Chapter 2

6 1 0
                                    

Long Way Home


Payapa ang bahay nina Maggie nang marating namin. I suppose they are still harvesting just like what they said.

Dalawang palapag at gawa sa konkreto ang bahay. May kaunting bakas ng karangyaan ang mga kagamitan at dahil bagong ayos ang bahay nila, may bakas na ng mga modernong mwebles ang ilang sulok.

Pinili kong maupo sa kahoy na bangko ng kanilang sala. Dumiretso naman sina Maggie sa kusina para sa iinumin namin na juice. Ilang sandali pa ay sumungaw ang ulo niya.

"May kamote kami rito at saging na saba! Maghanda tayo ng pang merienda natin mamaya."

Tumango naman ako at tumayo na. Sinamahan niya ako sa sa kusina para ihanda ang lahat ng kailangan namin. Abala kami sa paghahanda ng nagmamadaling umakyat si Kuya Miggy sa hagdan kung nasaan ang mga kwarto.

Ipinagkibit balikat nalang ni Maggie ang ginawa ng kaniyang kapatid. I continued peeling the sweet potatoes while she prepared for the bananas.

Mabilis namin natapos ang pagluluto, dinala na namin sa sala na saktong pagbaba ni Kuya Miggy na bagong ligo.

"Naku tamang tama. Paparito si Damien, aayusin namin ang motor niya."

Pagkalapag ng meryenda ay nauna pang siyang kumuha at agad na dumiretso sa labas ng bahay.

"Nagawa mo naba yung plate para sa Lunes?"

Panimula ni Maggie habang nginunguya ang kakasubo lang na kamote. Huwebes palang ngayon kaya may panahon pa ako para doon. Sana lang ay 'wag na muna nila dagdagan ng isa pa ang plate namin.

Pareho kami ngayon ng kurso na Civil Engineering, mabuti nalang at pinayagan ako ni Dad na manatili dito. Kahit pa gusto ni Dad na sumunod ako sa yapak niya bilang abogado, I just don't think that it has a place in my heart. Mabuti na lang at hindi mapilit si Dad at hinahayaan niya pa rin akong pumili.

I shook my head. "Inuna kong mag aral sa Chemistry. Nalalapit na ang finals, naghahabol ako ng grade, 'e."

"Ikaw pa ang naghahabol? Ako nga itong malapit na maka sinco eh."

Natawa ako sa sinabi niya. It's true. She is really good sa ibang bagay but she sucks at Chemistry. Kahit paano ko siya turuan ay nalilito pa rin siya.

"Mabuti nalang at isa lang ang chemistry subject natin. Mag aral tayo sa susunod. Ayaw kong di ka kasama sa mga susunod natin na subject, 'no!"

Humagalpak siya sa tawa na parang wala lang ang pagbagsak. Natabunan ang malakas na tawa ni Maggie ng tunog ng paparating na motor. Narito na siguro ang kasama ni Kuya Migo.

Dahil maliligo muna si Maggie, ako na ang nagpresinta na magbigay ng meryenda para sakanila. Agad ko ng dinala sa labas ang pagkain para sakanila. Si Damien si Kulot, that guy na mukhang naaawa sakin sa basketball court? I didn't know that they're friends, nor the fact that he's in his close circle. Parang ilang beses ko palang siyang nakita dito, I'd know because he's the type that you'd surely remember. I shrugged my thoughts at deretso nalang na nilapag ang pagkain at juice.

I can't look straight at him kaya I only know that he's curly and jet black hair. He's quite fair although halata na umitim na siya sa lagay na yon dahil sa tan lines. But definitely not as white as me.

"Thanks, Ali!"

Tumango nalang ako at bahagyang ngumiti, napatingin ako kay Damien at nakatingin lang siya tulad nung tingin niya kanina. Hindi ko nalang siya pinansin at dumiretso na sa loob. He really thinks he's cool, huh?

Untangle Me FreeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon