Sana by I Belong to the Zoo

1 0 0
                                    

6:00 pm

Saktong dumating ako sa harap ng Barb's caffe, umuulan at malamig ang simoy ng hangin kaya naman dali dali akong pumasok sa loob.

Hindi ko maiwasang mapangiti tuwing makikita ko ang lugar na ito. Paboritong lugar na tambayan namin ni Meir, kasintahan ko.

Dumeretso na ako sa dulong bahagi at doon ko siya hinintay. Kita ko ang mga tao sa labas na may kanya kanyang payong, meron ding magkasalo at meron ding hinayaang mabasa sa ulan.

Lumipas ang isang oras, dalawang oras, tatlong oras, apat na oras. Walang Meir na dumating. Hindi ko maiwasang hindi kabahan dahil wala man lang itong tawag o text.

11:37

Magsasara na ang caffe kaya naman kinuha ko na ang gamit ko at lumabas, dama ko ang malamig na salubong sa aking ng hangin at bahagyang naanggihan ng ulan.

Kinuha ko ang cell phone ko at kasama ang earphone pagkatapos ay pinasak ko sa tenga ko para mabawasan ang kaba.

Naghihintay ako ng taxi, biglang may dumaan sa harap ko pero saktong may kumagat sa paa ko kaya nabaling don ang atensyon ko. Kinagat ako ng langgam.

Kakamutin ko na sana ang paa ko ng bigla akong napatigil at natuod sa kinatatayuan ko.

Umuwi ng tila ba
Lahat nagbago na

Alam ko, kahit hindi ako lumingon, alam kong siya yon.

Nawalan na ng
Sigla ang yong mga mata

Lumagabog ng malakas ang dibdib ko at nanginig ang mga kamay ko.

Ngayon ko lang naramdaman
Ang lamig ng gabi

Pilit kong pinapalakas ang loob ko kahit nanlalambot na ang mga tuhod ko.

Kahit na magdamag na tayong
Magkatabi

Kinakabahan man ay nilingon ko na ng tuluyan ang taong pinanggalingan ng pabango.

Bakit ka nag-iba?

Sabi ko na nga ba. Hindi ako pwedeng magkamali dahil alam kong pabango ni Meir ang naamoy ko.

Meron na bang iba?

Parang gumuho ang mundo ko nang makita ko ang Meir ko na pinapasaya ng dati niyang mundo na ako dapat ang gumagawa, nanggilid ang mga luha ko.

Sana sinabi mo
Para di na umasang may tayo pa sa huli

Hindi alintana ang lamig ng hangin ay naglakad ako sa direksyon nila. Bawat mabigat na hakbang ay katumbas ng alaala ko sa kanya.

Sana sinabi mo
Hahayaan naman kitang sumaya't umalis

Kung paano ako hindi umalis sa tabi niya nung iniwan siya ni Leigh para maramdaman niyang hindi siya nag-iisa, para makita niya ang nararamdaman ko at para ako naman ang mapansin niya.

Sana sinabi mo
Para di na umasang may tayo pa sa huli

Nung dumating yung panahon na nakita niya na ang nararamdaman ko, nung ako naman ang napansin niya, nung ako naman ang niligawan niya. Pero alam ko sa sarili ko na kailanman ay hindi niya ako minahal.

Sana sinabi mo
Hahayaan naman kitang umaalis

Napangiti ako ng mapait ng maalala lahat nang yon. Saktong pagdating ko sa harap nila ay siyang paglingon nila sa gawi ko.

Napawi ang mga ngiti sa mukha nila at unti unting napalitan ng gulat.

Ngumiti ako ng pilit at humarap kay Leigh. "Kamusta ka na Leigh? Tagal kitang hindi nakita ahh?" Nagpasalamat ako ng hindi nabasag ang boses ko.

"A-ahh haha a-ayos naman ako Law masaya akong makita kang muli" halata ang ilang sa boses niya.

Masaya ka nga bang makita ako o nalulungkot ka kasi akala mo kukunin ko na siya sayo?

"Kaya pala nakalimutan mo ang anniversary natin Meir kasama mo na pala ang talagang nagma-may ari sayo. Pasaway ka nag hintay ako ng apat na oras don ni hindi ka man lang nag text o tumawag" pabirong sermon ko kay Meir ng balingan ko siya at nakita kong hindi siya mapakali.

"Law mag papaliwan-" pinutol ko ang sasabihin niya.

"Masaya ka ba?" Tinapangan ko ang loob ko at pilit na binuo ang boses ko.

"A-ano?" Naguguluhan niyang tanong sa akin.

Ngumiti ako at pagkatapos ay huminga ng malalim.

"Masaya ka ba?" Ulit ko sa tanong ko.

Sabihin mo lang na hindi ka masaya ipaglalaban kita at hindi ko hahayaan na makuha ka niya.

Pero parang binomba ang dibdib ko sa sakit nang marinig ko ang sagot niya.

"Oo Law. M-masaya ako, I-Im s-sorry" utal na sagot niya at napatungo sa sapatos niya.

"Hahaha yun lang ang gusto kong marinig" hindi ko alam kung pagak ba o mapakla ang tawa ko basta bago pa tumulo ang luha ko ay hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi at hinalikan ko siya sa noo.

"I love you Meir, I always do." Bulong kong sabi sa kanya at narinig ko ang hikbi niya at paulit ulit na humingi ng tawad.

Binalingan ko si Leigh at bakas ang konsensya sa mukha niya kaya napangiti ako.

"Ingatan mo na siya ha? Wag mo ng pakawalan. Inalagaan ko yan nung wala ka at dahil don nakalimutan kong hindi siya sakin, na may hinihintay lang siyang bumalik" pagkasabi non ay tinapik ko ang balikat niya pagkatapos ay tumalikod sa kanila at tumakbo sa ulan habang patuloy na umaagos ang mga luha ko sa aking mukha.

Sana hindi nalang ako nagbulag bulagan

Sana tinanggap ko nalang na kahit kailan ay hindi magiging tayo

Sana hinayaan nalang kita

At sana hindi nalang ikaw ang minahal ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 04, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Our SongsWhere stories live. Discover now