One-shot

9 0 0
                                    

Scarlet's P.O.V

"Mommy, matagal pa po ba?" tanong ng limang taong gulang ko na anak sa akin.

"Malapit na anak. Are you already hungry? May baong snacks si mommy." Agad namang tumango ang anak ko.

Napangiti ako habang pinagmamasdan ang anak ko na masayang kumakain. Ang cute cute niya hahaha.

"Hahahaha! Kahit kelan ang lampa mo talaga, bunso!"
"Hmph! Ewan ko sayo! Nang-aasar ka na naman eh!"

Naagaw ng magkakapatid ang atensyon ko. 'Di ko tuloy napigilan na mapangiti habang tinitingnan sila na nagkukulitan. Hmm~ Ilang taon na ba ang lumipas? Limang taon? Hahahahaha.... Grabe! Parang kailan lang mula nung mangyari ang pinakahindi ko inaasahan na mangyayari sa akin. Naalala ko pa....

5 years ago •

"ANAK! GUMISING KA NA!" Agad-agad akong bumangon nang marinig ko ang sigaw ni mama.

"Arghhh" Napahawak ako sa ulo ko huhuhu si mama kase eh, ang aga-aga sumisigaw.

Nang medyo mawala na ang sakit, pumasok na ako ng banyo at naligo. Matapos kong maligo, bumaba na ako sa kusina

"Mama naman eh! Ang aga-aga sumisigaw kayo -3-" Bungad ko agad kay mama

"Aba! Eh kung ibato ko sayo tong sandok ko?! Diba't ikaw nga tong nagpapagising ng maaga sa akin?! Nakung bata ka ah!" Agad naman akong kinilig nang may maalala ako

"KYAAAAHHHH!"

"AY JUSMIO MARIMAR! ANO BA SCARLET BARTOLOME?! ANONG SINISIGAW-SIGAW MO DYANG BATA KA HA?!" Oopsss! HAHAHAHA

"Kita mo 'to si mama oh, sumisigaw rin HAHAHA ane keshe me eh hehehe enebe" Kinikilig talaga ako ahhh!

"Ano?! Ayusin mo nga yang pananalita mo Scarlet, sasandukin na talaga kita" Agad naman akong napaayos ng upo, jusko naman tong si mama eh, napakawarrior hahahaha

"2nd anniversary kase namin ni Christian ngayon mama. Ihhh kinikilig akoooo! Kaya nga pala ako nagpapagising sayo kase susurpresahin ko siya ngayon!"

"Ah ganun ba? Congrats anak! Teka... ANO PANG GINAGAWA MO? BILISAN MO NA!"

"Hmph. Opo! Bye Ma!" Hinalikan ko sa pisngi si Mama at tuluyan nang umalis

- Good morning hon ♡ Happy Anniversary sa atin! Nasa office ka ba ngayon? Sorry talaga hon :( May meeting kase kami ngayon eh. Babawi ako mamayang gabi :) I love you hon! -

And send! Mwehehehe syempre kunwari 'di makakapunta ngayon hahaha dumaan muna ako sa mall para bumili ng cake at regalo.

*Brrr**Brrr*

- Good morning din hon! Happy Anniversary ♡ Okay lang hon, I understand. Ang importante eh maiicelebrate natin ito na magkasama :) I love you so much! -

Napangiti ako nang maisip ko kung gaano ako kaswerte. May mapagmahal na magulang, mabait pero makulit na kuya, at higit sa lahat may mapagmahal na boyfriend. What more could I ask for? Kontento na kontento na ako sa kung anong meron ako ngayon.

Hindi ko namalayan na nasa harap na pala ako ng building na pinapasukan ng boyfriend ko. Binati naman ako ni manong guard.

"Good morning Ma'am. How may I help you?" Bungad ng babae sa front desk.

"I would like to visit Mr. Christian Bueneventura, is it okay? Anniversary kasi namin ngayon and balak ko na surpresahin siya :) Hindi naman na siya busy?"

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon