Ngiti (KuyaTats)

10 2 0
                                    

Remember when we first met? Duon sa isang restaurant?

"Sorry, sorry talaga!" Ipinagdaop ko iyong dalawang palad ko habang nakatungo. "Hindi ko sinasadya."

Hinintay kitang magsalita habang nakatungo ako sa nakaharap mo. Ilang segundo pa ang lumipas pero hindi ka pa rin nagsalita kaya iniangat ko na lang iyong ulo ko para tingnan ka.

I was really expecting na magagalit ka, na sisigawan ako, na aawayin ako dahil natapunan kita ng juice sa puting polo mo nang mabangga ko iyong table mo pero nang makita ko iyong ekspresyon ng mukha mo, nakahinga ako nang maluwag dahil mukhang hindi ka naman galit... nakangiti ka pa.

Buong akala ko talaga pagagalitan mo ako pero hindi mo ginawa.

Remember out first lunch together? Duon sa school?

"Are you gay?" Naitanong ko sa iyo dahil ang gloomy ng aura mo kanina pero nang nilapitan at inakbayan ka ng ka-block nating varsity player, bigla kang ngumiti. Akala mo siguro, hindi ko nahalata pero nahalata ko. Napansin ko naman na kumunot iyon noo mo kaya natakot ako dahil baka awayin mo ko. Bali-balita ka kasi na may sinampal ka na na babae kaya natakot talaga ako sa iyo nang kumunot iyong noo mo.

Akala ko sasampalim ko dahil sa tanong ko pero magsasalita pa lang sana ako nang natigilan ako dahil nakita ko na nakangiti ka habang nailing.

Buong akala ko talaga ay tatapusin mo na ang pagkakaibigan natin dahil sa itinanong ko sa iyo pero hindi mo ginawa.

Remember the day when I said 'Yes'?

"Kinakabahan ako." Hindi mo ako pinansin at nagtuloy tuloy lang sa paglalakad. Hinila ko naman iyong kamay ko mula sa pagkakahawak mo saka ako tumigil sa paglalakad kaya napatigil ka rin. "Hindi pa nga ako handa, e. Kinakabahan ako. Paano kung hindi ako magustuhan ng parents mo para sa iyo-"

Hindi mo ako pinatapos sa sasabihin ko dahil bigla mong hinawakan ang magkabilang pisngi ko sabay halik mo sa noo ko. Tinitigan mo ako sa mata saka ka unti unting ngumiti.

Buong akala ko talaga ay magtatampo ka sa akin dahil wala akong lakas ng loob para humarap sa magulang mo pero hindi mo ginawa.

Remember the day that I forced you to eat nuts?

"Ano ka ba? Bakit ayaw mo nito?" Gaya kanina, umiling ka lang ulit pagkaabot mo ng bayad sa vendor ng mani na pinagbilihan natin. Hinawakan mo ulit iyong kamay ko saka mo ako hinila paalis duon sa tapat ng stand. Huminto ako sa paglalakad kaya napatigil ka rin. Nang tumingin ka sa akin, sinamaan kita ng tingin. "Tumikim ka kahit papaano." Gaya ulit ng kanina, umiling ka na naman. "Hindi ako papayag na hindi ka pa nakakatikim nito kaya magagalit talaga ako kapag hindi ka tumikim!" Napakagat ka sa ibabang labi mo habang hakatingin sa akin. "Tikim na!" Napabuntong hininga ka saka ka kumuha ng tatlong pirasong mani sa hawak kong lalagyan. Kinain mo naman iyon habang nakapikit kaya napangiti ako dahil sa itsura mo. Para ka kasing diring diri sa kinakain mo. Hinawakan mo na ulit iyong kamay ko pero hindi pa man tayo nakakalayo sa paglalakad nang mapansin ko na panay ang kamot mo. Nagtaka naman ako kaya tinanong kita. "Ano nangyari sa iyo?" Umiling ka lang saka umupo sa upuan sa harap ng tindahan na nadaanan natin. Panay rin ang kamot mo kaya nataranta ako. Tinanong kita nang tinanong kung bakit ka kamot nang kamot hanggang sa sinabi mo na iyong rason. "Bakit hindi mo sinabi?"

Kinabahan ako dahil sa pinilit kitang kumain ng pangkaing bawal sa iyo.

Bigla mo naman akong hinawakan sa kamay saka pinaupo sa tabi mo. Nang tignan kita, nakangiti ka lang tapos unti-unti mong inilapit iyong mukha mo sa mukha ko habang patuloy ka pa rin sa pagkamot. Hinalikan mo iyong tungki ng ilong ko saka mo ako nginitian kahit na halatang hirap na hirap ka na dahil sa allergy mo.

Buong akala ko talaga ay aayawan mo na ako dahil napakatigas ng ulo ko at sobrang under ka na kahit hindi pa tayo mag-asawa pero hindi mo ginawa.

Remember the day that I'm pregnant with our first baby?

"Gusto ko ng chicken." Humarap ako sa iyo saka ka niyugyog para makuha ang atensyon mo. "Sabi ko gusto ko ng chicken." Pagmamaktol ko para bumili ka.

Bumangon ka naman sa kama saka ka lumabas ng kwarto pagkahablot mo ng cell phone at wallet mo sa ibabaw ng bedside table.

Natakot ako na baka mag-away tayo kasi ginising kita para lang magpabili dahil sa naglilihi ako. Kaya ang ginawa ko, umupo ako sa kama natin saka ko niyakap iyong unan mo. Naisip ko na baka nahihirapan ka na sa akin dahil lagi na lang akong umuungot ng kung ano-ano sa iyo.

Hinintay kitang bumalik sa kwarto nuon. Dumaan na ang ilang minuto pero wala ka pa rin. Natakot ako kaya lumabas na ako ng kwarto para hanapin ka kahit pa alas tres na ng madaling araw.

Saktong pagtapak ko naman sa unang baitang ng hagdan para bumaba, napatigil ako dahil nakita ko na binuksan mo iyong pinto. Tatawagin na sana kita kaya lang nakakita ako ng tao sa harap mo kaya itinikom ko na lang iyong bibig ko. Kinuha mo iyong supot na dala nuong tao sa harap mo saka mo siya binayaran. Isinara mo na iyong pinto matapos iyon. At saktong pagtingin mo sa itaas ng hagdan, nakita mo ako. Humikab ka pa habang papaakyat sa hagdan hanggang sa makatapat mo na ako.

Itinaas mo iyong plastic kaya nakita ko iyong tatak ng 'Jollibee' sa plastic. Napakagat ako sa ibabang labi ko kasi pakiramdam ko talaga nahihirapan ka na sa akin. Ibinaba mo lang iyong plastic saka mo ako hinalikan sa noo tapos inalalayan mo na ako hanggang sa makapunta sa kusina. Ikaw iyong nagpupunas ng smudge sa labi ko habang nakangiti hanggang sa matapos ako kumain. Kahit na alam kong antok na antok ka na, sinamahan mo pa rin ako habang nakangiti.

Akala ko talaga ay bibitawan mo na ako dahil napakalaking pabigat ko na pero hindi mo ginawa.

Ilang taon na ang lumipas, ilang bagyo na ang dumaan, umaraw o man umulan, nagkasakit na ako't lahat pero hindi mo pa rin ako iniiwan.

Gusto kong bumawi sa lahat ng ginawa mo para sa akin, para sa mga anak natin. Gusto ko na ako ang mag-aalaga sa iniyo, gusto ko na ako na lang pahirapan, huwag lang kayo. Gusto ko nang tapusin ang paghihirap mo sa para lang maalagaan ako pero hindi ko magawa dahil wala na akong silbi dahil sa sakit ko.

Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, sa bawat araw na gumigising ka para lang alagaan ako at ang mga anak natin, sa bawat araw na iyon, hindi ko narinig mula sa iyo na nahihirapan ka, na gusto mo nang sumuko, na napapagod ka na, na nasasaktan ka na. At sa bawat araw na iyon, imbis na reklamo ang lumabas sa bibig mo, ang paghuni mo lang ang narinig ko habang inaalagaan mo ako.

Hanggang sa hindi na kinaya ng katawan ko. Bumigay na ang sistema ko. Natalo na ako ng sakit, na sinamahan pa ng katandaan. Alam kong alam mo na oras ko na kaya hindi mo binitawan ang kamay ko. Hindi ka umalis sa tabi ko. Paulit ulit rin ang paghaplos mo sa ulo ko.

Bihira kitang makita na umiyak. Gustong gusto ko na mailabas mo lahat ng sakit at paghihirap mo sa pamamagitan ng pag-iyak. Hinihintay ko na umiyak ka pero hindi mo ginawa. Nakangiti ka lang habang nakatitig sa mga mata ko.

Unti-unti na akong nahihirapan sa paghinga. Bumabagsak na rin ang talukap ng mga mata ko.

Hanggang sa magdilim ang paningin ko, wala akong ibang nakita kung hindi ang isa sa mga bagay na minahal ko sa iyo: Ang ngiti mo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 03, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Compilation of Oneshots (KuyaTats)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon