chapter 1

65 0 0
                                    

HER POV

" I already made a decision, Yuri. It's settled."

Parang gusto kong maiyak sa narinig ko mula sa lolo ko. I can't believe this is happening to me!

" Lolo.. You're joking, right?", pilit ko pa ring iniisip na binibiro niya lang ako.

Hindi talaga pwedeng mangyari ang gusto niya. Hindi ako makakapayag.

" Mukha ba kong comedian sayo mahal kong apo?"

" Hindi po pwede ang gusto niyo", tulala kong sabi.

" Bakit?"

" Because that's ridiculous, Lolo!", di ko na napigilan. Ipinadyak ko ang paa sa sahig.

" Hindi magandang simulan ang araw na mainit ang ulo, Yuri", sabi lang nito sabay higop ng kape at prenteng nakaupo at nagbabasa ng diyaryo.

Nagaalmusal kami ng mga oras na yon.

Di ko pa nakakalahati ang pagkain ko pero parang busog na ko.

Sinubukan kong makiusap ulit.

" Can you please reconsider it, Lolo? Panghabangbuhay ko po ang pinaguusapan natin", nanghihina kong pakiusap.

" I know what I'm doing."

" But you never asked for my permission.."

" I know."

Wala akong nagawa kundi ang mapakamot sa ulo.

This is crazy.

" Whether you like it or not, you are going to marry my bestfriend's only grandchild, Shaun Tan", pormal na sabi ni Lolo.

Napabuntong-hininga ako. " Why are you doing this to me? Gusto niyo bang maging miserable ako? Pano kung yung gusto niyong mapangasawa ko eh may malala palang topak sa utak?"

" Ano ba yang naiisip mo Yuri..", parang asar na sabi nito.

" You can't do this to me."

" Yes I can."

Napayuko ako. I should have known this. Dahil bago pa man ako pinanganak ay engaged na ko.

I am going to be the wife of someone. And guess what, I'm only 16 years old!

Kaka-16 ko lang last week. Ni hindi man lang inantay na mag-18 ako bago ako ipakasal. San ka nakakita ng ganon?! Sobrang nagmamadali. Besides, yung lalaking pakakasalan ko eh 25 years old na!

I don't know what happened to Lolo at pumasok sa isip niya ang ganitong ideya.

" Have you met him personally? How come na nasabi niyong mabait siya?", tanong ko ulit.

Aside from the fact na 16 years old pa lang ako kaya ayokong magpakasal, hindi ko pa nga nakikita ni anino o kahit dulo ng daliri ng Shaun Tan na yun.

Medyo exaggerated. Actually, nakita ko na siya pero sa picture. Of course, apo siya ng bestfriend ni Lolo na si Lolo Jin. Ayon kay Lolo, sa states kasi ito tumira at lumaki.

Kung tutuusin, di naman ako lugi. Sa picture pa lang, gwapo na. Sobra. Siya yung klase ng lalaki na gustong makasama ng lahat ng babae.

Pero he's totally stranger pa din. Picture lang yon eh. Malay ko ba sa personal?

" I know, because he's Jin's grandson."

" And so?"

" Besides, maganda rin ang record niya. He graduated in harvard with flying colors. At young age, maalam na siya sa pagpapatakbo ng negosyo nila though marami pa siyang dapat matutunan. But still impressive. 22 years old pa lang siya non, nagawa niyang mapalago ang negosyo nila. Di lang yun, compatible kayo dahil pareho kayong nagiisang apo. Medyo nauna nga lang siyang ipanganak dahil nauna kasi magasawa ang Tito Vince mo."

My Sweet SixteenWhere stories live. Discover now