Nakalipas ang isang linggo. Ang bilis ng araw naka isang linggo na agad dito na wala ang magulang ko sa aking tabi.

Lunes na at ngayon ang unang araw ko sa pag pasok. Sobrang excited nakong pumasok kaya alas singko palang ng umaga gumising nako para makapag ready kahit na eight am panaman ang pasok ko. Ayoko lang malate kaya maaga akong nagising tsaka ganito naman talaga ako kahit nung nasa probinsiya pa ako.

Bago nga pala ako matulog kagabi nakiusap ako kay klein. Tama ang rinig nyo Klein na ang tawag ko sa kanya dahil ayaw niyang tinatawag ko siyang senyorito kaya wala nakong nagawa pa. Siya naman ang nasususunod palagi.

Nakiusap ako sa kanya na ayaw kong may naghahatid at sundo saakin.

"Pwede pobang huwag nyo na akong ipahatid at sundo dahil kaya ko namang pumasok at umuwi mag isa"-paalam ko dito. Gusto kong maranasan kung ano ako sa probinsiya dati na walang hatid o sundo. Mas okay saakin yon at sanay ako.

"Hindi pwede yang sinasabi mo, may maghahatid at sundo sayo" - madiin na sabi nito at masamang nakatingin saakin.

Sinalubong ko ang mga nagbabaga niyang mata kahit na nakakalunod. Ayokong lagi siya ang nasususnod kahit sa ganito lang payagan niya ako.

"Lagi nalang ikaw yung nasusunod simula ng tumuntong ako sa pamamahay na ito akala mo ikaw ang mga magulang ko--" Naputol ang sasabihin ko dahil sa pagkakasigaw niya.

"Dahil hawak kita at gust--" Hindi niya natapos ang sasabihin na na parang nagaalinlangan kung sasabihin ba o hindi.

"Oo nakatira ako dito pero hindi ibig sabihin non pwede konang sundin ang gusto mo, hindi ako puppet na isang galaw molang mapapasunod mona. Ito lang naman ang hinihinling ko hindi mopa maibigay"-naluluha kong sabi dahil hindi kona kinaya ang nararamdam ko.

Bakit kasi kinuha niya pa ako sa mga magulang ko. Hindi konaman siya kaano-ano at akala mo magulang kung makapag sabi ng bawal.

"Sige pumapayag ako" - mahinang sabi nito at unti-unting lumapit saakin at may binulong na nakapag patindig ng balahibo ko.

"Pumapayag ako pero ayoko lang na may gawin ka dahil hindi mo gusto ang maaaring gawin ko"- madiing sabi nito na nagpapaalala.

Kinalibutan ako sa mga sinabi niya. Pero wala naman akong gagawin at mag-aaral lang ako. Ito naman talaga ang dapat kong gawin ang mag-aral ng mabuti para masuklian lahat ng ginawa niya at para narin sa aking mga magulang.

Kung iniisip niyang may gagawin ako nagkakamali siya kaya ba ayaw niya akong mag isang pumasok. Daig pa siya ni Ita'y. Si Ita'y sinasabi na kailangan kong matutong mag isa dahil hindi palaging nandyan sila sa aking tabi. Tapos siya.

Nakita konalang na papalayo na ang bulto niya at pumasok sa kanyang kwarto. Pumasok nadin ako sa aking kwarto para makapag pahinga.

Pagkapasok ko ng kusina agad kong naamoy ang bango ng niluluto ni Nay Ofel dahil siya naman ang tagaluto dito katulungan niya si Ate Mei. Simula nung malaman niyang nagluto ako maaga nang magising si Nay Ofel sa hali na alas sais talaga ang gising nila. Kasalanan ko tuloy tsaka tumutulong naman ako kahit papaano yung hindi nalalaman ni Klein baka kasi magalit nanaman siya.

Bakit kaya ayaw niya akong magluto. Hilig kopa naman ang magluto kaya nakakalungkot lang na parang wala siyang tiwala sa kakayahan kong magluto. Alam ko namang bihasa na si Nay Ofel pero gusto kolang naman makatulong at magluto. Bahala na nga. Mabuti pa sumunod nalang para iwas gulo.

Pumasok na ako sa kusina at tinignan ang mga niluto ni Nay Ofel. Nay Ofel na tinawag ko sa kanya at okay naman kay Nay dahil parang anak narin daw ang turing niya saakin. Ang bait-bait ni Nay Ofel pati narin si Ate Mei. Sa isang linggong pamamalagi ko dito naging mabuti sila saakin at hindi nila ako pinapabayaan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 29, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Made for YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon