Hindi sukat akalain ni Lizzy na aabot sa ganito.
All 12 years are wasted. Parang naglaho lang ng parang bula. Ang labing-dalawang taong pagpaplano at pagmamahal ay tila ba isang basurang itinapon na lang bigla.
She was in a mess.
Really in a mess.
"Lizzy, where are you?" tanong ng kaibigan niyang si Ady sa kabilang linya. She was sitting in a bar trying to drown her miseries with alcohol when Ady called.
Namumugtong mga mata, magulong buhok at tila ba nakipag-away sa sampung bakla. She never had thought that her fiance would cheat on her. At ang mas masakit pa, isa pa sa inaakala niyang kaibigan niya.
"I told you before, that man Joseph, Hindi talaga siya mapagkakatiwalaan. But guest what you told me? People change, at nagbago na si Joseph. Baliw kaba? Kailan pa naging isang anghel ang ipinanganak ng dem*nyo?" sermon pa sa kanya ni si Ady.
Adelaine doesn't want her friend to suffer but she needs to realize her wrong decisions. Kailangan nitong mahimasmasan sa katotohanang babaero talaga ang lalaking balak niyang pakasalan. And that Sophia? She is just a b*tch.
Pagod na tinitigan lang ni Lizzy ang baso niya habang patuloy ito sa pagsesermon sa kanya.
"Come on Liz, matalino ka, maganda, mayaman, bakit ka magmumukmok para lang sa tulad ni Joseph. The world is still beautiful, minus the Joseph and that b*tch Sophia. Oh well, they doesn't count as human anyways. Babalik ako sa topic. Move on girl, 12 years lang yan, if he can't be faithful to you in those twelve years. How can he be faithful to you forever, lalo kapag kasal na kayo?" pagpapatuloy ni Ady. Habang abala si Lizzy sa tinutungga niyang brandy.
" Stop, Ady what I need right now is someone who could kill that bastard. Hindi ko kailangan ang sermon mo ngayon. Now kung meron kang kakilalang hitman, introduce me. Mayaman ako, kahit magkano magbabayad ako." wika niya at biglang pinatay ang telepono. Hindi na niya hinintay na makapagsalita ulit ang kaibigan.
Tapos na siyang umiyak at pagod na siya. Tinatamad na din siyang uminom dahil alam niyang sasakit lang ang ulo niya kapag naglasing pa siya lalo. Kailangan pa niyang pumunta sa opisina bukas para sa mga pipirmahan niyang mga papeles.
"Theo, are you insane? Lucille is Mr. Hernz's daughter. Anong mali sa kanya?"
Napaangat ng mukha si Lizzy at napatingin sa mga bagong dating. Napataas pa ang kilay niya nang makita kung sino ang lalaking umukupa sa upuang malapit sa kanya.
He's none other than Theodore Van Kristoff. A celebrated business tycoon. Kilala ito sa business world at halos lahat ng markets ay hawak nito. Kilala din ito sa kanyang pagiging terror at cold boss. Minsan na din siyang natukso ng mga kaibigan dito, but that time, her life revolves around Joseph at wala siyang pakialam sa ibang lalaki.
Why not?
Napangisi lang siya at nakinig ng palihim sa usapan ng mga ito.
"Shut up Ron. We know what kind of b*tch she is. Ayokong magdagdag ng sakit ng ulo sa buhay ko."
"Fine, then tell me bro, paano mo ipapaliwanag kay uncle na hanggang ngayon, ang panganay nilang anak ay single pa din at wala pang balak mag-asawa?"
"Leave me alone. Kung gusto nila, sila ang magpakasal. I just don't want a b*tch ruining my life." matigas na turan nito at hindi na pinansin ang pinsan. Ronald heave out a frustrated sigh and left.
Lizzy shook her head in disbelief. She wanted to laugh but she knows it's really not a good idea. Kinuha niya ang kanyang baso at lumipat sa upuang katabi ng binata at tinawag ang waiter.
YOU ARE READING
WHEN I MARRIED YOU
RomanceAll 12 years are wasted. Parang naglaho lang ng parang bula. Ang labing-dalawang taong pagpaplano at pagmamahal ay tila ba isang basurang itinapon na lang bigla. Engage at nakaset na dapat ang kasal ni Lizzy at Joseph ngunit sa hindi inaasahang pagk...