DOS

10 0 1
                                    

Alexis Zia Monterde's POV

GOOD MORNING MADLANG PIPOOOOL!

Maganda ang gising ko kaya napagdesisyunan kong bumili ng mga gamit ko sa school since 2 araw na lang bago magpasukan. Naligo na ako at bumaba nanrin para mag-almusal. Mula dito sa taas, amoy na amoy ko na yung niluluto ni mama. Tuyo at itloooog! Kaya mahal na mahal ko si mama e. Alam nya talaga yung favorite ko.

"Goodmorning ma, pa!" at hinalikan sila sa pisngi nila.

"Goodmorning din 'nak. Halika na. Kakain na tayo."

Umupo na ako sa isa sa mga upuan at nagsandok ng kanin ko. Kumuha na rin ako ng tuyo at itlog. Nakailang subo na ako nang matandaan ko yung plano ko sa araw na to.

"Ay sya nga pala ma, pa. Ngayon na pala ako bibili ng gamit ko. Baka kase pag bukas pa, sobrang dami na ng tao."

"Ganun ba Zia? Magkano ba ang kelangan mo?"

Ibinaba ko na muna yung dapat na kakainin ko at tumingin sa kanila.

"Ma? Nakakalimutan mo na ba na ang maganda mong anak ay nakapasa sa isang scholarship at makakatanggap ng 50,000 kada buwan? Kaya di nyo na kelangang bigyan ako ng pera. Wala na kayong gagastusin."

"Haaay. Dalaga na ang aming prinsesa. Oh sya. Anong oras ang alis mo?"

"Hmmm. Pagkatapos ko na lang siguro kumain pa."

Mga ilang minuto pa ang nakakalipas ng natapos ko ang pagkain. Nagprisinta na din ako kay mama na ako na ang maghuhugas. Pagkatapos kong maghugas, pumunta ako sa kwarto ko at nagbihis na. Inayos ko na din yung bag na kakailanganin ko. Nilagay ko dun yung phone, wallet, earphones, powerbank, connector at ang tubigan ko.

Nagpaalam na ako kila Mama at Papa na aalis na ako at naglakad papunta sa kanto ng subdivision para pumara ng jeep.

Nang nakita ko yung 'SM' na plaka sa jeep, sumakay na ako dun sa jeep na yun.

Bigla kong naalala si Book. Napangiti ako kase natandaan ko yung mukha nyang gwapooo! Those perfect lashes. Those perfect lips. Alam kong walang taong perpekto pero ang gwapo nya talaga!

------
(More picture of Louise Book Vernandez sa multimedia. Gwapo talaga e no?)
------

Tumigil na yung jeep dahil nasa SM na kami. Pagkababa ko, kinuha ko yung earphones ko at yung phone ko. Kinabit ko yung earphones ko sa phone ko at naghanap ng itugugtog ko.

One fact about me : I'M A KPOP LOVEEEEER!

Kaya wala kayong makikitang ibang artist na foreign maliban kay Ed Sheeran, Shawn Mendez at Taylor Swift. Nang may mapili na akong kanta, i decided na wag munang dumiretso sa National Book Store. Nagpunta muna ako sa Department Store para magtingin tingin ng mga damit. Dumiretso agad ako sa male section. Why? BECAUSE I LOVE MALE CLOTHEEEEEES!

Nahagip ng mata ko ang isang polo na may print ng mga dahon ng coconut na nagkalat sa polo shirt na yun. Ang gondooo 0^0

Tiningnan ko yung price at mukhang pwede ko naman syang bilhin. Sabi kasi ng polo "bilhin moko ziaaa. bagay ako sayooo"

Kaya yun, pumunta ako sa cashier kasama ang magandang polo shirt na napili ko.

Matapos kong bayaran, napagdesisyunan ko nang pumunta sa National Book Store para gawin ang pakay ko.

Kumuha ako ng basket at kinuha ko yung phone ko kase andun nakalagay yung mga requirements ko. Kinuha ko na yung mga kelangan kong bilhin. Andami naman neto! Kunsabagay, maarte ang mga nasa Laguna Science High School kasi mga anak-mayaman. Hayaan mo na. Napasa ko naman yung scholarship ko e.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 02, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Not Your Typical Love Story. ( Series #1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon