Kwarto

23 0 0
                                    

Isang simple at tahimik na silid
Pero mga gamit mo ang naka paligid
Ito at may apat na sulok
Kung saan ka nagsusumoksok kapag ika'y nagmo-mukmok

Kwarto
Isang salita na binibigkas mo pero ito ay saksi sa lahat ng pangyayari sayo
Sa kwarto ka tatakbo kapag umiiyak ka ng patago
Sa kwarto ka tatakbo kapag nagagalit ka ng husto
Sa kwarto ka tatakbo kapag gusto mong kiligin at ayaw mong may maka-kita sa ka abnormalan mo
Sa kwarto ka tatakbo kapag nagtatampo ka
Sa kwarto ka tatakbo kapag masaya ka
Sa huli, sa kwarto parin ang bagsak mo at wala ng iba

Ang kwarto ang naka-saksi sa lahat kung anong ginagawa mo
Bakit sa kwarto?
Dahil kahit buong araw ka wala sa bahay mo ay hahanap-hanapin mo parin ito pag sapit ng gabi, uuwi at uuwi ka para hanapin ang kama ng kwarto mo
Kwarto, kung saan ka nagtatago
Kung saan mo nilagay ang mga pinaka tagong lihim mo
Kwarto ang nakikinig sayo sa mga iyak, storya at sa mga senti mo
Kwarto ang tumititig sayo kahit anong galaw mo
Ang kwarto na may puting kisame kung saan mukha kang tanga na naka titig dito

Kwarto
Isang salita pero marami ka ng masasabi
Isang bigkas pero marami ng kahulugan
Kwarto
Ang isa sa mga bestfriend mo

Spoken Words PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon