Laureen's POV
Ingay ni Alex porebs ugh. Ang awkward din namn kasi nun eh. Alam naman niyang crush ko si Justin. Ugh. Pero iwas crush. Ayoko ng masaktan. Sawa na ko.
"Ok ka lang?" Bulong ni Alex sakin. "Lalim ng iniisip mo diyan".
"Wala may naalala lang ako."
"Sino? Si you-know-who? Ung kupal mong ex? Tsk kalimutan mo na un. Andiyan naman si papa justin eh" lokaret kong bestfriend.
"Tumigil ka at baka matulak kita diyan palabas ng sasakyan."
"Di na kailangan kasi andito na rin tayo sa tapat ng school"
Oo nga no, di ko napansin. Di man lang nagsabi si justin na andito na kami.
"See you later girls!" Sabi ni justin at kaway palayo samin.
Bading ba siya? Tss. Dumiretso na kami sa classroom. Wala pa naman ung teacher namin. Ok lang yan. Cr muna ako.
"Saan ka punta?" Ay si justin lang pala.
"Cr lang, sama ka?"
"Kung pwede lang" sabay kindat. Eww. Mukhang manyak.
Dumiretso lang ako papuntang cr. Pagpasok ko nakita ko si Lovi na nagreretouch. I don't mind her, she's a bitch.
"Well, ang hiniwalayan ni Mark" gahd aga nang insulto. Bigla namang lumabas si georgina sa cubicle sa cr.
"Wala nakong gana mag cr, excuse me."
"Hahaha saya ba? Iniwan ka ng 'one and only' mo?" the bitch told me, emphasizing the phrase 'one and only'.
"Ah si mark ba? Haha naging sila ba? Di naman siya type ni Mark diba?" epal pa tong friend niya.
"Di naman talaga, kaya nga ako ung gf niya ngayon" oo sila, going strong. mag 1 year na.
"Edi kayo na, stay strong ha?" i said habang palabas ng cr. Di ko mapigilan umiyak.
"Dadrama ka nanaman, late ka na kaya ng 10 minutes" pagtingin ko, si Justin lang pala.
"Dali na, nagpaalam pa ko na hanapin kita" tumayo na ako sa pagkasabi niya. "Wag ka na umiyak, di bagay" sabay bigay ng panyo. Nasa tapat na kami ng classroom at tumigin siya sakin at hawak sa mukha ko.
"Magiging okay ka lang, ok?" sabi niya at ngiti.
"Okay"
"Ms. Mariano? Why are you late?" okay terror teacher.
"Kasi po..." "Nakita ko po siya sa clinic ma'am, humingi po na gamot kay nurse kasi po nahihilo daw po siya." di na ako natapos sa dahilan ko kasi siningitan ako ni Justin.
"Okay maupo na kayo" "You owe me" bulong ni Justin sa akin. Owe what?
BINABASA MO ANG
Second Chance ♥
Teen FictionMinsan kahit gaano kaganda, kabait, at katalino ang isang tao, hindi pa rin niya magawang maging masaya. Si Laureen Mariano ay isang broken hearted na babae dahil sa isang lalaki at nangako sa sarili na di na iibig pang muli. Magbabago kaya ito dahi...