Chapter 2

3 0 0
                                    

Nag aayos ng kwarto si Seraphina nang marinig nyang tumutunog ang kanyang telepono, nasa tabi ito ng malaki nilang flatscreen na tv. Pagkatapos nyang nailagay ang vase na hinahawakan nya kanina, kinuha nya ang kanyang telepono.

Kumunot ang kanyang noo dahil unknown number ang tumatawag sakanya, sinagot nya ito. Baka mga kaibigan lang at nagpalit ng numero.

"Hello, goodmorning. Is this Ms, Seraphina Martinez?"

Kinalibutan sya sa narinig. Ang boses na iyon ay kilalang kilala nya.

"H-ello, yes. I'm Seraphina,"

"Señorita! Hinahanap po kayo ng inyong ama, nasa pilipinas po sya ngayon!"

Mas lalo syang kinabahan sa narinig, shit! Ang butler nila ang tumawag! Pilipino ito kaya nagtatagalog!

"B-utler... Don't tell him na nakausap mo ako, please." Gusto man nyang makita ang ama kaso natatakot ito, natatakot itong malaman ng ama na ikinasal na ang kanyang Unica hija na hindi man lang sya imbitado!

"P-ero señorita, alam na nya kung nasaan ka ngayon. Alam mo naman ang iyong ama, maraming connection."

Iyon ang huling narinig nya sakanilang butler! Kung alam na ng ama nya kung nasaan sya ngayon, edi alam na nito na kasal sya!

Napaupo si Seraphina, napaluha sya sa nalaman. Sigurado itong galit na galit ang ama sa kanyang nalaman.

Tumunog nanaman ang Cellphone nya. Nanginginig man ang buong katawan, kinuha nya ito. Unknown number nanaman. Sapagkat iba ang numero nito sa kanina.

"H-ello,"

"Hija, miss me?"

Mas lalo syang nanginig, that's her father's voice! Alam nyang nakangisi ngayon ang kanyang ama!

"Mi papá,"

Halos bulong na ang kanyang boses! No! She should be strong! Sinasaktan sya ng kayang ama noon, kaya pwede nya paring gawin iyon ngayon! Sobrang pasakit ang pinaranas sakanya ng kaniyang ama!

"Oh, ako nga! Kamusta ang pagtatago ha?" Humahalakhak ito habang nagsasalita.

"Papà, I'm sorry."

Walang masabi si Seraphina, pero hindi dapat sya humingi ng tawad! Dahil kasalanan naman ng kanyang ama ang pagtago nya!

"Go to my office, Martinez Company now!"

Nagmadaling naligo si Seraphina, dahil napakatakot ng sigaw ng kanyang ama. Pagkatapos nitong mag-ayos, kinuha nya ang susi, gagamitin nya ang kotseng regalo ng kanyang asawa. Ayaw nyang magpahatid, dahil baka ireport nila kay Valter na pumunta sya sa kumpanya ng kanyang ama. Baka mag alala ang asawa.

Ilang minuto din ay nakarating sya sa kumpanya. Nakapunta na sya dito noong bata pa sya, noong buhay pa ang kanyang mamà.

Nang makarating sya sa floor kung saan ang office ng kanyang ama, hindi na sya itinanong ng sekretarya. Dahil parang alam na nito ang sadya nya.

"Seraphina, did you miss me?"

Nakangisi ito sakanya. Nakakatakot ang ngisi nito! Parang nangangain ng tao, pero syempre biro lang!

"Papà, how are you?"

Sobrang kinakabahan sya ngayon dahil nawala ng parang bula ang ngisi ng kanyang ama! Nanginig ang buong katawan nya.

"I'm not okay, because I'm not invited on your wedding."

Nangilabot ang buong katawan nya, tumakas lang naman sya kaya hindi imbitado ang ama!

"I am really sorry."

Puro patawad ang lumalabas sa kanyang labi. Aminin nya man o hindi may kasalanan din naman syang nagawa. Umalis sya ng walang paalam sa ama.

"Valter Horton? Your husband killed my wife, your husband killed your mother!"

Yung mga luhang kanina pa gustong tumulo, nagsibagsakan na dahil sa narinig. No! Hindi iyon totoo!

"I know you're not believing me, but." Hindi na itinuloy ng ama ang sinasabi kaya naman iniba nalang nito ang usapan,"Your husband is my enemy! He's a gangster right? You know hija, I am a gangster too! Ang horton gang ang kaaway namin!"

Dapat nya munang itanong kay Valter! Baka sinisiraan lang ng ama nya ang kanyang asawa. Wag muna syang mag padalos-dalos! 

Ayaw nya mang paniwalaan ang ama! Pero bakit nya ito sinasabi? Totoo ba lahat ng ito? O sinisiraan lang nito si Valter?

"May gusto akong i-utos sa iyo."

Napatingin si Seraphina kay Don Serrio sa pag basag nito sa katahimikan kanina.

"What is it?" Tanong nya sa ama.

"Kill your husband!"

Napahinga sya ng malalim ng makapasok sya sa kanilang mansion, kahit nanghihina sya buti nalang ay nakauwi sya ng ligtas.

Hindi na nya alam kung ano ang kanyang gagawin, gusto nyang maniwala sa kanyang papá ngunit sa kabila naman ayaw nyang maniwala. Dahil kilala nya ang kanyang asawa.

No, kailangan nya munang magtanong sa asawa. Ayaw nyang masira ang kanilang pamilya, ngunit dahil sa nalaman, nanghihina sya.

"I don't know what to do," bulong nito sa kanyang sarili.

Wala ang pamilya nya sa bahay, sya lang mag isa at ang mga katulong nila.

At dahil hindi na nya alam kung ano ang gagawin nya. Kinuha nya ang cellphone nya sa bag kahit nanginginig nakuha nyang tawagan ang asawa.

"Yes hon?" Ng marinig nya  ang boses ng asawa, sabay-sabay nagsibagsakan ang mga luha nito, gusto nyang hunagulgol ngunit pinigilan nya ito.

"Go home, please..." Pinigilan nyang mapahikbi hindi na nya kaya, kaya naman humikbi sya ng mahina, alam nitong narinig iyon ng kanyang asawa.

"Hey, why are you crying? What happened? Wait for me hon!" 

Natataranta ang boses ng kanyang asawa. Pagkapatay sa tawag doon na humagulgol ng iyak si Seraphina. No, hindi iyon magagawa ni Valter. Ani ng isip nya.

Umupo sya sa kanilang kama, pagkaupo nya narinig nyang bumukas ang pinto. Linuha doon si Valter na natataranta.

"Hon... Tell me, what happened to you?"

"Ikaw ba ang pumatay kay mama?"

Lakas loob nitong tanong sa asawa, tinignan nya ito ng diretcho sa mata. Hindi makapagsalita si Valter, umiwas ito ng tingin.

Paklang napatawa si Seraphina, nasasaktan sya dahil si Valter nga ang pumatay sa kanyang ina.

"So ikaw nga," Pinunasan nito ang bumagsak na luha.

Kill meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon