A Father's Love

14 1 0
                                    

-A Father’s love

“Pakiusap… huwag muna…” Naisubsob ko na lang ang mukha ko sa mga palad ko habang patuloy sa pag-iyak. “Ko-Konting oras pa, pakiusap… Konting oras pa…”

Hindi ko na alam gagawin ko, nawawalan na ako ng pag-asa. Bawat oras, bawat minuto, bawat segundo, unti-unting dinudurog ang puso ko. Unti-unting dinudurog ang pag-asa ko na makakasama ko pa siya ng matagal.

Kada makikita ko siyang nakahiga sa kama ng hospital, hindi ko kinakaya. Kada makikita ko ang mga ngiti niya, hindi ko maiwasang masaktan. Sa bawat tawa niya, parang pinipiga ang dibdib ko dahil sa sobrang sakit.

Sa likod ng mga ipinapakita ko sa kaniyang ngiti, tawa pati masasayang kwento, nasasaktan ako. Umiiyak ako.

“Huwag muna...” Pinunasan ko ang magkabilang pisngi ko gamit ang likod ng mga palad ko.

Sa pagbabasakaling mapigilan ang mga luha ko sa pagtulo, tumingla ako. Napabuntong hininga na lang ako dahil wala pa rin, tumutulo pa rin sila.

Nagtagal pa ako nang ilang minuto sa loob ng kapilya habang nagdarasal. Hindi ko rin maiwasan ang pag-iisip na nanduon siya, sa harap, nakahiga sa puting kabao, mapayapang namamahinga.

Nahihirapan na ako. Ayoko nang mawalan ulit ng mahal sa buhay.

Kinuha na ng Diyos ang isang anak ko, ang asawa ko, ang mga magulang ko, kapatid ko, pati ba naman ang isa ko pang anak, kukuhanin niya?

Ayokong magalit sa kaniya. Ayoko. Sino ba ako? Isa lang ako sa nilikha niya. Wala akong karapatan magalit. Pero sa ginagawa niyang pagbawi sa buhay ng mga mahal ko, hindi ko na alam kung kakayanin ko pa ang hindi magalit.

Binibigyan niya ako ng rason para magalit sa kaniya. Pero… hindi. Hindi ko kayang magalit sa kaniya. Binigyan niya ako ng masayang pamilya, ng mga taong mamahalin, binawi niya lang kung ano ang sa kaniya kaya hindi ko kayang magalit sa kaniya.

Tumayo na lang ako saka pumunta sa gitna ng kapilya. “Bigyan niyo pa siya ng oras. Bigyan niyo pa kami ng oras. Pakiusap…” Sabi ko habang nakatingin sa Krus na nasa harap.

Lumabas na ako ng kapilya saka dumiretso sa grocery store para bumili ng Mogu-Mogu pati na mga prutas. Mahilig kasi siya sa mga prutas, lalo na sa Mogu-Mogu. Matapos kong bayaran ang mga iyon, pumunta naman ako sa National Bookstore para bumili ng Colouring book. Hindi na ako nag-abala pang bumili ng krayola dahil kabibili ko lang nuong isang araw.

“Paano na ito?” Napailing na lang ako habang nakatingin sa laman ng wallet ko. Dalawang daan na lang ang natira sa pera ko. Paano na ito? Kailangan ko pang bumili ng gamot ni Angela. “Bahala na.”

Nang makarating sa hospital, dumiretso kaagad ako sa floor ng kwarto ni Angela. Huminga ako ng malalim saka pinihit ang doorknob ng pintuan saka pumasok nang mabuksan ko iyon.

“Papa,” Nakangiting bungad sa akin ni Angela pagkapasok ko ng kwarto.

Napakagat ako sa ibabang labi ko para pigilan iyong sarili ko na umiyak. Hindi ko hahayaang makikita niya akong umiiyak dahil sa kaniya dahil kung mangyari man iyon, para ko na ring sinabi na wala na siyang pag-asang gumaling, na mamamatay na siya.

Katulad nga ng parati kong ginagawa, nginitian ko siya saka nilapitan. Palagi namang ganito, e. Ipapakita ko na matapang ako pero sa loob-loob ko, nasasaktan ako, nanghihina ako kapag nakikita ko siya sa kalagayan niya..

Ayokong mabasa niya sa mukha ko na: Angela, mawawala ka na. Katulad ng Mama pati kapatid mo, iiwan mo na rin ako, iiwan mo na rin si Papa.

“May binili ako para sa iyo,” Nilapitan ko siya saka inilabas iyong mga coloring book pati mga prutas at Mogu-Mogu.

Compilation of Oneshots (KuyaTats)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon