AGNES : BILAO GIRL

12 0 0
                                    

Isang babae ang naglalakad sa kahabaan ng trapiko. Sa kanyang pananamit ay mapapansin mong wala sa kanyang isipin ang maglagay ng kolorete sa katawan. Sa hitsura palang nito ay mapapansin mong maghapon syang nagtatrabaho, ngunit kahit ganoon namumukadkad parin ang kakaiba nyang kagandahan.

Tangan niya ang bilao na may lamang lako tulad ng pilipit, puto, kutsinta, lumpiang gulay at iba pang kakanin.
Marahan nyang binubuksan ang kanyang maliit na bag ng sa di inaasahan ay mabunggo niya ang isang babae na sa awra palamang ay mukhang mayaman na at tumilapon ang suka(vinegar) sa puting puti nitong dress.

Kung anu ano ang sinabi ng babae sa kanya bago sya nito lubayan. Kung titimbangin ay mas mukha pang may pinag-aralan si bilao girl (ang babaeng maglalako) keysa sa babaeng mayaman na yun.

Naramdaman ng babaeng may hawak na bilao na may nagmamasid sa kanila kanina habang kausap nya yun babaeng RK, kaya't nagpatuloy na sya sa paglalakad.

Hapon na ng makarating sya sa palengke at hawak hawak parin nya ang bilaong wala ng laman.

" Hoy Agnes ! Bakit ngayon ka lang aber?" sigaw ng isang babaeng may hinihithit na sigarilyo.

" Patawad po inay, may nangyari po kasi kanin—" hindi pa man natatapos ni Agnes ang kanyang sasabihin ay piutol na ito ng kanyang ina.

"Wala akong pakialam sa mga palusot mo, ang pera? Asan ang pera? "

"Inay, p-pero nag iipon po ako, gusto k-ko pong makapasok sa school—"

" Ano? Tumahimik ka nga! Ang mga katulad mo ay walang puwang para sa mga ganon. Masyado kang pabida! Hindi ka kikita ng pera dun!" Si Aling Marta ( ina ni Agnes ) habang dinuduro duro si Agnes.

Sa lakas ng boses ni aling marta ay naalimpungatan nanaman ang mga tsismosa ng taon.

"Ano ba yan, ginagalitan nanaman si Agnes kiganda gandang bata" - tsismosa 1

"Paanong hindi gaganda eh hindi nagmana sa mukha ng ina nya. Tingnan mo mukhang naligaw sa gubat yung ina" - tsismosa 2

"baka ina-inahan" - singit ng isang tindera at sabay sabay silang tumatawa. Tawa ng may makakating dila.

"Hoy! Kayong mga tsismosa kayo ! Wala ma kayong magawa kundi pagusapan ang mga buhay buhay ng mga tao dito, palibhasa walang ganap sa buhay nyo! " Banat ni aling mart sa mga tsismosa.

" oh eh bakit ? Totoo namang napulot lang yan ni adolfo (asawa ni aling marta na matagal ng nawawala)  ah!"
sabi nung tindera habang nagpapaypay sa mga tinda nyang gulay.

"  wala kayong pakialam ! ( dinuro ang mga tsismosa ) Kanya kanyang diskarte lang yan kung paano kikita ng pera ! " sagot ni aling marta sa mga tsismosa habang nakapamewang.

Hinawakan ni Agnes ang braso ng kanyang ina . "Inay, tama na po"
Tinapig ni Aling Marta ang kamay ni Agnes . " Tumabi ka nga ! " Sa lakas ng pagtapig ni Aling Marta ay napaupo si Agnes.

"Hay nako! Mga sakit ng ulo!!" pwersang kinuha ni Aling Marta ang pera sa kamay ni Agnes .

"May sesyon pa ako mamaya, umuwi ka na ! Magluto ka ng pagkain !"

Pinigilan ni Agnes ang pagluha. Patayo na sya ng...

Paaaakkk!! ( Sinampal ni Aling Marta si Agnes ) Muli syang napahandusay at hinawakan ang parte ng pisngi kung saan sya sinampal. Di na nya napigilang lumuha. Ayaw nyang ipakita sa iba na umiiyak sya. Gusto nyang ilabas lahat pero di nya magawa dahil iniisip nyang magiging mahina sya sa paningin ng iba.

"Bakit ito lang ha!? Sa susunod sipag sipagan mo naman ha, para may kwenta ka naman sa mundo! Nako ! Manang mana ka sa ama mo! Sana nga di na sya bumalik . Mga problema kayo sa buhay ko!"

Mas lalong hindi na mapigil ni Agnes ng kanyang pag iyak dahil nabanggit sa usapan ang kanyang ama. Umaasa kasi sya na balang araw ay babalik pa din ito at muli nyang mararamdaman ang mga yakap nito. Limang taon palang ng magpaalam ito sa kanya at sa kanyang ina. At dun na nagsimula ang kalbaryo sa buhay nya. Araw araw syang inaalila nang kanyang ina.

Walang magawa ang mga taong nasa paligid nila kundi panoodin na lamang ang araw araw ba eksena sa buhay ni Agnes sapagkat takot sila kay aling Marta sa kadahilanang myembro daw ito umano ng isang malaking sindikato.

Dahan dahang pinulot ni Agnes ang kanyang bilao at marahang pinunas ng suot nyang damit ang kanyang luha.

Maglalakad nanaman sya pauwi sa kanilang dampa na matatagpuan sa isang eskwater area malapit sa tambakan ng mga sirang gamit.

Habang naglalakad sa isang madilim na highway napansin ni Agnes na may sumusunod sa kanya kung kaya't nagmadali sya .

"Miss!" Nagulat sya ng mkarinig ng isang tinig ng lalaki. Kinabahan sya sapagkat di nya kilala ang tinig na iyon at mag gagabi na. Lalo syang kinabahan ng marinig sa balita kaninang tanghali na uso ang mga nagalang van na nagbebenta ng mga laman loob ng tao kung kaya't tumakbo sya at nakahanap ng isang abandunadong building.

Hindi nya maaninag kung sino ang lalaki mula sa kanyang pinagtataguan tanging ang anino lamang nito ang kanyang nakikita.

Naputol ang katahimikan mula sa kanyang pinagtataguan ng may marinig siyang ingay mula sa kanyang likuran. Napuno ng kaba ang kanyang dibdib. Hindi nya alam ang gagawin kung kaya't nagpasya syang lumabas ng building.

Dahan dahan syang lumabas at sinubok ang kaninang lalaking humahabol sa kanya. Nakita nya itong may kausap na isang pang lalaki bago sumakay ng kotse at tuluyang umalis.

"Hay ! Sa wakas ! " napabuntong hininga sya .

Sino kaya yun? May naka away ba ako? Hala nako po! Baka yun yung mga nangunguha ng laman loob tas binebenta nako kung nagkataon yung mga laman ko nasa ibang tao na ngayon or nasa tindahan na, pero bakit naka kotse ? Hindi naka van? Bago na pala ang style ng mga nangunguha ng bata ngayon ah , este dalaga, este tao pala. Nako! Kung ano anu ano pumapasok sa utak ko.

Kung anu ano ang tumakbo sa isip ni Agnes kung kayat napailing nlaang sya at napakamot sa ulo.

Isang panibagong bukas nanaman ang dadating sa kalbaryo ni Agnes. Ano nanaman kaya ang matutuklasan nya sa kanyang buhay.













You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 12, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Reminiscence of our love (On Going)Where stories live. Discover now