Chapter One

153 1 0
                                    

Sarah's POV

    Masakit na nag katawan ko,lalong-lalo na itong mga kamay ko, kakapagod kaya buong araw akong nakaharap sa computer, kakasulat ng mga advice na maibibigay ko sa aking mga readers na broken-hearted. Ba't ba naman kasi ang daming broken-hearted sa panahon ngayon, tuloy di matapos-tapos 'tong trabaho ko. Bukas ng umaga dapat na-publish na ang mga ito sa newspaper ng kompanya kung saan ako nagtatrabaho. So, dapat before mag 11 ng gabi, tapos na 'to, eh alas 10 na...kunti na lang matatapos na din ako. Nasa kalagitnaan ako ng trabaho ng biglang....

HOY!!!!!!!!

(Grrrr! Isa pa 'tong bestfriend ko eh, istorbo!)

"Ano ba Anne, pwede ba wag mo muna akong istorbuhin. Can't you see? Busy ako oh..."

"Anne: Sobra ka namang seryoso diyan."

"Eh, kailangan ko na kasing matapos 'to ng 11..kaya please, bawal muna istorbo ngayon..okay? Kita mo 'tong mga sulat dito, andami oh..nakakaloka!"

"Anne: Patingin...Hala! Andami nga niyan best. Grabe, laganap na talaga ang mga unfaithful, manloloko at mga heart-breaker ngayon noh?"

"Kaya nga. So, tsupi ka na muna please....Maawa ka nman saken.."

"Anne: Oo na. Pinuntahan lang naman kita dito kasi may taong naghahanap sa'yo sa labas."

"Ha? Sino na naman yan? Fan ko?"

"Anne: Hindi lang basta fan mo..manliligaw mo. Remember? Yung sinabi ko sa'yo?"

"Tigas din ng ulo eh no? Sabi ko di ba na hindi na ako nagpapaligaw?"

"Anne: Best, eh nandito na yung tao eh."

"Huh! Whatever! Kung sino man yan, paalisin mo na, pauwiin mo na. Sabihin mo na wag na akong hintayin, busy ako. Shoo! Sige na , bye!"

"Anne: Ito nman kung maka-"shoo"..aso lng ako ganun?...naku! o sige na, bye!"

"Bye! "

 Ilang sandali ay tapos na din yung trabaho ko. Kakapagod talaga, pero masaya naman ako sa outcome ng pagpapagod ko kasi madami din namang natutuwa sa ginagawa ko at nakakatulong din naman ako kahit papano. Di naman ako makakatanggap ng sandamakmak na mga sulat kong hindi. di ba?

 Sakto naman paglabas ko ng opisina ay nasa waiting area si Anne..sabay na kasi kami pauwi. Wala kasi siyang dalang sasakyan, coding kasi siya today. Paglabas namin ng building ay tanaw namin ang isang lalaking may bitbit na bulaklak.

"Anne: What? Andito pa siya? Eh, pinauwi ko na yan ah."

"hooh! Ano pa nga bang gagawin ko..labas na nman acting skills ko neto.."

"Anne: Sorry best. Promise, pinaalis ko na talaga yan kanina."

"Bahala na nga! "

 Malayo pa lang kami ay kitang-kita na namin ang ngiti ng lalaking yun, hanggang sa nakalapit na kami sa kanya.

"Suitor: Hi Sarah ^_______^ (wagas ng smile oh)"

"Hello.." (with a fake smile) "Hmmm.. magkakilala ba tayo?"

"Suitor: Ah..ako nga pala si Ronnie. Ron na lang for short. ^_^

"Anne: Hi. Di ba sabi ko na sa'yo kanina na umuwi ka na. Pagod na kasi si Sarah eh. Kailangan na namin umuwi.

"Suitor: Sorry..pasensya na talaga.

"It's okay. "

"Suitor: Ah..eto nga pala..flowers for you!

"Thank you. ahmmm... Sige ha..bye na. Kailangan ko na kasing umuwi. Nice meeting you, at thank you ulit dito sa flowers." (fake smile again)

"Suitor: You're welcome. Sige bye. ^_^ "

 Dali-dali nman kaming pumasok sa kotse.

"Grrrr! I hate flowers! oh eto..sayo na yan.."

"Anne: Hala! Grabe siya oh, kung makahagis akala mo nman basura. "

"Sabi ko nman kasi sa'yo eh...ayoko na magpaligaw. "

"Anne: Eh, best..why not give yourself another chance? Matagal na yun...move-on din pag may time.

"Anne, matagal na akong nakapag move-on. Kaya nga ayoko na eh kasi nakakapagod."

"Anne: Ang alin? Ang umiyak, masaktan at umasa? Best naman, lahat tayo dadaan talaga sa mga ganyan. Wala namang nagmamahal na hindi umiyak, masaktan at umasa. Part na yun pag nagmahal ka.

"Best, hindi ako humihingi ng advice. Ako yung nagbibigay. Kaya please...tantanan mo na ako diyan sa mahal-mahal na yan. Pagod ako..okay?"

"Anne: Best, gusto ko lang naman masaya ka eh. Subsob ka na kasi sa trabaho. Bigyan mo naman ng chance ang sarili mo na maging masaya."

"Best, masaya ako, okay! Masaya ako kung anong meron ako ngayon. Kaya wag ka ng mag-alala diyan. "

"Anne: Okay, ikaw ang bahala. "

Comment and vote na rin po..kung pwede?! hehe..thank you :)

God bless!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 03, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

"Think It Must Be Love"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon