chapter 2

59 0 0
                                    

HER POV

" Subukan mo kayang ngumiti para kinakapitan ka ng positive energy?! Eh mas mahaba pa yang nguso mo sa buhok mo eh."

Tiningnan ko lang ng masama si Mike.

Nagkibit-balikat lang ito. " Anong gagawin natin? Ikaw si Yuri Zhang eh."

Nagpapapadyak ako sa sahig. " Naman!", ginusot ko ang buhok ko. " Gusto ko ng mawala na parang bula."

Agad inagapan ni Mike ang kamay ko. " Bakla ka! Alam mo bang mahirap mag-ayos ng buhok?!", nandidilat niyang sabi sakin.

Yumuko ako.

Ngayong araw na to, makikilala ko na ang lalaking tatapos ng kabataan ko. Makikilala ko na ng personal si Shaun Tan.

Pakiramdam ko, isa akong kriminal na sinentensiyahan ng death sentence. Nakakabaliw!

Nasa kwarto ko kami ngayon. Kasama ang bestfriend kong si Mike na bakla.

Si Mike ay anak ng kasosyo ni Lolo sa isa sa mga negosyo namin. Ang pamilya Villasanta na siyang kinabibilangan niya ay isa sa pinakamayayamang pamilya ng bansa.

Tuwing magkasama lang kami ni Mike nailalabas niya ang kanyang pagiging gay. Di to alam sa pamilya nila. Siya kasi ang inaasahang magdadala ng apelyido nila. Dalawa lang kasi silang magkapatid. Ang ate niya at siya. Malas niya, siya ang lalaki.

Kaya magbes tfriend kami dahil ako lang ang nakakaalam ng sikreto niya. Bukod pa sa magkaklase kami eversince sa eskwelahang pagmamay-ari din ni Lolo.

Minsan, tinanong ko siya kung di ba siya nahihirapan magkunwari. Sabi niya, mahirap kasi di niya magawa ang gusto niyang magawa. Pero di naman yung point na nagkocrossdress na siya at nagmemake-up. Though nagkakagusto siya sa lalaki.

Kung minsan, di ko maiwasang maawa sa kanya. Pero kung ikokompara sa pinagdadaanan ko, siyempre mas kawawa ako.

Ikaw ba namang ikasal sa edad na 16 sa taong di mo kilala? Matutuwa ka ba?

" Tanggapin mo na lang bhessie", tinabihan ako ni Mike sa kama at inakbayan. " Ganyan talaga ang buhay. Minsan malupit."

" Nasasabi mo yan dahil di naman ikaw nasa kalagayan ko", lulugo-lugo kong sabi.

" Hoy bakla! Wag masyadong madrama!", binatukan niya ko. " Choosy ka pa?! Pogi nga niya eh."

Nakita niya na kasi ito sa picture.

Inangilan ko siya. " Sino sabi sayong batukan mo ko?!"

Nagtaas siya ng kilay. " Bestfriend mo ko eh."

Napabuntong-hininga ako.

" Ngumiti ka girl", pagchicheer up niya. " Wag mong sayangin ang trabaho ng make-up artist at hair dresser na nag-ayos sayo ngayon no", tumingin siya s a suot kong dress. Kulay black na tube dress yon. Backless at maiksi ang cut. " Infairness, bagay sayo suot mo ha? Mayamang-mayaman ang itsura mo. Elegante ang peg."

Maya-maya ay parang may bombilyang umilaw sa utak ko. " Mike!"

" Oh bakit?!"

" Pakasalan mo ko."

" Ano?!"

" Ikaw na lang ang magpakasal sakin."

" Ayoko! Mandiri ka nga!"

" Matitiis mo ba ko?!"

" Ay oo naman! Kadiri ka eh!"

Hinatak-hatak ko ang braso niya. " Sige na.. at least pag ikaw, kilala na kita. Di na ko mahihirapan na makisama sayo. Eh siya? Di ko naman siya kilala."

My Sweet SixteenWhere stories live. Discover now