p r o l o g u e

101 8 16
                                    


"Ano ba Gracie hindi nga kasi malandi si Barbie, si Ken lang ang boyfriendness niya, t'saka mas malalandi kaya ang Power Puff Girls, lalo na si Blossom, yuck~."

Siya si Barbie Amaechi Achebe , pure African pero nanatiling tumira dito sa Pilipinas, childish at ang number one fan ni Barbie. Mayroon siyang sakit na 'Albinism' kung kaya't puting-puti ang kaniyang balat at buhok. Kulay purple ang kaniyang mga mata na mas lalong nagpapatingkad ng kaniyang kagandahan. Ang ganda diba?tanga lang talaga

"Lah!? Hindi kaya! Si Barbie ang malandi no'! Ang landi ni Barbie hindi naman maganda, eww~!" Aniya na may irap pa.

Siya naman si Gracielle Vien Ocampo,anak ng isang head ng sundalo sa Spain, mabait siya, nagpapautang kahit hindi na bayaran, hindi siya childlish inosente lang siya, yung tipong sabihin mo lang ang salitang "BOYFRIEND" ang unang papasok sa isipan niya ay LALAKING KAIBIGAN. Morena ang kutis ni Gracie. Malaki ang bilog niyang mata na kakulay ng lupa. Kulay kahel ang kanyang kulot na buhok at meron rin siyang kulay amethyst na mata.

"Nyx OMG! May nakita akong cakue kanina sa grocery store HOHO~!"

Siya si Hestia Jalayna Mikailov, ang anak ng isang multi-milionare sa Russia. Palagi siyang active sa social-media marami ring followers. At siya rin ang pinaka-OA sa kanilang lahat, pero kahit na ganyan 'yan kaarte e' maasahang kaibigan yan, 'yon nga lang paborito ang Little Einstein. Siya ang pinakamaliit at ang may pinakamahabang buhok.Singkit ang 'cute' niyang mga mata at matangos ang ilong niyang maliit.

"Ah~ okay."

Nyx Samara Baranov, bestfriend ni Hestia, siya ang tipo nang tao na napaka-kalmado, walang pake sa mundo, pero sa loob-loob n'yan nagfafangirl na yan pag may nakitang cakue. Which actually means, gwapong nilalalang. The color of her eyes are turcoise and She colored her hair similar to a vast galaxy. Dahil sabi niya, "It's just like my soul. Don't ask why."

"Frilhi, 'wag mong papansinin 'yang epal na 'yan! Bully 'yang si Power eh! 'Wag nating lalapitan!" She said as she pulled her horse away from her friend.

She's Fritzy Zaier Wilson, ang babaeng mahal na mahal ang nature at mga kabayo lalong lalo na ang alaga niya. A pure Canadian that decided to imigrate here in Philippines, adik sa Wattpad at Dora the Explorer. I mean seriously meron siyang bagpack ni Dora. Seryosong tao siya kung titignan mo, pero siya ang pinaka-baliw sa kanilang lahat. Kulay asul ang kanyang kulot na buhok dahil, trip niya lang. Baliw eh.

"Bahala ka d'yan sa kabayo mo Fritzy! Hmp! HORSE LADY!"

Siya naman si Power Jaslene Johnson isang FilAm. Ang babaeng nakabihag sa puso ng heartthrob Chief sa kanila. Love na love niya si Sofia The First at lahat ng episodes napanood na niya. May kakayahan din siyang kausapin, awayin at kutyain ang mga pusa lalo na ang alaga niya. Maliit ang kanyang mukha at natural na pula ang maninipis niyang labi. Light brown ang kulay ng kanyang mahabang kulot na buhok at kulay berde naman ang kanyang mga.morena ang kutis niya na namana niya sa kaniyang Ina pero meron siyang freckles na marahil ay namana niya sa kaniyang Ama.

"Ate alis na tayo dito, nababaliw nanaman sila eh." Anito at inaalog pa ang kanyang Ate na kakambal niya.

Haru Furukawa matiisin, mabait, mapagpatawad at baliw. Pero mas baliw ang mga kaibigan niya, papatawarin ka niya kahit sobrang laki ng kasalanan mo sakanya, matalik na maibigan ni Kang Daniel. Bagsak ang kanyang hazelnut brown na buhok niya na hanggang balikat lamang niya ang haba.

"'Lul, kasama ka sakanilang mga baliw! Do'n ka nga! 'Wag mo 'kong dikitan! Mahawa pa 'ko sa pagkabaliw mo eh!" Sabi niya at tinagal niya pa ang kamay na nakahawak sa braso niya.

And lastly Karu Furukawa, ang kakambal ni Haru. Siya ang SAMURAI GIRL sa kanila dahil palaging may dala-dalang samurai, legal naman daw kasi. Masungit siya at hindi mo maintindihan kung may regla ba siya palagi. Minsan lang sa isang buwan siya magiging mabait. Bestfriend ni Power pero hindi niya ito tinuturing na bestfriend dahil wala daw siyang bestfriend. Tunay na friend lang daw.

Walong mga babae, walong magkakaibigan na guguluhin ang tahimik na pamumuhay ng mga tao sa Villa Muenteverde

Gugustohin mo pa bang tumira kasama sila? Kung ako sa'yo, p'wes maghanda ka ng maraming pera dahil mga kuripot sila.

_______
r e m i n d e r:

this is an epistolary story focused on karu's life.

sayonara~

Muenterverde Series 1 // Karu Furukawa Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon