Halos tanghali na nang magising si Lizzy. Hinilot niya nang bahagya ang nananakit niyang ulo dahil sa epekto ng alak na ininom niya kagabi. Napabalikwas pa siya at mabilis na hinablot ang bag at kinuha ang folder doon. Napangisi siya nang makita na nandoon ang kontrata at hindi lang iyon isang panaginip. She was already Mrs. Kristoff.
"It's not a dream Lizzy, Everything that happened yesterday was real. So get ready and pack your things."Utos niya sa sarili, mapait siyang ngumiti at kinuha ang kanyang maleta. She packed her clothes and put her important folders in a different bag. Matapos maihanda lahat ay nagpatawag na siya ng taxi. Ngunit matapos lang ng tawag na iyon ay biglang nag register sa monitor ng cellphone niya ang number ni Theo.
"Good morning ."
"Are you ready? I will pick you up."
"Nakatawag na ako ng taxi."
"Cancel it. I'm hanging up. I'm driving."
"Okay, bye." Sambit niya bago ito mawala sa kabilang linya.
Samantala, kakatapos lang matanggap ni Theo ang tawag mula kay Nick nang tawagan niya si Lizzy na susunduin ito. Nalaman niyang, nagkaroon na relasyon si Joseph sa isang babaeng nagngangalang Sophia Buencamino at natuklasan iyon ng dalaga kaya naman nakipagbreak ito agad sa binata. And what's worst, si Lizzy ang nagmukhang masama at lubhang napahiya ng komprontahin nito ang dalawa. Wala pang sampung minuto ay narating din niya ang apartment ng dalaga. It was not huge but not small. Pababa na siya ng kotse nang bumukas ang pintuan sa harap at bumungad ang dalaga na may hatak-hatak na maleta.
"Hi." Bati nito at mabilis niyang kinuha ang maleta dito. Lizzy smiled, and put her other bag on the back seat.
"Wala kang trabaho?" Tanong niya ng makaupo na siya sa tabi nito.
"I have a meeting later at 12. Ikaw?"
"Nope, I took a day off." turan niya at itinuon ang pansin sa kalsadang dinadaanan nila. Tahimik siyang napatulala sa daan habang binabalikan ang mga araw at panahong kasama niya si Joseph. Hindi niya inaasahang magagawa siyang pagtaksilan ni Joseph, gayong lahat naman ay ginawa niya para dito. Kahit pa ayaw sa kaniya ng mga kaibigan niya ay ipinaglaban niya ito. Hindi niya maiwasan ang hindi maghinayang sa twelve years na relasyong pinagsamahan nila. All her efforts are for naught.
Halos kalahating oras din ang naging byahe bago nila marating ang bahay ng binata. Nalula si Lizzy ng makita ang magarbo at napakalaking bahay kunu ng binata. If this is not a palace then what is it? Gustong matawa ni Lizzy, hindi niya alam kung masuwerte ba siya o sadyang masuwerte lang talaga siya.
"How is it?"
"Not bad, husband." excited niyang sagot at kinuha ang bag sa backseat, ngunit mabilis siyang napigilan ng binata at hinatak siya nito papasok sa mansion.
"Leave your luggage to the maids, let me show you our room." turan ng binata na ikinatawa niya. Yeah, let's go to our room. Mayamaya pa ay huminto sila sa harap ng malaking pintuan. Sa gara pa lang ng pintuan, alam na niya ang susunod dito. Pero kahit na inihanda na niya ang sarili sa makikita, hindi pa din maiwasan ni Lizzy ang hindi mamangha sa nakita. A king-sized bed stood at the middle of the room with silk like curtain on both sides na sa mga pelikula niya lang nakikita. Pumalakpak pa siya ng makita ang dalawang table na magkatabi sa di kalayuan sa higaan.The table was perfect for working at home. May computer at mga shelves at drawers na pwede niyang lagyan ng kanyang mga folders.
"Hindi ka din prepared, ano." natatawa niyang puna.
"Hmm. I assume you will somehow be working at home so I prepared one for you. Just next to mine."
"That is so sweet of you husband. Wife is happy." biro pa niya at tinapik ang balikat nito.
"That's good."Saglit itong natahimik at muling nagsalita. "Just so you know, wife, we will share one bed."
YOU ARE READING
WHEN I MARRIED YOU
RomanceAll 12 years are wasted. Parang naglaho lang ng parang bula. Ang labing-dalawang taong pagpaplano at pagmamahal ay tila ba isang basurang itinapon na lang bigla. Engage at nakaset na dapat ang kasal ni Lizzy at Joseph ngunit sa hindi inaasahang pagk...