Δ Chapter 1 Δ

184 5 0
                                    

I entered the gate of Universidad de Vigan for the first time.

This is one of the most famous university in the country because of the harmonious relationship of preserved heritage structure of the buildings and the high-technology facilities of the school.

Mataas ang standards ng school na ito kaya naman I wonder how did I passed the university's Entrance Exam, the screening and interviews in the College of Arts and Sciences

Siguro nga ganito lagi yung feeling kapag first day of school...

Nagiging ignorante ka, nagiging tanga, nagiging walang alam.

Kasi naman, halos lahat, bago sa paningin mo. Hindi mo alam kung saan ka pupunta. Wala kang kakilala at hindi mo alam kung anong mangyayari sayo this day.

Ang hirap pala talagang maging college student. Sabi kasi ni mama, ganito talaga kapag first day of school, nakakatakot. Pero if you get along, makakamove on ka din daw doon kaya positive lang ako.

Nakatingin ako sa mapa ng school na binigay ng guard sa akin pagpasok ko.

College of Arts and Sciences

Ayun! Nasa left side daw ng flagpole.

Sinunod ko naman yung nasa ruta nang biglang...

May nakabangga ako.

Bumagsak lahat ng gamit ko sa sahig kaya dali-dali kong kinuha ang mga yun.

"Naku, sorry! Sorry talaga."

"Tingnan mo kasi dinadaanan mo." Tipid na sabi ng nakabunggo ko. Isang lalake.

At napatingin ako sa kanya para makita kung sino tong lalakeng ito.

Pag-angat ko sa ulo ko, laking gulat ko noong nakita ko ang napakagwapong nilalang na nasa harapan ko.

Oh My! He's deadly gorgeous! Matipuno. Matangkad. Maputi. Ang fierce at expressive ng eyes nya na bumagay sa kanyang makakapal na kilay. Yung lips nya, sakto lang ang nipis na halos parang hugis-puso ang itsura pero manly tingnan.

Yung jaw line nya, napakalaki ng impact. Napaka-attractive naman nitong nilalang na ito. Shems!

Dahil sa kaaadmire ko sa kanyang mga features, nawala sa sarili kong late na pala ako sa first period ko. Patay!

"Kung makatitig ka, wagas. Baka matunaw na ako nyan. Tss."

Sabi nya with his poker face na mukha. Ano ba yan. Sungit! Turn off!

"Sorry ha? Tss."

At di sya umimik at umalis nalang bigla-bigla. Aisssh! Sayang, gwapo na sana kaso bastos naman! Nakakainis! Grrrrr!

Imbes na isipin ko yung hayop na yun, hinanap ko nalang yung building ko then after nun, pumasok na ako sa isang parang antique na building na may super bonggang structure. Halatang pinaghirapan.

Pagpasok ko, bumungad agad yung magtu-tour sa amin, si Ms. Manegdeg. Isang matandang dalaga na kung makapag-high heels, wagas! Kulang nalang, matapilok sya. Hindi naman sa pagiging rude pero nakakabwisit yung mukha nya, ang chaka! Haha.

Kung ano-ano na naman naiisip ko, panira kasi ng araw.

"Ms. Navarro, you are late! Ikaw nalang ang hinihintay ng grupo!"

Ang taray naman nitong bruhang to. Tsk. Tumingin ako sa mga kablock ko, halos matunaw na ako sa mga titig nilang nakakaimba. Isa pa sila. Hayst. College life ba talaga ito? Ang hard ha!

"Sorry mam, naligaw lang kasi ng konti."

"Well, tanga ka lang siguro! Pati directions, di mo alam. Poor kid!"

At nakakabwisit ha? Kung hindi lang ako tinuruan ni Nanay ng magandang asal, napadpad na sa Manila tong impaktang to! Kaya yumuko nalang ako.

"Okay, lets go. I'll tour you to the different parts of the University."

At naglakad na sya papuntang ewan. Sumunod nalang kami. Magpapahuli nalang ako kasi napansin kong may kanya-kanya na silang kasama. Nakakainggit naman.

Nawawalan na ako ng pag-asa nang biglang may lumapit sa akin na isang lalake.

"Hi. I'm Jam. Jam Florendo. And you are?"

Napatingin ako sa nagsalita. Isang gwapo ring nilalang na may pagka-chinito. Sya yung tipo ng lalakeng mapapatingin ka talaga at ang hot nyang tingnan. Ang lakas ng sex appeal nya. And oh, his eyes. Ang gandang titigan. Nakakahypnotize. And his lips. Sheeez, napakapula at his nose, ang tangos! May pagkanerdy sya. Gosh, talino siguro nitong gwapong to.

Parang model at may lahi. Ewan lang, parang Korean eh. Ang tangkad pa nya pero buti nalang hindi ako tumitingala sa kanya.

"I'm Liv. Olivia Navarro."

At nginitian ko sya. Ngumiti rin sya sa akin.

"Nice to meet you, Liv. So, friends?"

Agad agad? Oh, buti naman! May makakasama rin ako sa wakas!

"Sure. Friends."

Inilahad nya ang kanyang kamay at nagshake hands kami. He is so effing hot!

"So tara?" Sabi nya. Ang astig nya talaga with his rugged outfit pero hindi maangas tingnan. Ang hot lang talaga!

"Leggo!"

And we went to the tour. Akala ko wala nang magandang mangyayari ngayon, buti nalang at may naging kaibigan ako.

Mahal Ko o Mahal Ako? (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon