《 Justin's POV 》
Nakauwi na din ako. Wala si pa si mama at si papa. Kaya kasama ko ngayon si Manang.
"Manang, wala pa si Mama?" tanong ko kay manang.
"Wala pa iho eh. Ay, di ka ba muna kakain?"
"Ah di na po, Thank you nalang" sabi ko sanay diretso akyat sa kwarto ko.
Nagshower agad ako, pagkatapos, tinext ko agad si Laureen. Nagtataka kayo paano ko nakuha number niya no? Ganito kasi yun..
*Flashback*
English time. Busy sila Alex at Laureen makinig dun sa teacher namin. Pogi daw eh. Para sa akin, BAKLA.
"Huy brad" may nagsabi sabay tapik sa likod ko. Sino kaya yun? Paglinhon ko, si Wade lang pala. Wade Ramos, kaparehas kong pogi at varsity player. Parehas kaming transferee. Ba't kaya di ko siya nakita kanina?
"Ba't di kita nakita kanina brad?" tanong ko.
"Kakapasok ko lang eh" hay nako, kahit kailan talaga tong lalake na to. sabagay, after namn ng recess ay english time eh. Posibleng mga recess siya pumasok at di ko nakita kasi nasa canteen ako kasama si Laureen at Alex.
"Dami palang chix dito brad" nanchix pa? kahit kailan talaga oh.
"Sinabi mo pa. Ang bilis mo namang manchix?"
"Ganun talaga. Iba talaga pag pogi at macho." sabagay may point siya hahaha parehas lang kami eh.
"Ay tol, may number ako ng mga kaklase natin" di nalang ako nagfocus sa sinabi niya kasi alam ko na wala siyang numbrer ni Laureen. "Number ni Geraldine, Ashley, Susan, Lucy, Alex.." wait, alex ba sabi niya?
"Alex ba kamo?" singit ko sa kanya.
"Oo, chix mo ba?"
"Nope, eto lang oh, katabi at kakilala ko. Bigay mo sa akin # at may itatanong ako sa kanya"
"Ano nanaman yun?"
"Number ng kaibigan niya" sabi ko na paramg kinikilig. Eww. Bading pakinggan.
Maya't may nag ring yung phone ko.
From: +63908*******
Name: Alex
Number: +63905*******
"Bilis ah, Thanks brad!" sabi ko sabay high five sa kanya.
Lunch time na at di ko namalayan na umalis na sa room ang dalawa at ang klase kaya't naiwan kami dito ni Wade.
"Seryoso brad? Para saan yung number? Ngayon ko lang nakita or napansin na manghingi ka number ng babae haha" sabi niya. Dami ko atang pagbabago this school year ah.
"Wala brad. May itataning lang ako, eh nahiya akong tanungin sa kanya sa personal eh."
"Ano yun? Kung pwede manligaw? Hahaha. Aray!" binatukan ko nga, di nagseseryoso eh.
"Di, hingiin ko yung number nung best friend niya." seryosong sagot ko.
"Seryoso ka brad? Di gaano maganda yun ah. May mas maganda pa daw sa lahat ng babae dito. Papasok daw sa next week galing ibang bansa."
BINABASA MO ANG
Second Chance ♥
Подростковая литератураMinsan kahit gaano kaganda, kabait, at katalino ang isang tao, hindi pa rin niya magawang maging masaya. Si Laureen Mariano ay isang broken hearted na babae dahil sa isang lalaki at nangako sa sarili na di na iibig pang muli. Magbabago kaya ito dahi...