Laureen's POV
You thought Everything is perfect. Akala ko siya hanggang dulo, habang buhay. Akala ko tutuparin namin ang mga pangarap namin sa isa't isa. Na makapagtapos ng pag-aaral magkasama at hanggang sa pagtanda. Hindi pala. Lahat ng mga pangako na sinabi niya ay di natupad at iniwan akong umiiyak para sa kanya.
Ako nga pala si Laureen Mariano. 14 years existing in earth. Nabiktima ng Forever at isa sa naging characters ng 'alamat ng tanga'. Used to believe in forever and always at may sakit na Philophobia. HAHAHAHAHAHA joke lang yung sakit, pero kung alam niyo yung meaning ng Philophobia, you'll understand me.
Nawalay na ko sa magulang ko nung ako'y 6 years old palang dahil sa isang car accident, only child ng pamilyang Mariano. Ako ngayo'y lumalaki sa lola kong ubod ng bait.
Currently studying at QC highschool at 3rd year student na bukas.
Ako ngayon ay nakahiga sa kama ko at nagbabasa ng dati naming mga messages. Tinatanong sa sarili ko kung ano ang nagawa kong mali at iniwan niya ko.
From: Markybabe :**
Babe :* Kain ka na po ha? Wag ka po magpalipas :) Ayoko pong nagkakasakit ka :( Payat ka naman po :( Wag ka din po masyadong magpagod mahal ko :) :( MAHAL NA MAHAL PO KITA :* MAHAL NA MAHAL NA MAHAL NA MAHAL NA MAHAL To infinity and beyond :* HINDING HINDI PO AKO MAGSASAWANG MAHALIN KA, Tandaan mo po yan ;).
received: 06/06/**
From: Markybabe :**
Thank you for everything babe :**. Hi babybabe, Sweetheart, My Hawaiian pizza :') and soon to be my future gf, future wife and the mother of my children :** Thank you for the time you spent on me :) MAHAL NA MAHAL KITA and always remember na i will be right by your side always at hindi kita iiwan :* :) ;) Diba sabi ko sayo that I will wait :) Kahit bawal ka pa mag boyfriend, hihintayin kita makapagtapos ng college at after your graduation na nakasuot ko ng itim na toga, Lalapit ako sayo kasama ng pamilya ko at pamilya mo at ihihingi ng kamay mo, magandng binibini bilang gf ko at sa susunod luluhod sa harap mo at tatanungin ka na 'will you marry me?' at sa pagdating ng panahon ay sasagutin natin ang tanong ng padre at isasagot ang dalawang salita na'I do' at hahalikan at magsusumpa sa harap ng diyos, at ng pamilya natin na mamahalin natin ang isa't isa, sa hirap at ginhawa at hanggangsa tumanda :* I love you babe :* I love you my one and only Laureen :* ;) :') Ikaw lang at wala ng iba :** Happy 8th monthsary babe :**
received: 08/15/**
Last year pa pala to. Nung 2nd year hs student pa ko. Di ko pa magawang idelete kasi ito nalang ang alala niya sa akin. Eto yung panahon na lagi akong inspired mag-aral. Panahon na siya ang dahilan ng mga pag ngiti ko at panahon na sa kanya lang talaga naka focus ang attention ko. Pero isang araw..
*Flashback*
09/20/**, 5 days after ng 11th monthsary namin. Sobrang saya ko at ilang araw nalang ay Anniversary na namin. I spent every saturday afternoon na kausap siya on phone. Pero..
"Babe, goodafternoon. Kumain ka na ba?" sabi ko at sobrang saya ko na nakapag usap kami. Pero di siya nagsasalita
"Babe?" yan nalang ang sinasabi ko ng paulit ulit.
"Babe? I love you, Mahal na mahal kita" nasabi ko nalang to kahit di siya nagsasalita. nagbabaka sakali na mag 'i love you too' siya.
"Hello? Sino to?" sabi ng isang babae sa kabilang linya. Di ko napansin na naka conference call pala ito sa ibang babae.
"Ako dapat ang magtatanong, sino to?" sabi ko ng nagpipigil ng di ko malaman na emosyon.
"Ako nga pala si Georgina. Girlfriend ni Mark. Sino to?" Nagulat ako sa sinabi niya at agad kong binaba ang tawag.
Pinipilit kong di umiyak, malay natin di totoo yung diba. Saka, di naman magagawi ni Mark yun diba? Sabi niya ako lang mahal niya diba? Na hihintayin niya ako. Diba? Itetext ko na si Mark nun at itatanong kung sino yung naka conference namin kanina, pero nagtext na siya.
From: Markybabe :**
Laureen, sorry. Di ko nasabi sayo. Habang nililigawan kita, may girlfriend na ko. Si Georgina yun. I'm really sorry Laureen. Pero kung pwede lang, kalimutan mo na lahat. Kalimutan mo yung panliligaw ko sayo, kalimutan mo lahat ng pinangako ko sayo kasi di ko itutupad yun sayo. Kay georgina na, Mahal na mahal ko siya at di ko kaya na wala siya. Sorry Laureen. Pero please, Leave US alone.
received: 09/20/** | 03:15pm
Di ko kinaya ang binasa, gusto ko ibato ang phone ko. Gusto ko ibto sa pagmumukha nila pero di ko magawa kasi mahal kyung phone ko at pinaghirapan to ng magulang ko bilhin para sa akin.
Di ako makaharap sa pamilya ko sa oras na yun kasi naiiyak ako. baka pag umiyak ako sa harap nila, madaming tanong ang maririnig ko galing sa kanila. Tinext ko nalang agad si Alex, best friend ko since 1st year hs ako. Malapit lang naman bahay niya sa amin. Sabi ko na pupuntahan ko siya, pumayag naman siya.
Nagpaalam ako sa magulang ko at pumayag naman sila, wag lang daw akong gabihin ng uwi. Nagpalit ng damit at kumuha ng 2 panyo at nilagay sa bulsa ko. Just in case, alam niyo na yun.
Pumunta ako agad kila Alex, binilisan ko ang lakad ko kasi di ko na kaya. Parang maiiyak na talaga ako. Habang naglalakad ako, tawag ng tawag si Mark. Binababa ko lang yung mga tawag niya kasi di ko kaya marinig boses niya at baka maiyak pa ako ng wala sa oras.
Malapit na ako sa bahay nila Alex, ilang lakad nalang. Susulyap ako sa phone ko ng '1 new message''
From: +63906****chuchu
Hi, ako nga pala yung gf ni Mark. Sinabi naman niya sayo diba? You btch!! Nilalapitan mo parin siya. How dare you. Tss. Just leave US alone. Wag mo ng kausapin si Mark.
received: 09/20/** | 03:45pm
Gusto kong umiyak. Pumasok ako agad kila'y Alex.
"O? Bakit?" pagtataka niyang tanong at hinawakan niya mukha ko. Inalis ko kamay niya sa pagkahawak sa mukha ko at inabot ang phone ko sa kanya para basahin lahat ng message na natanggap ko ngayon ngayon lang.
Umiiyak ako ngayon sa harap niya at sa gate. Di ko mapigilang di umiyak. Maya maya at nagsalita na din si Alex.
"Grabe naman to. Pinaasa ka. Nangako na ikaw lang mahal niya tas malalaman mo nalang na may gf na pala siyang iba tsk tsk"
Iiyak bako o hindi? Prang nawasak yung mundo ko, sinabi ko sa kanya lahat lahat. Pero may isa akong natutunan sa kanya; Next time, wag mo ibigay ang mundo mo sa taong di kayang ibigay ang mundo niya sayo.
Iniyak ko nalang lahat, habang nagseselfie si Alex sa phone ko. Binigay niya rin sa akin uli at naglaro n siya ng badminton sa labas at ng nagblink yung phone ko.
Incoming Call : Markybabe :**
Wala akong choice, baka magsorry siya diba? Baka nagsisi siya at naramdaman niya yung sakit na nararamdaman ko, baka nalaman na nya ang mali niya, kaya sinagot ko parin yung tawag niya.
"Bakit?" Di ko alam kung magagalit ako o magiging masaya pero sa totoo lang, masaya ako kasi narinig ko yung boses niya kahit sa ganitong klaseng panahon na alam ko na lahat.
"Sorry" Boses niyang humihingi ng tawad talaga, yung talagang nangingiyak na siya.
"Sorry? Sorry lang? Sa nagawa mong yun, Sorry lang hiningi mo? Di mo ksi alam kung gaano kasakit eh" Sabi ko sabay baba ng tawag. Iyak nalang ako ng iyak nun. Di ko mapigilan. Ikaw ba naman mawalan ng taong minahal mo ng sobra? Mawalan ng dahilan ng mga ngiti mo araw-araw.
*end of flashback*
Masakit na. Yan, flashback pa more -_- makatulog na nga lang. First day of class pa bukas..
BINABASA MO ANG
Second Chance ♥
Teen FictionMinsan kahit gaano kaganda, kabait, at katalino ang isang tao, hindi pa rin niya magawang maging masaya. Si Laureen Mariano ay isang broken hearted na babae dahil sa isang lalaki at nangako sa sarili na di na iibig pang muli. Magbabago kaya ito dahi...