TC [2] The Cute Guy

212 10 3
                                    

Nasuprise ako nung binuksan itong account ko. I mean 23 notifs ang natanggap ko. Well, kahit story updates lang ang iba doon, naging happy ako kasi majority doon ay idinagdag ang story na ito sa reading lists nila. Yung iba, nagvote. May isa namang nagcomment. Soo, THANK YOU SO MUCHHHH! :*

Sabaw at hindi edited ang chapter na ito.

Love you all :) Dahil sa inyo, gumana ang utak ko hahaha!

Happy reading!

***

After 2 Months

"Haaaaay!"

Nagstretching ako saka bumangon sa higaan ko at ginawa ang morning ritwals ko.

Nakangiti akong nakatingin sa salamin habang suot-suot ang uniform ko.

"This day is going to be the best day of my life."

Knock knock

"Clarissa? Are you ready? Malapit na magsimula ang ceremony. Baka malate tayo. Traffic pa naman sa mga oras na ito." Narinig kong sabi ni kuya mula sa labas ng kwarto ko.

Tinignan ko ulit ang sarili ko sa salamin na nakatoga. Syet, gagraduate na talaga ako mamaya.

Lumabas na ako ng kwarto at nakita ang kuya kong naka-attire na. Pagkababa naman namin ay naghihintay ang buong pamilya ko. Sina mommy, daddy, Quennie, at mga tito at tita ko.

Natapos naman ng masaya ang ceremony. Graduate na talaga ako, sa wakas at hanggang ngayon, hindi parin ako makapaniwala na nalagpasan ko ang pagiging highschooler.

Pagkadating sa restaurant kung saan kami magcecelebrate, laking gulat ko na nandoon ang taong di ko nakikita for two months, si kuya Patrick----Patrick.

Siniko ko naman si kuya na katabi ko lang ngayon habang papasok sa loob.

"Kuya, anong ginagawa niya dito?" Bulong ko sa kanya.

"Ha? Sino?"

"Si kuya Patrick?" Tanong ko ulit.

Nakita ko namang ngumisi si Kuya. Ugh, is this his plan?

"Well, he's my friend. At sina mommy at dad ang nag-imbita sa kanya."

Napakunot ang noo ko. Oo, dalawang buwan na ang nakakaraan noong huli kong kita sa kanya. At magdadalawang buwan na rin ang nakakaraan since noong nag-emo ako dahil lang sa lalaking ito. Yes, may feelings parin ako para sa kanya.

"Clarissa, wag mong sabihin na hindi parin nawawala ang feelings mo para sa kanya?" Tanong ni kuya sa akin.

"Kuya..." I said in a warning tone.

Tinawanan niya lang ako at inakbayan bago kami tuluyang pumasok.

Nandoon rin naghihintay sina lolo at lola at iba kong mga pinsan. Binati nila akong lahat---including Patrick at isang babae na ngayon ko lang nakita sa buong buhay ko.

"Hi, ako si Thea." Pakilala nito sa akin. Sino ba 'to?

Ningitian ko lang siya.

Nagsimula na kaming kumain at nagkwentuhang pamilya.

"So, Clarissa, anong kurso ang napili mong pasukan?" Tanong ng auntie ko sa akin.

"I'm thinking of BS Pharma po, auntie." Sagot ko.

"That's good." Biglang salita ng Uncle namin. "Are you taking Medschool after that?"

"Yes po."

Too ClichéTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon