Chapter Two

7.2K 175 0
                                    


WALANG tigil sa pagpatak ang mga luha ng labing-anim na taong gulang na si Selena habang nagmamadali siyang makalabas ng mansyon ng mga Trevino. Halos hindi siya makahinga sa sobrang paninikip ng dibdib. Nahuli niya si Adam na may kahalikang babae sa mismong kwarto nito. Sa pagmamadali siguro nitong magawa ang mga gusto nitong gawin sa babaeng iyon ay ni hindi na nito naalalang mag-lock ng pinto.

Dahil nanlalabo na ang mga mata ni Selena sa pagluha ay hindi niya na napansin ang dinaranan. Natapilok siya at bumagsak ang pang-upo sa sementadong daanan hindi kalayuan sa hardin. Lalong lumakas ang kanyang paghikbi. "I hate you, Adam. I hate you so much!" Basag ang boses na wika niya sa kawalan. Wala na siyang pakialam kung may makakita man sa kanyang kasambahay.

Bakit hindi pa siya nagawang hintayin ni Adam? Paano pa nito nagawang mambabae? May usapan na ang kanilang mga magulang na ipakakasal sila sa isa't isa pagtuntong niya ng bente-singko. In-annouced pa nga iyon ng kanilang mga magulang noon mismong ginanap ang selebrasyon ng birthday niya noong nakaraang linggo. Wala namang narinig si Selena na pagtutol sa bahagi ni Adam. Nakangiti pa nga ang binata sa lahat kasabay ng pangako nito sa kanyang ama na iingatan siya nito. At pinanghawakan niya iyon dahil hindi pa siya teenager ay gusto niya na ang binata.

Umasa si Selena sa pangako ni Adam pero ano itong nasaksihan niya ngayon? Pinaalalahanan na siya noon ng kanyang ina. Tanging ito lang ang tutol sa nakatakdang pagpapakasal niya kay Adam pagtuntong niya sa tamang edad. Pero ang ama niya pa rin ang nasunod, isang bagay na hindi naman naging issue sa kanya dahil na rin sa malaking pagkakagusto niya sa binata.

Kasundo rin ng kanyang ina ang mga Trevino pero hindi kaila sa kanya na hindi nito gaanong gusto si Adam para sa kanya. Lalo pa at mas matanda ang huli sa kanya ng apat na taon. May mga pangangailangan na raw ang binata na hindi niya pa kayang ibigay at sa oras na hingin raw nito sa kanya ay huwag na huwag niyang ibibigay.

Ang pakikipaghalikan ni Adam sa babaeng nakita ni Selena, iyon ba ang sinasabi ng kanyang ina na pangangailangan ng binata? Kung ganoon ay napaka-unfair naman ni Adam. Bakit pa ito naghanap ng iba? Pwede niya naman iyong ibigay rito.

"'Wag kang magagalit, ha? Best friend kita kaya ko 'to sasabihin sa 'yo. I saw Adam kissing someone else yesterday, Selena. Nakita namin siya ng sister ko sa parking lot ng isang mall. Doon siya nakikipaghalikan. Of course, you're prettier than the girl. And honestly, disappointed ako kay Adam. The girl he was kissing looked like a flirt to me." Naalala bigla ni Selena na sinabi ni Chynna sa kanya, ang huli ang dahilan kung bakit siya nagpunta sa mansyon ng mga Trevino nang hapon na iyon para kwestyunin sana mismo si Adam.

Pero hindi na pala kailangan. Saka kung sakali ay magagawa nga ba ni Selena na tanungin si Adam samantalang ni hindi nga siya nakapagsalita kanina nang maaktuhan niya ito sa kwarto nito?

"Ito pa. 'Wag ka uli magagalit. But I really think he's not into you, Selena. Ni hindi nga siya nag e-effort na manligaw sa 'yo 'di gaya ng mga suitors mo sa campus. Ni hindi ka rin niya inihatid ni minsan papasok o pauwi man lang."

"May driver naman kasi kami." Defensive na sagot ni Selena.

Pinandilatan siya ni Chynna. "Iyon lang ang excuse niya? Paano 'pag ikinasal na kayo? Dahil may driver nga kayo, mga katulong at kung ano pa, kahit minsan, 'di ka na niya pagsisilbihan? Aminin mo na, Selena. Walang kusa pagdating sa 'yo si Adam. At 'wag mo 'kong sisimangutan ng ganyan. I have the right to say this. I'm your best friend, remember?"

Hindi kaya iyon ang dahilan kung bakit naghanap pa ng ibang babae si Adam? Dahil... hindi talaga siya ang gusto nito? Ayaw tanggapin ni Selena ang bagay na iyon noon kahit pa nararamdaman niya na iyon. Pero ngayon... Muli siyang napaluha.

Once Upon A TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon