter sa labi bago pumasok sa kotse.

Kill meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon