HI: Meeting Mr. Antipatiko

12 0 0
                                    

"Anne Toinette" pag papakilala ko sa mga  kaklase ko.

Its our first day of school.

We all know the drill.

Papakilala ka sa mga bago mong kaklase and teachers.

I have a few old friends with me from last year. But I have this eye for the guy na nakatabi ko kanina sa main gate.

Grade 11 palang ako and this guy looks like a college freshmen kasi ngayon ko lang sya nakita dito.

Ang tagal tagal kasi ni Xandra ang GFF ko (Girl Friend Forever). Kahihintay ko sa kanya nakatabi ko nga tuloy tong si pogi.

Matangkad sya and malakas ang dating. He has his earphones on kaya nakadagdag chill and cool ang aura nya.

Yung kilay nya may hati tapos may hikaw pa basta ang cool nya tingnan.

*blag!*

Lahat kami napatingin sa likod ng room sa pag sara nung pinto at eto nga sya.

"Excuse me. Do you belong to this class?" Tanong nung adviser namin.

Tinanggal nya yung earphones nya at sinabing "11-Firm?"

"Ah yes upo ka nalang dito. Abraham upo ka muna dun sa tabi ni Eve"

Andito na sya sa harap ko. Syet puso ko wait lang naman.

"Pakilala ka sa mga classmates mo. Please stand up"

"Im Christian James Ven but you can call me CJ" sabay upo na nya agad.

Ang bad boy talaga pero I dig it haha

• • •

"So yun nga kaklase ko pala" kwento ko dito kay Xandra

"Kilig ka naman?" tanong nya sakin

"Ehe enebe" sabay ayos ko ng buhok sa tenga ko.

Nandito kami ngayon sa corridor kasi break time namin. Nagmamasid masid kami kung sinong mga gwapong transferee sa batch namin haha.

"Yun oh" turo nitong si Xandra

"Asan?" Hanap ko naman

"Yung nakasalamin malapit sa pintuan ng room mo"

"Kaklase ko yan haha" not sure with names yet kasi first day palang naman.

Tinuro nya kasi yung nakasalamin kong kaklase na medyo moreno. Mukhang matalino and maganda ngumiti.

"Eh yun" turo nya ulit

"Kaklase ko din" this time tinuro nya yung patpatin kong kaklase na medyo tipo ko kaso mukhang fuck boy.

"UY AYUN YUNG ANO" panic kong paghahampas kay Xandra

"Yung alin?"

"Yung kinekwento ko sayo kanina si CJ"

"At tanda mo talaga yung pangalan ha"

"Aba syempre hahaha"

Hi!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon