"Sir. Nakatulog po si ma'am, bubuhatin poba namin siya"?- Tanong nito sa kausap.

"Ako ng bahala, huwag na huwag nyo siyang hahawakan" - malamig na sabi nito.

Hindi namalayan ni Daniella na ang taong makakasama niya na ngayon ay ang taong nag buhat sa kanya upang dalhin sa silid niya simula ngayon.

"Napakaganda mo talaga kahit kailan at dalagang-dalaga kana" - nakangising sabi nito habang titig na titig sa dalaga.

Naalimpungatan ang dalaga kaya't agad-agad siyang napabangon sa mahimbing na pagkakatulog.
"Nasaan ako, kaninong kwarto ito" mahinang tanong niya sasarili.

Biglang sumagi sa isip niya ang nangyari kanina kung bakit nasa marangyang silid siya ngayon. Iniikot niya ang kanyang mata dahil sa ganda ng silid kung saan siya napaparoon.

"Kanino kayang silid ito"
"Bakit dito ako dinala"
"Sino kaya ang nagkupkop sakin ngayon"
"Bakit kailangan pang mangyari ito"

Ilan lamang sa mga katanungan na gusto niyang malaman ang sagot dahil hindi siya mapalagay. Na mimiss niya na agad ang kanyang mga magulang kung paano nalang kung wala siya, walang mag aalalay sa kanyang ina. Wala ng mag titimpla ng kape tuwing umaga at pag uwi ng kanyang Ita'y galing trabaho. Paano nalang si ina'y walang kasama pag aalis si Ita'y para magtrabaho paniguradong malulungkot sila.

Hindi napansin ng dalaga na umiiyak napala siya dahil sa mga naiisip niya at sa sobrang pagka ulila sa mga magulang na nagpalaki sa kanya. Napaiyak nalamang habang nakatungo ang dalaga at hindi alam nito na may nakatingin na pala sa kanya.

"Don't Cry, Ayoko sa lahat ang umiiyak"- napabalikwas ang dalaga dahil sa nagsalita na puno ng lamig. Hinanap ng mga mata niya kung sino ang nagsalita ngunit madilim ang silid kaya hindi niya agad nakita ito.

"Sino ka" - tanong niya habang natatakot dahil hindi niya alam ang gagawin pag may masamang ginawa ang taong ito sa kanya. Agad nag sumiksik ang dalaga sa dulo ng kama.

"Simula ngayon dito kana titira sa pamamahay ko at lahat ng gusto ko susundin mo ayoko sa lahat ang hindi sumusunod sa gusto ko, maliwanag ba?" - malamig at madiing sabi nito sa dalaga.

Nakita ng dalaga ang anino nito dahil sa liwanag ng buwan na tumatagos sa bintana. Biglang siyang nakaramdam ng takot dahil sa diin ng pagkakasabi nito na akala mo'y hawak nito ang lahat ng nakapaligid sa kanya.

"Pero po bakit kailangan pang tumira ako dito may bahay naman po ako at mga magulang" - Walang pag-aalinlangan niyang tanong dito kahit natatakot ay nilakasan niya ang loob niya dahil gustong gusto niya ng sagot.

Naghintay siya ng sagot ngunit namayani ang katahimik na animo'y hindi nito gustong sumagot sa kanyang tanong. Nakita niya itong lumakad papalapit sa pintuan ibig sabihin lamang ay wala siyang makukuhang sagot dito. Ngunit nagsalita ito bago paman isarado ang pinto.
"follow me and let's eat dinner" - yun lamang ang narinig niya bago sumarado ang pinto.

Napabuntong hininga nalamang siya dahil wala siyang nakuhang sagot. Maya maya lang biglang may kumatok akala niya'y bumalik ito nagkakamali pala siya isang babae na naka suot ng pang maid kitang-kita naman dahil sa suot nito.

"Ma'am pinapasabi po ni senyorito na sumunod napo kayo para kumain ayaw po ng senyorito na pinaghihintay"-kinakabahan na sabi nito. Bakit naman kinakabahan ito magsasalita lang naman siya. Ang weird lang. Di bale na baka naghihintay na yung senyorito hindi kopa naman alam pangalan niya. Base sa boses niya hindi matanda ang kausap ko kanina mukang nasa twenties hindi kolang nakita ang mukha dahil sa madilim ang silid.

"Susunod napo ako"-sagot ko dito at agad na umalis. Bumangon ako sa pagkakahiga at inayos ang sarili dahil nagusot ang damit kong hindi pa napapalitan simula kananing dumating ako naka bestida parin pala ako eto yung binili ni ina'y para sa kaarawan ko at hindi panaman tapos ang birthday ko dahil alas otso palamang ng gabi naalala niya nanaman ang kanyang mga magulang ngunit inisip niya lang na para sa mga magulang niya ang gagawin.

I Made for YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon