THOUSAND MILES

10 1 0
                                    

"Oh? Bakit nakasimangot ka nanaman dyan?" she looked at me. May nagbabadyang luha sa mga mata nya.

"He said, he needs space." upon saying that, her tears fell. Napailing nalang ako habang pinagmamasdan ang mukha nyang ngayon ay puno na ng luha. Kailan ba matututo ang babaeng 'to? Ilang beses na syang sinaktan, hanggang ngayon sige pa rin. Hindi na nagtanda na sakit sa ulo lang ang mga lalaki. Problema lang ang pakikipagrelasyon. Sa una lang masaya. Sa una lang may kilig. Sa una lang sila magaling. Yang love na sinasabi nila? Yung sparks? Nawawala yan. Habang tumatagal, you'll realize that it's not all about that fucking butterflies in your stomach. It's all about your choice. Your willingness to stay committed to the person you love.

"Ilang beses ka na sinaktan nyan. Di ka pa rin natututo?"

"Mahal ko eh." halos mapairap ako sa sagot nya na sinamahan pa ng sigok. Pambihira. Sinasayang nya ang luha nya sa maling tao eh.

Well, dati na rin akong nagkaganito. Yung kahit na harap harapan nang ginagago, sige lang. Yung kahit ilang ulit nang saktan, hanggat may makakapitan, kapit lang. Akala ko din dati, hanggat sinasabi nyang mahal nya ako, kahit na hindi ko ramdam o kahit ilang ulit syang magkamali, matatanggap ko parin. Pero hindi eh. Dumating sa puntong, napagod ako. Hindi lang sakanya, kundi sa pagmamahal mismo. Nakakapagod magbigay ng love, lalo na't wala namang ibang alam gawin yung taong pinagbibigyan mo nun kundi saktan ka. Kaya ako? Suko na ako sa pagmamahal na yan. Wala naman akong mapapala dyan sa huli kundi heart break. Sayang sa oras makipagkilala. Nakakapagod magpapasok ng tao sa mga walls na itinayo mo para sa sarili mo. Sa huli naman, iiwan ka din nyan.

"Hi baby! Bakit umiiyak yan?" I rolled my eyes upon hearing his voice. He's Adrianne. Self proclaimed na suitor ko. Naupo sya sa tabi ko at pinanood si Ericka na umiiyak sa harap namin.

"About kay Alex. And don't baby me. Alam mong ayoko sa ganyan."

"Whoah. Chill."

"Sinabihan na kasing tama na, ayaw pang tumigil." inis ko syang inabutan ng tissue. Nasa cafeteria kami pero itong si Ericka, parang walang pakialam sa mga taong nakakakita sakanya.

"B-Bakit ba ang harsh mo sakin? Pag ikaw nagkaginito din dahil sainyo ni Adrianne, tatawanan kita." nakangusong sabi nya. Pambihira. Idinamay pa ako. Alam naman nyang wala na akong interest sa mga ganyan.

"Nah. Maddy won't cry because of me if she'll give me a chance. Maybe, it's the other way around. I'll be the one to cry if I ever lost her." he said as winks at me. His brown eyes is dancing beacuse of amusement.

I looked away. Hindi ko pinansin ang sandaling pagtigil ng paghinga ko. Tumayo ako.

"May pupuntahan lang ako. Una na ako." agad ko silang iniwan matapos kong kunin ang bag ko bago pa sila makapagprotesta.

My heart is beating loud and fast again. I'm afraid that they might hear it so I decided to stay away. Ayoko sa pakiramdam na 'to. Ayoko na ulit pumasok sa isang sitwasyon na sa huli, ako naman ang talo.

---------

I was busy reading a novel when suddenly, Manang knocked on my door.

"Ija, may bisita ka sa labas."

"Sige po Manang lalabas na!"

Bisita? At sino namang bibisita sakin ng dis oras na ng gabi?

Nang makababa na ako ay nakita ko si Manang.

"Nang, san po yung bisita?"

"Literal na nasa labas ija. Ayaw pumasok." nakangiting sabi nito na sinundan pa ng mabining tawa. I smiled.

"Manang talaga. Sige po labas muna ako."

Nang makalabas ako ay may nakita akong isang bulto na nakasandal sa ding ding. Hindi ko gaanong maaninag dahil madilim na rin.

ONE SHOT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon