UNO

11 0 1
                                    

Alexis Zia Monterde's POV

"You are qualified for the scholarship in any school that you want to enroll Ms. Monterde. So, can you tell me which school do you prefer?" tanong sa akin nung matandang babae na kausap ko ngayon. Bakit ko sya kausap? Ewan ko rin. Charot! Kasi po nagapply ako para sa scholarship. Kaya naman nila mama na pagaralin ako kaso nga lang kakayod talaga sila. Kaya para mabawasan yung paghihirap nila, nagdecide ako na magapply for scholarship. Matalino naman ako e. Nakapasa nga e. Syempre. Ako pa ba?

"Hmm. I would like to use the scholarship in Laguna Science High School, Miss." bakit Miss ang tawag ko sa kanya? Gusto nya daw na miss e. Edi pagbigyan. Charot lang po. Baka mawala pa scholarship ko e.

"Good choice of school Ms. Monterde. I would like to inform you that the scholarship is until you finish your college. Every month, our department will give you  50,000. Ikaw nang bahala kung saan mo gagamitin ang perang yun. And every semester, titingnan ng department namin ang general average mo. Kapag ang general average mo ay hindi umabot sa dapat na grades mo for the scholarship, we will stop to support your study.  That's all Ms. Monterde. Thankyou."   paala ni Miss Chuchu. Di ko alam apelyido nya e. Ayon nga sa sabi nya dapat ma-maintain ko ang mataas kong grade. If not, bye-bye 50,000. Huhu.

"Thankyou also Miss. Have sa good day." dapat may ganyan.. Pa-good shot kumbaga. Umalis na si Miss kaya napagdesisyunan ko na ring umalis. Pagkalabas ko sa office nya, may nakabunggo ako. Letse naman e! Ang sakit nuun! Huhu!

"Ano bang--" ay! Ang gwapooo! Halaa! Marupok akoo beesh! Ang puti nyaaa! Yung lips nyaaa! Ang soft at ang pulaa! Ang kapal ng kilay nyaaaa! May nunal sya sa gilid ng ilong nya. Ang gwapooo!

-----
(Para ma-imagine nyo itsura nya, andun sya sa multimedia. Gwapo no?)
-----

"Ay! Sorry! Di kita nakita. Sorry talaga ha?" sabay pat ng head ko. Napatulala lang ako sa kanya. Ang gwapo nyaaaa! Nang hindi ako gumagalaw, parang kumaway sya sa harap ng mukha ko.

"Ok ka lang?"

"A-ah! O-oo! Ayos l-lang ako."

"Namumutla ka. Ok ka lang ba talaga? Gusto mo bang dalhin kita sa ospital?"

"H-hindi na. A-ayos lang ako. P-promise!" sabay taas ng kanang kamay ko. Ay letse! Para naman akong manunumpa e. I heard him chuckle. Anong nakakatuwa? Huhu.

"Sige. Ingat ka sa susunod ha. Sorry talaga. Babyee!" tapos ginulo nya buhok ko. Di ko na to susuklayiin. Umalis na sya sa harap ko at pumasok sa loob ng office na pinasukan ko. Dapat pala sinabihan ko syang wala dyan si Miss. Bahala na. Pero ang gwapo talaga nyaaa! Nakaka-attract yung kapal ng kilay nyaa! Lalo na yung labi nyaa! Sana makita ko uli syaa!

Matapos ang pagdedaydream tungkol kay guy na nakabunggo ko, napagdesisyunan ko nang umuwi. Malayo pa ang bahay ko mula dito sa Laguna. Isang sakay ng bus at isang sakay ng jeep. Gusto ko nang umuwi para ibalita kila mama yung scholarship ko. For sure, matutuwa silaaa! Pagkasakay ko sa bus, inilabas ko yung phone ko. Nagsearch ko tungkol sa mga academic track sa Laguna Science High School. Senior High School na kase ang ate nyo e. At ayon sa school nila, STEM lang ang meron. Expected na yun kase nga Science High School yung pinasukan ko. Makakayanan ko naman yun. Para kilala mama at papa. Nakatingin lang ako sa bintana ng bus ng may tumabi sa akin.

"Oh! Ikaaw! Ikaw yung babae kanina diba?" tanong ng lalaking nakabunggo sa akin. In short, yung lalaking gwapo kanina.

"U-uh. Hi?"

Not Your Typical Love Story. ( Series #1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon