More Than Words by Westlife

1 0 0
                                    

Nandito ako ngayon sa tapat ng Adamson University habang nakasandal sa kotse ko at naghihintay na lumbas ang girlfriend ko.

"Girlfriend ko na malamig pa sa yelo"

Yah tama kayo ng pagkakabasa, ewan ko nga kung bakit ako nahulog sa babae na yon ehh.

Una palang sinabi na sakin ng nakararami na mahirap siyang mahalin dahil nga sa malamig niyang pakikitungo.

Pero dahil makulit ako at gusto ko talaga siya niligawan ko pa rin siya.

Isang taon ko siyang nililigawan at talaga namang masasabi kong mahirap manligaw sa kanya, tahimik lang siya at hindi siya showy. Hindi ko din alam kung ano gusto niya, masaya ba siya o ano.

Sabagay wala namang nagbago kahit sinagot niya ako ehh, ganun pa din siya. Tahimik lang siya palagi kahit magkasama kami, alam mo yung ang lapit niya pero di ko pa din siya maabot?

Lagi niyang sinasabi na mahal daw niya ako at masaya siya na ako ang boyfriend niya pero lagi akong napapatanong ng "bakit hindi niya kayang ipakita sa akin?"

One day tinanong ko siya kung bakit pero iniba niya lang ang topic kaya hindi ko na pinilit.

Nakita ko siyang lumabas ng gate kaya naman umayos ako ng tayo at ngumiti sa kanya, nagulat lang ako kasi nakangiti na pala siya bago pa ako ngumiti sa kanya.

"Hi love" sabi niya ng nakangiti sabay halik sa pisngi ko at yakap pagkatapos.

Nagulat ako sa pinakita niya dahil usually naman ay tatanguan niya lang ako at babati tapos ay papasok agad sa kotse.

"What's with you love? May nangyari bang maganda?" Tanong ko sa kanya at pinagbuksan siya ng pinto.

Pumasok na siya sa kotse kaya naman umikot na ako sa kabilang pinto para makaalis na.

"Nothing love haha I just missed you" sabi niya ng nakatitig habang nakangiti sa akin.

Shet kinikilig ako sa bebe ko hahaha!

"Hhmm I missed you too love dahil dyan ititreat kita hahaha" nagulat naman ako ng bigla siyang lumapit sakin at kiniss ako ulit sa pisngi.

"Thank you love" sabi niya at bumalik sa pagkakaupo ng ayos.

Nagugulat na talaga ako sa kinikilos niya, dati di siya nagrereact ng ganun, ni wala ngang kiss ehh basta salamat lang.

Sinindihan ko ang radyo at saktong nag play ang favourite kong kanta.

Saying I love you
Is not the words
I want to hear from you
It's not that I want you
Not to say
But if you only knew

Sasabayan ko na sana yung kanta ng bigla niyang pinatay yung radyo kaya napatingin ako sa kanya pero ngiti lang ang iginanti niya.

"I want to tell you something love" sabi niya ng parang nahihiya siya at kinakabahan kaya medyo kinabahan din ako.

"Go on love I'm listening" Ibinalik ko sa daan ang tingin ko.

Narinig ko muna ang buntong hininga niya.

"Love I'm sorry kung masyado akong naging cold sayo, nararamdaman ko na nahihirapan ka sa pakikitungo ko sayo. Yes palagi kong sinasabi na mahal kita at masaya ako pero hindi ko naman kayang iparamdam sayo"

Naramdaman ko yung lungkot na iniinda ko matagal na, tinignan ko siya at nakayuko lang siya habang nilalaro yung kamay niya.

"Ewan ko din love kung bakit pero may part sakin na natatakot akong maiwan at masaktan kaya dinidistansya ko ang sarili ko at alam ko na mali yun, I'm really sorry love promise from now on ipaparamdam ko na sayo kung gaano kita kamahal"

Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil yun kaya napatingin ako sa kanya.

"It's okay love, I love you" sabi ko sa kanya ng may ngiti sa aking labi.

"I love you love" ganti niya pabalik.

Our SongsWhere stories live. Discover now