Chapter One

30 0 0
                                    

2:36 PM

Dalawang oras na lang at aalis na muli si Pao sa Dunedin. Kahit gustuhin niyang magstay at makasama ang pamilya niya, kailangan niya munang bumalik sa Pilipinas. Tinawagan na kasi siya ng kanyang manager doon at mukhang may mga nakaline up for him na projects. Nakailang reject na din kasi si Pao sa kabilaang projects noong nakaraang mga taon pero this time, he finally decided to come back. Bukod kasi sa apat na taong pamamahinga mula sa limelight ng showbiz industry, minabuti niyang tapusin ang kanyang pag-aaral. He took up the course Business management. Tumutulong tulong rin siya sa kanilang family business at syempre the main reason naman talaga kung bakit siya umuwi at nag-stay ng New Zealand was to spend time with his family. Hindi man madali para kay Pao na iwan muli ang kanyang pamilya, pero he wanted to go back and help earn for his family again. Kakayanin naman na niya ang lahat. He’s matured over the years that has gone by. Mahiwalay na kung mahiwalay sa pamilya, tumira ng mag-isa sa Pilipinas, magcelebrate ng mga occasion na wala sila sa tabi niya, okay lang daw dahil lahat naman ng sakripisyong ginagawa niya ay para sa kanila. At alam niyang it is all going to be worth it. Ika niya nga eh “New Zealand is where my family is but Philippines is and will always be a place to come home to.” 

Having only a glass window separate you from your love ones is one of the painful things you experience during a departure. 

“Bye Kuya! Text mo ako agad kapag nakalapag ka na ha? O ichat mo ako sa Facebook. Ingatan mo sarili mo! Love you!” Sambit ng Ate ni Pao na si Ate Kaye on the other line of the phone. Despite her being the oldest, she calls Pao Kuya. 

His whole family was on the opposite side of the airport waving at him, kausap niya sa phone si Ate Kaye at wala siyang magagawa kundi kumaway pabalik at ngitian sila, a way to assure them that he will be fine; a way to also remind himself that he will be fine and that he needs to be strong.

Despite the exchange of smiles and waves, alam mong behind that, may lungkot na bumabalot sa kanila. Kahit na ito na ang pangatlong beses ni Pao para bumalik ng Pilipinas, every time someone leaves, every time he leaves, laging karugtong nito ang lungkot at pangungulila. Leaving is never easy, especially when it involves people whom you treasure and love.

Binaba na ni Pao ang phone and as he turns his back away from his family and into the check in counter, a single drop of tear rolled down his face. At ang luhang ito ay nasundan pa ng isa, at ng isa pa at hindi na niya namalayang tuloy tuloy na pala ang pag agos ng luha sa kanyang mata.

Totoo nga talaga sigurong isa sa mga pinakamalungkot na lugar ang airport. Yes, may happy part naman siya kung saan tanging ang airport lamang ang nakakawitness ng priceless moments kapag may umuwi o bumalik; yung may mga grand reunion bigla sa muling pagkikita o kaya naman unang yakap, halik, at kung ano pa. Pero thinking about it, mas marami kasing umaalis kaysa bumabalik eh. Dito mo mararanasang magpaalam ng walang kasiguraduhan kung babalik ba siya. Dito ka matututong maghintay sa kawalan; na yung ‘See you soon’ mo, hindi mo aakalaing aabot ng five, ten, twenty years. Dito mo mararanasang kumaway sa kabilang banda ng salamin sa taong, yun na pala ang huli niyong pagkikita. Pero Pao knew this is not going to be his kind of ‘airport story.’

He stopped walking, wiped the tears on his face and firmly said, “Ito na ang huling beses na aalis ako at iiwan ko ang pamilya ko.” at tuluyan na siyang dumiretso sa counter. Ayaw niyang maging huling memorya niya sa pamilya bago umalis ay ang makita niyang umiiyak o malungkot sila at ganun din siya so he never dared look back.

3:36 PM

Matapos ang mahaba habang proseso sa airport, sa wakas, nakaupo na rin si Pao sa waiting area nila. Isang oras na lang at lilipad na siya pabalik ng Pilipinas. Halo halo na ang nararamdaman niya, akala mo first time niya. Ibinaling na lang niya ang atensyon niya sa mga tao sa paligid niya, mga kapwa niya nagaantay ng eroplano. Bawat tao may kwento. Pero ang ipinagtataka niya, bakit parang halos lahat ay may malungkot na aura. Wala bang excited umalis? Masayang umuwi? Mukhang ang iba naman ay normal na sa kanilang lumilipad lipad na lang sa iba’t ibang lugar. The airpot routine bores them that they are already sleeping. Pero kahit ganun pa man, masaya pa rin si Pao sa pagbalik sa Pilipinas. Bukod sa nageenjoy siya sa ginagawa niya doon at alam niyang makakatulong siya sa kanyang pamilya, alam niyang may mga tao siyang babalikan doon, ang kanyang PAOmily, ang kanyang mga mahal na KaKimpoys.

4:36 PM

“Calling all passengers for flight number KV1218 bound to Manila, Philippines, please proceed to the boarding gate.”

Binalik siya sa realidad mula sa kanyang pagmumuni ng boses mula sa speakers. And the time has come. He finally has to leave. 

Ang huling text na inihabol ni Pao sa kanyang family before he leaves ay.. ‘See you soon. MNL bound. I love you!’ He reminded himself to be strong, hindi man para sa kanya pero para sa pamilya niya. 

At tuluyan na niyang iniabot ang kanyang pass to the stewardess. It is going to be a very long flight for Pao. He took his seat sa medyo harap at buti na lang at ito ay window seat. Aisle 9 seat A. As the plane takes off, dito na rin magsisimula ang not-so-ordinary journey ni Pao sa kanyang buhay. Ang inaakala niyang usual routine of leaving for work and coming home for his family ay hahaluan na ng destiny ng isang adventure worth exploring. The time has finally come.

At Home With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon