Bakit?

14 0 0
                                    

Bakit hanggang ngayon
Ikaw parin kahit matagal na ang panahon
Di parin ako maka move on sayo
Eh di naman naging tayo

Gusto kitang kalimutan
Pero bakit para ka yatang sirang plaka na patuloy pumapasok saking isipan at di ka tuluyang makalimutan
Masakit man isipin na ako'y hanggang ngayon ay nasasaktan dahil sayo habang ikaw ay masaya sa iba
Pero tanggap ko naman na masaya ka sa iba dahil kahit minsan wala akung puwang sa puso mo dahil ang pag tingin mo ay nasa iba

Tama na, ayoko na!
Ang sakit² na
Please lang, tama na!
Tama na
Wag ka nang pumasok sa isipan ko
Para ika'y tuluyang makalimutan ko
Ang hirap na, alam mo ba?
Kaya please lang, tama na kasi ayoko na.

Hirap na ako, alam mo ba?
Hirap na akung mahalin ka sa malayo
Hirap na akung mag agaw tingin sayo
Hirap na akung isipin ka kahit diko gusto
Hirap na akung mag tanong kung anong kasalanan ko sayo
Hirap na akung sumagot sa sarili kung sagot kung bakit ka ganito
Hirap na akung mag tanong sa iba kung  may girlfriend kana ba o anong ginagawa mo
Hirap na akung maging stalker mo kahit pinipilit ko na ang sarili ko na tama na, ayoko na
At hirap na akung kalimutan ka dahil patuloy ka paring bumabalik

Bakit nga ba?
Bakit nga ba naging ganito?
Bakit nga ba humantong tayo sa ganito?
Last time na magkasama tayo ay masaya naman tayo
Pero bakit parang bula bigla tayong naging ganito
May kasalanan ba ako sayo?
Para tratuhin mo'ko ng ganito?
Bakit?

Siguro dipa panahon
Ang tamang pag move on
Pero darating din yun
At makakalimutan din kita sa tamang panahon
Maghintay ka lang at ang alaala ko sayo ay ngayon pa lang ay unti² ko ng binaon
At sa time na yun ay masasabi ko ng ikay aking tuluyang nakalimutan at naka move on

A/N: Kyaa! This is my first time na mag sulat ng tula hihi I hope nagustuhan nyo 😄 I need reactions/comments po kung okay lang ba itung sulat ko 😊 tsaka vote nadin po 🙏

Spoken Words PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon