Chapter Two

17 0 0
                                    

     Halos labing-dalawang oras din ang lumipas nang lumanding ang eroplano ni Pao sa Hongkong. Dahil walang direct flight mula sa kanila, kailangan niyang bumaba dito at sumakay muli ng eroplano diretso ng Pilipinas. Nakapag message na rin naman siya kina Ate Kaye kaya’t dahil may two hours na gap ang kanyang flight, nagikot muna siya sa airport doon.

     Pababa na siya mula ng Level 7 ng napansin niya ang isang babae na tila umiiyak sa may bintana malapit sa veranda ng level 7. He knew she was a Filipina. Matalas ang mata ni Pao sa mga kapwa niya Pinoy. Kapansin pansin din ang babae dahil sa kanyang suot suot na neon nike roshe na may color combination ng pink and purple. But more than that, Pao saw the pain in her eyes nung saglitan siyang nalingon nung babae habang pababa siya ng escalator. Dali rin kasing iniwas nung babae ang kanyang tingin at muling humarap sa bintana, habang kausap pa rin ang nasa kabilang linya ng kanyang phone. Tinignan ni Pao ang relo sa kanyang kaliwang kamay,

     *6:30 PM* 9 minutes before his flight.

     Gustuhin niya mang bumalik pataas ng level 7 pero kailangan niya nang bumalik sa waiting area dahil malapit na ang flight niya. Level 3 pa kasi yun kaya malayo layo pa ang lalakarin niya.

     Pao settled again in his seat nung tinawag na sila for boarding. Medyo nauna siya linya dahil sa medyo likod ang upuang naireserve niya sa flight na to. Pero kumpara sa nauna niyang flight, mas maikli na ito; two hours to go, Pilipinas na ang masisilayan niya sa bintana.

9:00 PM

     Makikita mo sa repleksyon mula sa bintana ang ngiti ni Pao na abot tenga. Nakikita na niya ang night light ng Philippines! Kung pupwede lang siyang sumigaw sa loob ng eroplano, sumigaw na siya.. Kaso hindi pwede. HAHA.

     Nakapaglanding na ang airplane at ilang saglit na lang ay makakalabas na siya sa airport. Konting pila na lang and he will finally be free. As he was headed to the immigration, nahagip ng kanyang mata sa bandang kanan niya ang tila pamilyar na hubog ng isang babae..

     Yung nakita niya sa airport! Sinundan niya ng tingin ang babae na nakapila sa habilang dulo ng napakaraming queue centers at napakaraming ulo ang nakaharang sa kanila.

     “Oo nga! Bakit hindi ko naisip na baka parehas kami ng flight?! Sabi ko na Pinay yun eh.” Nasambit niya sa kaniyang sarili habang nasa pila siya. Napalingon tuloy ang lalaki sa likod niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 04, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

At Home With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon