4

2 0 0
                                    

Dane's POV

"hey babyyyyyy, surpriseeee. Happy 1st anniversaryyyyy" nakangiting bati ko habang hawak ang cake sa kaliwang kamay at balloons sa kanang kamay nang pumasok ako sa kwarto nya.

Pero imbis na masurprise ko sya ako ang nasurprise. Yung boyfriend kong iniintay kong batiin ako ng happy 1st anniversary ay may katabi sa higaan nyang iba. Ang babaeng pinakilala nya sakeng kaibigan nya, ay syang katabi nya. Mahimbin na natutulog sa mga braso nya habang nakayakap sakanya. Dahilan para manghina at mapa iyak ako. Yung lalaking pinagkatiwalaan ko makikita ko mismo sa harap ko na niloloko na pala ako.

Nagmamadali syang tumayo sa higaan at lumapit saakin gusto ko nang umalis sa loob ng kwarto nya pero hindi ko magawa. Nanghihina ako. Hinawakan ni zild ang kamay ko. ang akala ko ay hihingi sya ng sorry pero hindi. Hinatak nya ko paalis sa kwarto nya pero biglang nagsalita yung babae nya

"babe" wika ng babaeng nakahiga sa higaan nya at unti unting dinilat ang mata. Binitawan ni zild ang kamay ko at lumapit sa higaan nya

"wait lang babe, babalikan kita dyan ok? dyan ka lang pahinga ka muna. ok? iloveyou" sbi nya at hinalikan ang babae sa noo. Patuloy na tumutulo ang mga luha ko. Malinaw na. Malinaw na saaking mas pinipili nya ang babae nya. Gusto kong sampalin yung babae pero di ko magawa. Gusto kong hatakin ang buhok ng babaen yon at kaladkarin palabas ng bahay nila zild pero di ko magawa.

"Let's go" seryosong wika ni zild at hinatak ang kamay ko pababa sa hagdan. Pilit kong hinahatak ang kamay ko para bitawan nya pero di nya binitawan.

"Bakit ka ba kase pumunta rito?" naiinis na sabi nya pagkalabas namin sa pinto ng bahay nila.

"isusurprise sana kita dahil 1st anniversary natin pero ako yung nasurprise. Akala ko mahal mo ko pero hahahahaha ok lang. Sana hiniwalayan mo muna ako bago ka kumama ng iba." sabi ko at akma nang aalis ng hawakan nyang muli ang kamay ko.

"Sorry. Girlfriend ko na si Jannah bago pa tayo ulit magkita last year. Sya yung sinasabi kong ex ko na nang iwan sakin. Ayaw kong gawin sayo to pero mas mahal ko si jannah, dane. Sya lang mula noon hanggang ngayon. Sorry." sabi nya at sinara na ang pinto







**

The Game Is OverWhere stories live. Discover now