PROLOGUE

23 2 0
                                    

"Nay, Itay bakit poba kailangan ko pang umalis dito saatin? Nay ayoko pong mawalay sa inyo. Paano nalang po kayo ni Itay. Wala mag aalaga sa inyo. Tay! Ipapamigay nyo ako sa taong hindi ko naman kilala at kahit kailan hindi kopa nakikita. Tay.. Ayoko po dito nalang ako saatin sainyo nalang po ako mas sisipagan kopa po ang pag-aaral ko, mas magiging mabuti po akong anak sa inyo."-Mahabang litanya  ng dalaga habang umiiyak.

" Pero anak hindi pwedeng umayaw kami sa usapan at kasunduan. Sinabi naman namin sayo to diba na pagkatungtong mo ng labingwalong taon sa kanya kana titira. Kahit ayaw namin na ibigay sa kanya hindi pwede mas mahihirap lang tayo. Kaya sumama kana anak para sayo ito, para sa kinabukasan mo. "-umiiyak na sabi ng kanyang ina.

" Alam naming hindi ka niya pababayaan. Ibibigay niya lahat ng pangangailangan mo mga bagay na hindi namin naibibigay sayo." - dugtong na sabi ng kanyang itay.

Pero Nay, Tay.. Hindi naman yun ang gusto ko eh! Kahit may magaganda akong gamit kung wala kayo, wala ding silbi lahat ng iyon. Kayo lang ang pamilya ko, kayo lang ang gusto kong makasama. Huwag nyo napo akong ibigay sa kanya parang awa nyo na nay, tay!!

"Hindi maari anak. Gawin mo ito para samin at para saiyo. Lahat ng ito maiintindihan modin. Huwag kang mag aalala nangako siya samin na hindi kaniya pababayaan. Kaya anak nagmamakaawa din ako sayo na sumama kana para hindi na tayo mahirapan pa ng ganito. "-nahihirapang sabi ng inay nito.

Una palang alam na ng dalaga ang mangyayari sa kanya. Dahil labing dalawang taon oalamang siya ay sinabi na sakanya ito ng kanyang mga magulang na kailangan niyang sumama sa taong hindi biya kilala at maging ang pangalan nito. Ngunit hindi niya inaakala na totoo ito at nangyayari na nga. Kahit masakit mahiwalay sa mga magulang ginawa niya nalang ito para sa kanyang inay at itay. Siguro kailangan kolang magpakabait don para hindi magalit ang taong makakasama ko na ngayon. Sabi nila inay magpakabait lang ako at sundin lahat ng gusto nito para walang maging problema at doon ko narin ipag papatuloy ang aking pag-aaral.

Miya-miya lang may dumating na mga naka itim na naka uniporme na akala mo'y mga guardiya. Alam kong ito na ang susundo saakin at dahil sinabi saakin ni inay na may darati na tao upang sunduin ako at ito na nga isinasakay na nila ang mga gamit ko sa sasakyan.

Kaarawan ko ngayon. Araw din kung kailan mawawalay na ako sa mga magulang ko.

"Nay, Itay.. Mamimiss kopo kayo hayaan nyo po magiging mabuti ako don at magiging mabait para di kayo mag aalala. Mag aaral din po akong mabuti para makapag tapos ako at gusto ko kayo ang magsabit ng mga medalya ko. Babalik po ako dito Nay, Tay magpapakabait lang po ako don. "- Paalam ko sa kanila habang pigil ang mga luhang bumagsak.

Agad akong tumalikod upang sumakay sa kotseng maghahatid sa panibago kong titirahan. Pagkasakay na pagkasay ko agad akong humagulgol hindi ko na alintana ang dalawang taong kasama ko iyak lang ako ng iyak dahil sa sakit na aking nararamdaman ngayon.

I Made for YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon