Chapter 6

120 5 0
                                    

Chapter 6



"I KNEW someone who will not gonna believe if i tell him i met you." Ani mirae kay freya habang Tinatahak na nila ang loob ng isang high class subdivision. Sa lugar na iyon kasi nakatira ang babae. At Hindi inakala ni freya na ganun ito kayaman. Hindi kasi biro ang halaga ng mga bahay sa subdivision na iyon.


Nagkibit siya ng balikat bilang sagot dito. "Well, i can't blame him. Isa pa, most of the people doesn't really enterested to meet an actress playing as villain."


Bumungisngis ito na parang naaliw. "Pero Subukan niya lang na isnabin ka, kakalbuhin ko talaga siya." Anito at ngumuso na parang bata. "But i'm sure, my i-chan is not like that. Isa pa, siguradong kilala mo rin naman siya."


"I-chan? What a weird name." Sigurado si freya na wala siyang kilalang ganun.


"Ow, that's not his name. I just call him that dahil yun ang endearment ko sa kaniya. He's my big brother." Tumango tango siya. "Opps, i forgot to call him! Nangako nga pala akong tatawag sa kaniya kapag nakauwi na."


"You both are really close to each other." Nakangiting sabi niya. Nakaramdam tuloy ng inggit si freya. wala kasi siyang kapatid na masasabing best buddy niya. Meron siyang mga kapatid sa kaniyang ama at ina ngunit hindi naman sila close ng mga iyon. Wala rin siyang matalik na kaibigan na matatawag. Buti pa ito.


"Very, close kami niyon. Napaka istrikto pa. Kaya nga ng mag karoon ng business trip ang asawa ko, ipinasuyo niya ako kay i-chan. Yung dalawang iyon, kung pagalitan ako na kesyo wag akong mag papagod, kesyo wag magbubuhat ng ganyan. Grabe, mapapaanak talaga ako ng wala sa oras." Anito na idinadayal na ang cellphone.


Napapailing at napapangiti nalang si freya.


Mayamaya lang ay may kausap na ito. At mukhang pinapagalitan na nga ito gaya ng sabi nito. "I'm fine. Sabi ko naman sayo. May kinuha lang ako sa shop. . . I know. . . Promise. . . Kasama ko? Well, hindi ka maniniwala! I'm with my idol!" Humagikgik ito. Pero mayamaya lang din ay napanguso. "What? . . . I'm not mocking you para lang hindi mo mapagalitan." Lumingon ito sa kaniya at ngumiwi. "Hmp! Hindi ako nag dadahilan noh! Kung ayaw mong maniwala di wag!" Sabi nito na tila batang nagtatampong. Pagkatapos ay in-off na ang cellphone. "Hindi siya naniniwala sa akin. Nakakaistorbo pa nga raw ako dahil may hinihintay daw siya. Hmp! Bahala siya sa buhay niya."


"Baka hinihintay niya lang ang girlfriend niya." Kibit balikat na sagot niya. Tumawa naman ito na para bang may nakakatawa sa sinabi niya.


"Good luck nalang sa kaniya kung sino man iyon." Hindi na siya kumibo.


Muli silang lumiko sa kanang. Pagkalagpas sa tatlong bahay ay duon na sinabi ni mirae na iyon na ang bahay nito. Nang bumusina sila ay ipinasok niya sa loob ng bakuran ang kaniyang sasakyan. Pagkatapos ay pinagmasdan niya ang malaking bahay. It's a modern style house na karamihan sa bahagi nun ay napapaligiran ng salamin. Nakakaagaw din ng atensyon ang mini infinity pool na nasa bahaging itaas ng bahay na ang tubig ay bumabagsak sa malawak na pool sa ibaba. Hindi niya napigilang mamangha sa bahay.

When The Curtain Falls [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon