THIRD PERSON POV:
Nagiinuman ang magtotropa na sina Trein, Tix, Kenne, Ximone at Niccolo habang naguusap hanggang sa mapunta ang usapan nila sa mga babae...
"Ang hina mo naman Kenne, ikaw na lang walang chicks satin oh." pang-aasar ni Ximone na hindi nauubusan ng babae dahil na rin sa angkin nitong karisma na hindi talaga matatanggihan ng kahit na sino man.
"Wag mo kong itulad sayo bro. Mas okay naman na ang walang chicks, kesa naman kung sino sino na lang pinapatulan." sagot ni Kenne sabay ngisi, siya ang pinaka-pihikan sa magtotropa, at talaga nga namang kakaiba ang babaeng napipili niya, kaya masasabi mong swerte ka kapag pinatulan ka ng isang tulad niya.
"Woah! Hahaha! Buti pa ko stick-to-one."
"P*kyu! Stick-to-one mo mukha mo, papalit palit ka nga din eh!" kung tutuusin ay tama nga naman ang sinabi ni Ximone, dahil kung siya ang nangunguna ay hindi maitatanggi na sunod sa kanya ay si Niccolo, wala pang babaeng umaabot sa kanya ng higit sa dalawang linggo.
"Edi lahat na tayo babaero! Pre, hindi naman natin kasalanan kung hindi tayo matanggihan ng kahit na sino. Pogi eh!"
"Puro kayo babae, hindi ba kayo nagsasawa?" sabat naman ni Tix, mabait yan, mabibilang mo lang sa daliri kung ilan pa lang ang naging babae niya, daliri sa paa at kamay dapat ha. Kasi kung tutuusin ay siya na ang pinaka mabait sa magtotropa.
"Nagsasawa na nga ko babe eh. Ikaw na lang kaya?" pabaklang anas ni Kenne.
"Fuck off. Kaya ka siguro nangangalawang ngayon kasi kami trip mo. Wag ganon bro." singit naman ni Trein, siya ang dahilan kung bakit sila nagiinuman ngayon, hindi niya na kasi alam kung anong gagawin niya sa babae niya, sobra kung makadikit kahit na hindi naman sila, at yun ang pinaka ayaw niya sa lahat ng babae.
Kung tutuusin ay madali lang para sa kanya na layuan ang babae, dahil wala namang sila, pero kahit papano naman ay nakakaramdam pa din siya ng awa dito, pinagyayabang na kasi nito na siya na ang pinakamatagal na babae sa buhay ni Trein, na hindi naman niya hahayaang mangyari. Mas importante pa din sa kanya ang binuo nilang rule na dapat nilang sundin, at wala din siyang balak na magseryoso lalo na sa ganung klaseng babae.
"Dude, ano nang balak mong gawin dun sa chicks? Sayang yun pre. Ganda pa naman, kaso takte grabe makadikit." malanding tanong ni Niccolo, totoo ang sinabi niya, kung tutuusin ay maaari nang magartista si Freia dahil sa angkin niyang kagandahan, pero dahil isa sa PB5 ang pinatulan niya ay walang epekto ang kagandahan na dulot nito.
"Ano pa nga ba, edi lalayuan." sagot nito, wala na siyang pakealam sa babae basta ang mahalaga ay malayuan niya na ito.
"Nice. Akin na lang yun ha. Mukhang magaling din gumiling eh." manyak na sabi ni Ximone.
"As if namang pagbibigyan kita, you're not Trein." biglang pagsulpot ni Freia, alam naman ng tropa na nagbibiro lang ito kaya hindi na sila nagsalita pa dahil na rin sa pagkagulat.
"Ohh. Haha. So kung si Trein ang magsasabi ay papayag ka? Tsk. Ayoko talaga sa mga makakati takte." pag-arte nito na parang naaalibadbaran siya.
"Hello, i'm not makati no! Trein oh, he's bullying me!" pagsumbong nito.
"Ano bang ginagawa mo dito?" hindi pagpansin ni Trein sa sumbong ng babae.
"Why? Are you surprised? I know you missed me so I went here." palanding sabi nito sabay lapit kay Trein.
"Hindi ko sinabi na namimiss kita kaya wag kang mag-assume. Tsaka hindi ka welcome dito kaya makakaalis ka na."
"What? I went here because you're not replying to my texts, even my calls tapos papaalisin mo lang ako? Are you out of your mind?" Inis na pagmamaktol ni Freia.
"Freia, look. Hindi ka naman required na magtext at magcall sa tropa namin. Kahit na ang pagpunta mo dito ay desisyon mo. Wag mong isisi kay Trein, sisihin mo ang sarili mo sa pagiging assuming mo." pagsabat naman ni Niccolo.
"I'm not talking to you Nic!" sigaw niya "So tell me huh? May iba ka na ba? Why are you being cold to me! Hindi ka naman ganyan noon!"
"Ano ba ko noon? Freia, don't act like we've been like this for years. Alalahanin mong hindi pa tayo umaabot ng isang buwan, at hindi mangyayari yon."
"What do you mean? Makikipaghiwalay ka na ba? You can't do that to me! Akala ko ba seryoso ka sakin ha?"
"When did I tell you na sineseryoso kita? Wala akong balak na gawin ang bagay na yan. So please stop being assuming." habang naguusap silang dalawa ay tila nanonood naman ng movie ang apat dahil sa pagaaway nito.
"So you're really breaking up with me huh? Okay!"
"That won't happen." biglang tugon ni Trein, kaya naguluhan si Freia.
"What?" akala nito ay pipigilan siya ni Trein na makipag hiwalay pero...
"I don't do break ups, because I never considered anyone as my girlfriend." sagot nito.
"What the hell! This can't be happening." hysterical na sambit ni Freia.
"Tama na yan. Makakaalis ka na Freia, tapos na ang eksena. Shoo." sabi ni Niccolo sabay pagpapaalis sa kanya.
"Stop! I will get out of this place! May sarili akong paa! Okay!" she said and went out "Arghhh!!!!!"
"Dude, shit that was amazing, magaya nga hahaha!" bulalas ni Kenne.
"Pano mo gagawin yon kung wala ka namang babae? Fuck bro, you're funny" pang-aasar ni Ximone.
"Tss. Pinanood niyo lang talaga ko. Kaibigan ko ba talaga kayo?"
"Alam naman naming kaya mo na yon eh." depensa ng kapatid niyang si Tix, mas matanda si Trein dito ng isang taon pero pantay lang ang turingan nito sa isa't isa.
"Pano ba yan, bro? Wala ka na ding chicks. Does that mean na kay Kenne ka talaga naka-tadhana?" pang-aasar ni Niccolo na labis na ikinatawa ng lahat.
"Para namang mauubusan ng babae eh. Alam niyong sating lahat ako ang pinaka nagugustuhan ng mga babae."
"Oy ako kaya!" - Ximone
"Alam kasi nilang wala kang taste. Habulin kaya ako ng babae!" - Niccolo
"Tss. Sino bang leader sating 5?" tanong ni Trein na nagpatahimik sa dalawa, at ikinatawa naman nina Kenne at Tix.
BINABASA MO ANG
LARQUE ACADEMY: SCHOOL OF MUSIC
Novela JuvenilPlayboy, Badboy, Chickboy, Heart-breaker, Two-timer, that's what they always call to the PB5. They are definitely playboys and badboys, their group name says it all. They don't care about anyone that can be hurt as long as they're enjoying. Never gi...