Δ Chapter 2 Δ

114 6 0
                                    

Nagtour kami sa University. Nalaman ko na may laboratory pala sa Chemistry dito at take note, kumpleto sila sa mga chemicals and reagents! How cool is that?! Grabe, napanganga ako sa laki ng lab nila at iba rin yung lab para sa Biology and Physics!

Hindi ko rin pinalampas yung parang sinehan nilang Auditorium at yung spacious na Gym ng school. Parang concert ground lang sa MOA sa laki. Grabe, ilang studyante ba meron dito?! Pwede na ngang magconcert si Taylor Swift dito eh! Kyaaaa! My #1 Idol! :)

At yung field, kalevel sa mga napapanood ko sa TV kapag may laban ang Azkals. And there are so many huge buildings na nasa school. May elevator nga yung iba kasi umabot pa sa 5th floor yung building ng College of Business Administration and Accountancy dahil sa dami ng population nila doon.

Napanganga ako sa ganda at lawak ng school na ito. Hindi mo sya matutour ng isang araw lang dahil may mga shuttles din na nagkalat sa school kung gusto mong mapabilis ang byahe mo kapag pupunta ka sa mga malalayong lugar sa school. O diba, ang bongga?

"Kain na tayo?"

Muntik ko na syang di naalala. Kasama ko pala si Jam ngayon at katatapos lang ng 3-day tour sa school. Akalain mo yun? Nakayanan kong nakinig kay Ms. Manegdeg sa ever boring nyang tour sa school. Panira sya eh!

"Sure, saan? Kasi konti lang budget ko eh."

Yun naman talaga yung totoo, we're not rich. Tama lang ang sahod ni Nanay bilang principal sa isang private high school at si Tatay naman, driver sa isang sikat na kompanya.

Buti nalang scholar ako kasi hindi talaga namin kaya ang tuition dito. 2K yung isang unit! Akalain mo yun? No doubt kung bakit maganda ang mga facilities ng Univerity na ito.

"Dont worry, treat kita. Halika na!"

Ano pa nga bang magagawa ko eh hinila na nya ako papunta sa isang napakasosyal na cafe dito sa loob ng school. Lahat yata ng klase ng pagkain, nandito. Kaya naman hinayaan ko nalang na sya ang pumili ng kakainin namin.

"Bakit naman BS Chemistry ang kinuha mo?"

Napatingin ako sa kanya habang kumakain ng inorder nyang steak with fries and mashed potato. I love his taste ha? In fairness!

"Because since when I was in high school, talagang gusto kong maging isang Chemist someday para gumawa ng mga gamot or anything na chemical na can help the health of the people I love."

Seryoso kong sabi. Napatulala lang sya sa sagot ko.

"Haha! Joke lang! Actually, favorite ko kasi tong Chemistry since High School kaya naman noong nalaman kong may scholarship for BS Chem students, grinab ko na yung opportunity at eto, napasa ko naman yung mga requirements. Ikaw?"

"Wow! Talino mo ah! Ang hirap kaya. Ako nga, napilitan lang kasi si Papa, Chemist at si Mama, isang Pharmacist kaya mataas ang expectation nila sa akin. Pero parang magugustuhan ko na ang pag-enroll ko dito sa course na ito dahil sayo."

Napanganga ako sa sinabi nya. Ano raw?!

Napansin ata nya na napanganga ako kaya naman natawa sya sa reaksyon ko.

"Haha. La, kasi naman may kaibigan na ako. Di ko kasi inexpect na magkakaroon ako ng kaibigan. Buti nalang nakita kita."

Sabay kamot sa kanyang batok. Hah, I find it cute to see him like that.

"Ako nga rin eh. Akala ko, matapobre lahat ng mga classmates ko! Thanks, by the way."

At nginitian ko sya ng matamis na matamis.

Tama ba yung nakita ko? Namumula sya? O effect lang yun ng sikat ng araw na nagrereflect sa waxed na sahig?

Asa pa ako. At isa pa, he is the kind of a guy na gusto kong maging kaibigan. He's happy and spontaneous kaya naman nakakahawa ang energy na ine-emit nya.

Biglang may lumapit sa table namin na isang babae.

"Hi Jam! Can we take a photo? I'm your ultimate fan!"

Wow ha? May fan na agad tong lalakeng ito eh kakaenroll lang namin dito. Well, he is a swimmer. Based on this crazy girl in front of us. She is beautiful kaso desperada!

"Sure. Halika na." Tumingin sya sa akin at ngumisi. Wow, ganito talaga? "Liv, papicture naman kami."

Ano pa nga bang magagawa ko? I took the phone and clicked the cam. Yun, may picture na sila.

Nakakatuwa naman. Hindi ko namalayan, may grupo na pala ng mga babae na nakapila sa table namin para makapagpicture sa lalakeng ito. Wow, sikat pala itong mokong na to?

"Sorry kanina ha? Hindi ko naman inexpect na ganun karami yung makikipagpicture sa akin. Alam mo naman itong kaibigan mo, habulin ng mga chicks. Haha!"

"Halata nga eh. Nahiya naman ako sa kagwapuhan mo. Haha!"

Nagulat sya sandali sa sinabi ko pero nabawi rin nya yung sarili nya tapos nagsalita ulit sya.

"Matagal ko nang alam yan! Halika na, tambay tayo sa may Hedge."

At naglakad na kami palayo sa cafe.

Habang naglalakad ako, napansin ko na merong pinagkakaguluhan sa di kalayuan.

"Tara dun! Parang may eksena doon oh. Puntahan natin!"

At hinila ko sya palapit sa may maraming tao. Nakisingit ako hanggang sa nakita ko na yung pinagkakaguluhan nila. Isang magshota siguro.

Hindi ko makita yung mukha ng lalake kasi nakatalikod sya mula sa akin. Yung babae naman, nakaluhod. Maganda sya at maputi pero umiiyak sya.

"...yokong makipaghiwalay sayo. Please, wag kang makipagbreak sa akin."

Nakaluhod na ngayon yung babae. Desperada much?

"I dont care. Hindi ka ba nahihiya sa sarili mo? You're just a trash. Bye."

Then he walked out ng ganun-ganon nalang. Bastos!

Nang humarap sya sa akin, napatingin sya sandali, ngumiti at lumayas na sa lugar.

Ngumiti sya sa akin! Waaaah!

Then it hit me. Parang namumukhaan ko yung lalake? Sya yung gwapong nakabangga ko noong first day. Shocks! Ewan ko kung maiinis ako o matutuwa kasi bastos sya o yung ngiti nya sa akin.

"Sino yun?"

Tanong ko kay JamÉ habang palakad na kami papunta sa Hedge.

Mukhang badtrip ata sya ngayon ha?

"Tsk. Si Terence Mendoza. Isa sa playboy sa school."

Feeling bored? Ganun? Ang bitter ata nya ngayon ah.

"Oh. Pero gwapo sya ah."

At napangiti ako noong naalala ko yung nangyari kanina. He smiled at me.

"Bahala ka na nga jan. Tsk"

Nabadtrip talaga? May PMS ba yun? Haha. Umalis na sya at iniwan ako dun na nakatayo. Hinayaan ko nalang sya.

So Terence pala name nya. Kahit mejo snob at playboy sya, I dont care. Basta, isa lang ang alam ko ngayon...

My heart just skip a beat and doon ko narealize na parang crush ko na sya.

Dug dug...

Dug dug...

Dug dug...

Oh dear, I'm starting to fall for that beast!

Mahal Ko o Mahal Ako? (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon