Paglalakbay
Dumating na ang araw. Kung saan magaganap ang nakatakda sa aming mga buhay. Kasabay pa talaga nito ang kaarawan ko. Galing sa pagkakahiga ay umupo ako sa aking luma at maliit na kama atsaka inilibot ang paningin sa buong kwarto. Ito ang lugar kung saan ako lumaki, ito rin ang nakasaksi sa mga kaganapan ng buhay ko. Napabuntong hininga na lamang ako. I guess this is a goodbye then.
Nang napagdesisyonan kung maghanda na kasabay rin non ang katok sa pintuan ng aking kwarto.
"Guenivere, anak?" Sambit ng aking ina.
"Opo?"
"Maghanda ka na at malayo pa ang lalakbayin mo, anak." Mahinahon na sabi ni ina.
"Masusunod po." Pagkatapos niyang marinig ang sagot ko ay umalis na ito.
Mabilis naman akung pumasok sa banyo para maligo ng mabilis. Pagkatapos kung patuyuin ang katawan ay sinuot ko na ang luma ngunit malinis na itim na pantalon, isang itim rin na blusa. Kinuha ko naman ay nagtatangi kung combat boots at sinuot na rin iyon. Bago ako lumabas, sinuot ko na rin ang isang malakit jacket at itinago ang mukha sa hood nito.
Walang lingon-lingon akung lumabas sa aking kwarto at dumeritso na sa kinaruruonan ng aking mga magulang. Nakita ko naman na inihanda na ni ina ang mga kakailanganin sa aking paglalakbay habang tahimik at walang imik lamang si ama sa isang tabi.
Nang nakalapit na ako ay humarap saakin si ina at niyakap ako ng mahigpit. Niyakap ko rin siya pabalik.
"Anak, mag-iingat ka ha, alagaan mo ang sarili mo," Panandalian naman itong napahinto bago magpatuloy, "At b-bumalik ka dito, n-naiintindihan mo, anak?" basag na boses na pakiusap ni ina.
Mahinahon ko naman siyang tinignan. Ang ina kung mabait at mahinahon. Buong buhay ko hindi ko pa siya nakitang nagalit, parati siyang kalmado at nakangiti. Kabaliktaran sa aking ama na palaging walang imik at wala ring emosyon pinapakita.
"Babalik rin ako, ina."
Binitawan ko na siya at kinuha na ang aking mga gamit. Dumeritso na ako sa pintuan at bahagyang huminto. Nilingon sila. Paalam, ina at... ama.
Sinumulan ko na ang aking paglalakbay tungo sa Ponce, ang pinakamalaki at mayamang bayan kung saan gaganapin ang pagtatakda sa mga ka edad kung labing walo.
Ang lugar na kinamumuhian ko.
BINABASA MO ANG
Divergent Society
FantasyKapag sasapit kana sa edad na labing walo, kailangan mo ng mawala sa pader ng mga magulang mo. Maglalakbay ka sa isang mahabang biyahe patungo sa isang destinasyon na magtatakda kung karapatdapat kabang mabuhay o mamatay. Walang nang pakialam ang mg...