Karylle’s POV
“I’m Sorry Ms. Karylle pero ayon sa mga Test ko, May Cancer ka, and its stage 2, Pero Kung pwede naman mag pa chemo therapy ka para maagapan kagad yung cancer cells at di na kumalat, are you ok with that?”
C-cancer?
Paano ko ipapaliwanag kela Mama? Sa mga kaibigan ko? Kay V-vhong? Ayoko pang mamatay.
“Ms. Karylle? Are you Ok?” Napukaw ang atensyon ko ng tinapik ng Doktor yung braso ko.
“Y-yes, I H-have to go.” Agad kong pinunasan ang mga luha ko at kinuha ang bag sabay takbo sa kotse ko.
Agad kong tinawagan si Anne at pinapunta sa Starbucks, siya nalang ang sasabihan ko.
@Starbucks
“Oh K, bakit mo ko pinatawag?” Sabi nito sabay upo sa harapan ko.
“A-anne…” Pilit kong pinipigilan yung Luha ko pero di ko na talaga kaya at umiyak na, Nakita ko naman ang pag aalala sa mukha ni Anne at tumabi sa akin sabay yinakap ako.
“Bakit K, anong problema?” Tanong nito sabay hagod sa braso ko.
“M-may Cancer ako, stage 2 Anne, Di ko alam kung papaano to ipapaliwanag sa kanila *hikbi*” Napatigil naman si Anne sa paghagod sa braso ko, alam kung nagulat siya, ganun din naman ako eh.
“A-ano?” Di makapaniwalang tanong nito at lumipat sa harapan ko.
“May Cancer ako, Anne, Posible akong mamatay, at ayoko pa, gusto ko pang mabuhay madami pa akong gagawin, gusto kong makasama si Vhong panghabang buhay” Umiiyak kong sabi at yinakap siya.
“Kailangan mo ng sabihin K.”
--
Baby Vhong Calling..
ACCEPT | DECLINE
“Hello Baby?”
“Hello..”
“Oh, Ba’t parang malungkot ka? Asan ka ba ngayon?”
“Huh? Ah Pagod lang, nasa bahay ako ngayon eh nagpapahinga, bakit?”
“Gusto kong pumunta diyan eh, saka gusto ko matulog din diyan, pwede ba? Para naman makapag movie marathon tayo.”