PROLOGUE

1 0 0
                                    

Ang aking salamin, salamin salamin
ito ang isang bagay na mistulang naging akin.

Ito ang aking napili dahil kailanman alam kong 'di ako nito bibiguin
Hindi ako bibiguin sa matatamis na salita,
Hindi bibiguin na makita kung alin ang mali sa tama.

Isa ang salamin sa paulit ulit kong dadalhin at susuotin,
Sa bawat kabanata ng aking paglalakbay sa mundong ibabaw
Kung saan tayo'y pinagtagpo, tama pinagtagpo.

Pinagtagpo tayo ng tadhana na hindi mawari kung kailan, at kung paano nagsimula.

Sinipat, hinanap ang sagot kung bakit nya nagawa.

Nasaktan sa katotohanan, pero walang magawa.

Labo, ayan ang maaring tayo,
ngunit sa bawat pag labo may makikita kang linaw kapag ang grado mo ay wasto.
Parang tama ito sa salitang tayo,
tayo na may mga panahong malabo ngunit inuna natin ang samahang ating nabuo.

Kaya ito, ang salitang labo ay tila nawala, naglaho na parang bula noong naging malinaw ang mga mata,
Luminaw simula ng makita ko na tayo ngang dalawa ay pinag-isa, na tila may pagasa pa, na siguro pwede pa.

Alam kong ito ang tama,
kaya susugal ako sa abot ng aking makakaya

Hindi ko bibitawan ang aking salamin sapagkat ito ang nagbigay linaw sa akin.

Kaya naman ngayon, alam ko na kung saan ko ilulugar ang salitang tama at mali.

——————————————————————
AUTHOR'S NOTE:

This is actually a project of mine presented to the class.

I dont take full credits to this piece because it was made with a help of a friend of mine.

Kung nababasa mo to thanks for being a sissy to me.

Hi!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon