Chapter 1

7 1 0
                                    

Ball

"Five minutes. Please, finalize your papers."


No one dared to make a sound. Siguro ay tapos na ang lahat. Ang iilan ay binabasa nalang ang sariling gawa. I took a glance on mine, I think this is it? I hope I'd win this, I am testing my beginner's luck.

Tinitignan ko ang mga kasama ko sa silid na mabusising kinikilatis ang bawat letrang naisulat. Mukhang silang mga magagaling, naiisip ko tuloy kung maipapanalo ko ba ang essay writing contest na ito.

Maggie and I stayed in our old school. I convinced Dad to stay here and after a few months of debating, he gave up.

Ito ang pinakaunang pagkakataon na mapasali ako sa ganito, hindi kasi ako confident sa nga sinusulat ko noon pa man. But I was asked by Miss Soliman, our language professor, if I could join this contest after reading my work for her class. First, I declined. I told her I don't think I'm competent enough.

At our next meeting, she told me that we really need a representative from our course and this time, she told me that my name was already written on the list. I don't think I could still say no to that.

"How was it?" Bungad ni Maggie sakin pagkalabas ko ng silid.

"Maayos naman.. I think?" Sagot ko na may ngiwi sa mga labi.

Obviously, I was not confident about my work. After all, I was forced to do it. I shouldn't feel bad about it at all.

"Alam kong ginalingan mo, Ali."

"Kahit na." I told her with a smile. "Di naman ako masiyadong umaasa no. Mukhang magagaling mga kasama ko kanina, parang mga sanay."

"Hayaan mo na. Unang beses mo palang naman 'yan."

Dumiretso na kami sa cafeteria pagkatapos ng contest ko para maghintay ng oras. Walang maraming tao, siguro ay nasa court pa at nanonood ng laban. Medyo rinig din hanggang dito ang tilian sa gymnasium kaya siguradong may laro pa nga.

May interschool kasi ngayon at may laban sa lahat: sports, academics, and arts.

"Hindi pa ata tapos laban nina Ria?" Panimula ni Maggie habang tinatanaw ang gymnasium 'di kalayuan sa kinatatayuan namin.

Umiling ako. "Sa tilian ng mga babae doon, siguradong basketball na yan."

"May laban nga pala si Kuya Migo!"

Napailing ako sa naging reaction niya dahil mukhang nakalimutan nga niya ang tungkol sa laban. Maggie walked as fast as she could while I stayed at her back, no rush. I don't really like watching basketball.. they get too physical! The last time that I watched, someone's nose was bleeding. Then someone told me that it's normal! Normal ba talaga na magsakitan sa laro na iyon? I will never let Jiro play basketball.

"Dali! Patapos na ata ang laro!" Maggie shouted. Nasa bukana na siya at medyo malayo pa ako. Pumasok na siya sa loob ng di ako hinihintay.

Pagkapasok ko ay agad kong nakita si Maggie malapit kina Coach Solomon. Nilapitan ko na sila kahit pa ayaw ko sa lugar na 'yon. Masiyado kaming malapit sa mga naglalaro at takot akong matamaan ng bola. The main reason why I never liked a sport that includes a ball. It scares me to death.

I chose to sit behind their coach, iniisip nalang na sasaluhin ng coach nila ang bola kung tatama man ito samin. Pero parang nagkamali ako ng piniling pwesto. Pagka upo ko palang ay tumayo na ang coach nila at parang may sinasabi sa mga players. Right, they don't just watch.. I forgot about that.

I saw familiar faces on our team. Dahil na rin siguro sa madalas silang nasa bahay nina Maggie.

I stood to show my support at paminsang nakikisali sa pag cheer para sa school. But I can't shout like what Maggie is doing in front of us. She is all out. Nasa kalahati na ata kasi ang game at parang bumabawi sa Kuya niya dahil nahuli siya ng dating.

Untangle Me FreeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon